chapter sexteen

385 6 0
                                    

Hindi pa muna kami agad umuwi ni Jeff pagkatapos naming mag usap.Nagkwentohan muna kami saglit,nagkwento siya sa mga nangyari sa party niya maliban na lang doon sa part na may kasama siyang babae.Alam kong dapat na kumprontahin ko siya para magkalinawan kaming dalawa ngunit nabahag ang buntot ko.Takot ako sa marinig ko mula sa kanya kaya isinantabi ko na lang muna.Maghihintay ako hannggang sa siya na mismo ang kusang magsabi sa akin ng totoo.Kasi kung totoong mahal niya ako,hindi siya maglilihim sa akin!Hindi siya gagawa ng paraan para masaktan ako.!

Napapansin kong ang lalim ng iniisip niya ngayon habang pauwi na kami.Kung kanina puro kwento siya,ngayon naman habang tinitingnan ko siya habang nagmamaneho,ang seryoso ng mukha niya.Parang ang dami niyang iniisip.!

"Jeff....." agaw ko sa atensyon niya.Lumingon naman ito sa akin.
"alam mo namang pwede kang magsabi sa akin ng kahit ano diba?Para mas magtagal itong relasyon natin,dapat wala tayong lihiman sa isat isa diba?..."nakatingin pa rin ako sa kanya.Sana man lang sa mga sinasabi ko sa kanya ngayon,maisip niya na magsabi sa akin ng totoo.Pakikinggan ko naman ang mga paliwanang niya kung talagang walang ibig sabihin ang mga larawang nakita ko.
Ngumiti lang siya sa akin at binaling muli ang tingin sa harap ng kalsada.Napabuntong hininga ako.Nalungkot ako sa isiping wala talaga siyang balak ipaalam sa akin ang tagpong iyon.
Hinatid lang niya ako sa bahay at hindi na siya bumaba.Sinabi niya kasi kanina na dumeretso daw agad siya dito sa bahay pagkarating niya.Sina Mama din daw ang nagsabi sa kanya kung nasaan ako kaya niya ako nahanap.
Pumayag na rin ako na umuwi na lang muna siya para makapagpahinga.Alam kong pagod talaga ito simula kahapon pa.
Pagpasok ko sa kwarto ay naisipan ko nang magcharge ng telepono.
Mayat maya ang datingan ng mga mensahe.Hindi ko na lang din binasa kasi nagkita na rin naman kami ni Jeff,Si Cathy naman tatawagan ko na lang mamaya.Alam kong babahain ako ng tanong kung ano ang nangyari sa akin kahapon.
Hindi ko pa man nalagay sa table ang phone ko ay nagring na ito.!Nakita kong si Cathy ang tumatawag.Itong babae talagang ito,ang kulit!!!!!

"Hoy babae!buti naman at naisipan mo na akong sagutin noh!!kahapon pa podpod ang kamay ko sa kaka dial ng numero mo,,bruha ka!!!ano bang nangyari sayo ha?..."bungad nito sa akin.Hindi na nga ito halos huminga sa dami ng tanong.

"ang daming nangyari dito kahapon na hindi mo alam kasi hindi ka makontak!.."dagdag pa nito.Nakuha nito ang interest ko.Alam kong sa lahat ng pwedeng tanongin..Si Cathy ang hindi mAgsisinungaling sa akin.Tama nga kayang sa kanya ako magtanong?Or baka nga ito ang gustong i kwento sa akin ni Cathy ngayon.Bago pa man niya ma umpisahan na magkwento ay tinanong ko na siya agad.

"Cathy.....si-sino si Grace?"kinakabahan kong tanong.Natahimik ang nasa kabilang linya.Siguro nagulat sa tanong ko.

"Paano mo nalaman ang tungkol kay Grace?."balik tanong nito.Mas lalo akong nasaktan.So may tungkol nga talaga kay Grace na hindi ko alam.

"Look Kris,hindi ko alam kung ano ang iniisip mo about kay Grace,at kung paano mo nalaman ang tungkol sa kanya...but hindi iyan ang dapat mong malaman sa ngayon....."sabi nito.Naguluhan naman ako.

"anong ibig mong sabihin?..."tanong ko sa kanya.May iba pa palang nangyari kahapon bukod sa nakita kong mga larawan?

"Iyang mabait mong boyfriend,nag announced kagabi na hindi tutuloy sa trabaho dito sa maynila at mas piniling diyan na sa lugar natin mag uumpisa!!!Nagkagulo lahat dito,alam mo ba yun...noon pa man ito na ang gusto niya,ang magtrabaho sa kompanya ng ninang niya para magkaroon ng experience at soon makapag patayo nang sarili niyang kompanya without the help of our family money!!!pero ngayon bigla na lang nagbago ang lahat kris!!"mahaba nitong kwento.Pati ako nagulat sa sinabi niya.So tuloy pa rin pala ang plano ni Jeff na dito na lang magtrabaho.!Buong akala ko sa maynila na ang pinili niya pagkatapos naming mag usap nang araw na iyon!!Mali pala ako!

"Galit na galit si lola sa kanya!Ano ba daw ang mayron sa lugar na iyan at bakit gustong gusto diyan ni Tito!!Nagdududa na sila na may kinakabaliwan siya diyan Kris,Sooner or later malalaman na ng lahat ang tungkol sa inyo,kaya kausapin mo iyang lalaking iyan!!My God pati ako na e-stress!!!Ako ang napuno sa mga tanong nila!Ayaw ko naman na ako ang magsabi nang tungkol sayo!Hindi mo pa kilala itong lola ko!Pag usapan niyo iyang dalawa....!!!""dagdag pa nito.Parang nakikinita ko pa ang stress na mukha nito.
Kaya siguro kanina parang ang lalim ng iniisip ni Jeff.Marami pala siyang iniisip na problema,dumagdag pa ako.!Pinapakita niya sa akin na maayos siya at masaya para siguro hindi ako mag alala.Nakaka guilty!!!Samantalang ako, puro selos lang ang laman ng isip ko!!

"Hello kris andiyan ka pa ba?"tanong nito.,akala siguro nito nawala na ako kasi natahimik ako bigla.

"Hindi nga namin alam kung nasaan na siya ngayon,nawala na lang siya bigla dito kagabi pa....hindi lang si Lola ang galit sa kanya,lahat ng tao dito kris...tawagan mo naman oh baka kausapin ka...!!"patuloy nito.

"nagkita kami kanina Cathy,nandito siya....Wag kang mag alala kakausapin ko siya...."mahina kong sabi.

Marami png sinabi sa akin si Cathy sa mga nangyari kahapon.Hindi talaga ako makapaniwala.!Mas pinili talaga ni Jeff na makasama ako kaysa sa magandang opportunity na nakalaan para sa kanya.Ganun niya ako kamahal!!!!Pero hindi ko magawang magsaya sa mga nalaman ko...Noon pa man pinapaintindi ko na sa kanya na kaya ko namang magtiis para lang sa kinabukasan namin.Hindi niya dapat gawin ito.

Sinubukan ko siyang tawagan pero patay ang telepono nito.Siguro para hindi makontak ng pamilya niya.
Nakapag desisyon akong puntahan siya sa bahay nila para makapag usap kami ng personal.Mabuti na lang hindi pa masyadong madili kaya pinayagan pa ako nina Papa na lumabas ulit.....

Right love at the wrong time(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon