Prologue

1.7K 18 0
                                    

Ive been working here in M&Q com. for almost three years now.Masyadong strikto ang boss namin kaya himala talagang nakaabot ako ng tatlong taon dito or talaga lang nagtitiis ako kasi maganda ang pasahod at mga benepisyo.
Nasa probinsya ang mga magulang ko kasama ang nag iisa kong bunsong kapatid na nag aaral pa hanggang ngayon.Umuuwi naman ako dun minsan pero mas madalas talaga na hindi na lang kasi maliban sa mahal ang pamasahi ang haba din ng oras sa byahe.
Medyo malapit lang din dito ang apartment na tinitirhan ko,isang sakayan lang ng jeep.
"tara break muna tayo kris"yaya sakin ni Luna.Kasamahan ko dito sa work.Hindi ko namalayan breaktime na pala namin.Kapag ganito kasing nasa ibang bansa yung boss namin medyo busy talaga kami kasi yung assistant nyang feeling boss ang daming pinapagawa.
"Punta ka sa bahay this saturday Kris ha,magtatampo talaga ako pag di ka nakarating"anyaya nito.Nung nakaraang araw pa ako nito kinukulit na pumunta nga raw sa bahay nila kasi may handaan nga daw,birthday ng kuya nya na alam kong nagpapalipad hangin sakin.Kaya ayaw ko sanang pumunta kasi baka umasa yung tao pero nahihirapan naman akong humindi dito sa kaibigan ko.Si Luna lang ang naging malapit sakin dito at ayaw kong magtampo ito.Mabait naman si Ruel,sa totoo nga lang nasa kanya na yung lalaking gugustohin mong maging boyfriend kaso nga lang kaibigan lang talaga ang tingin ko dito.
"Oo na,pupunta na ako,mahihindian ba naman kita"irap ko dito.Lumaki ang ngisi sa mukha nito.
"Pero sinasabi ko sayo Luna ha,kaibigan lang ang tingin ko sa kuya mo baka aasa naman yun pag pumunta ako"pagkaklaro ko sa kanya.
"Alam ko naman yan,hmmmp palagi ko naman yang sinasabi kay kuya noh kaso talagang gusto ka raw nya kaya hindi siya nawawalan ng pag asa hanggat wala ka pang nobyo,magboyfriend ka na kasi para hindi na yun aasa!"sabi nito.
Kung sana nga ganun kadali ang magboyfriend,bukod sa wala pa akong nagugustuhan,parang ayaw ko pa namn ding pumasok sa isang relasyon ngayon.Huli kong pakikipag relasyon ang nung nasa kolehiyo pa ako,yung unang taong minahal ko nang todo pero sinaktan ko rin ng sobra.Napabuntonghininga ako nang maisip ang nakaraan.
Siguro nga andito pa rin ang takot sa puso ko kaya hindi pa ako handa na magbukas para sa bago.Walang may alam sa nakaraan ko kahit si Luna.Mas pinili kong sarilinin yun at kalimutan kasi alam kong kinalimutan na rin ako nang taong iyon.

Natapos ang araw namin na hindi na ulit kami nagkausap pa ni Luna dahil sa sobrang busy namin pareho.Nang uwian naman ay nauna na rin itong umuwi kasi sinundo yata ng boyfriend nito.Kaya heto ako mag isang nag aabang ng masasakyan na jeep.Masyadong trafic pag ganitong uwian na,kaya matagal tagal din bago ako nakauwi.
Pagkarating ko sa apartment ay nagluto agad ako ng hapunan para makapagpahinga ng maaga.Ganito lang palagi ang takbo ng buhay ko,puntang trabaho,uwi sa bahay tapos kinabukasan trabaho ulit.Nakakalungkot ang mamuhay mag isa pero dahil ginusto ko ito,wala akong magagawa kundi kinakaya.

Kinabukasan,maaga pa lang nag aabang na ako ng masasakyan papuntang trabaho nang may humintong sasakyan sa harap ko.
"Good morning Kris,halika hatid na kita!"bungad sakin ni Ruel na ngiting ngiti.Ganito talaga ito pag alam kong hindi ito busy sa trabaho bigla na lang sumusulpot para ihatid or sunduin ako sa trabaho.Nakokonsensya naman akong tanggihan kasi alam kong sinadya talaga nyang puntahan ako.Sa layo ba naman ng bahay at trabaho nito para maisipan pang pumunta dito sakin.Inembitahan din nya ako ng personal para pumunta sa birthday niya bukas.Bukas na pala at wala pa akong nabiling regalo!!!Kailangan ko pang pumuntang mall mamaya after work.Kunti lang naman daw ang bisita nya,kasamahan sa trabaho at yung iba mga relatives na lang nila.Gusto pa niya akong sunduin sa apartment para lang masigurong makapunta talaga,siyempre tinanggihan ko nakakahiya naman,!alam kong busy siya at ayaw kong magpa importante.

Araw ng sabado ngayon,walang pasok kaya hindi ako obligadong gumising ng maaga.Maglilinis lang naman ako ng apartment at magpapahinga buong araw.Mamayang hapon pa ang punta ko kina Luna kasi gabi naman gaganapin ang salo salo kaya may time pa talaga akong magpahinga.Mabuti na lang at nakabili na ako ng regalo para kay Ruel kahapon after work kaya diritso na lang ako sa bahay nila mamaya.
Paidlip na sana ako ng tumunog ang phone ko.Nakita ko sa screen na si mama ang tumatawag.Nangungumusta lang naman at kaunting kwentuhan.Alam kong kahit hindi sabihin ni mama,nalulungkot pa rin sila sa desisyon kong mamalagi dito na malayo sa kanila.Kahit ilang taon na ang nakalipas,hindi kinuwestiyon nila mama ang rason ng pag alis ko.Alam kong may ideya sila at inaantay lang nila na ako mismo ang magkwento pero mas pinili kong sarilinin at kalimutan.
Nagising ako sa tunog nang aking alarm clock.Mag 5'o clock na ng hapon,kailangan ko nang maghanda.Naligo ako at nagbihis.Simple lang naman ang sinuot ko.Isang bestidang kulay abu na hindi umabot sa tuhod na pinatungan ko ng jacket na cardigan.Nag flat shoes lang din ako para hindi naman masyadong pansinin pagdating ko dun.Tumawag na din sakin si Ruel kanina para sabihing inaantay niya ako.Akala niya siguro hindi ako tutuloy.
Nang makarating ako sa bahay nila,sa labas pa lang kita ko na ang ibang bisita.Ito pa la ang sinasabi ni Ruel na kunti lang ang bisita nya,punuan ang bahay.!!Kinakabahan ako kasi medyo marami talaga ang tao,may pagka mahiyain kasi talaga ako lalo na pag hindi kakilala.Balak ko sanang tumalikod na lang at hindi na tumuloy nang makita at batiin ako ng mama ni Ruel na nasa may pinto pa la nag aabang.
"Kris iha,kanina ka pa hinihintay ni Ruel sa loob,halika pasok ka!"yaya nito.Mabait talaga ang parents nila,minsan ko na din kasi itong nakilala nang isinama ako ni Luna dito kaya kami nagkakilala ng kuya niya.
"Pasensya ka na iha,maraming bisita,hindi rin namin akalain na ganito karami eh,,"hingi nitong paumanhin.Siguro napansin nitong medyo naiilang ako.
"ok lang po tita,salamat po pala sa pag imbita"wika ko.
Tuwang tuwa si Ruel nang makita akong papasok,iniwan nito ang kausap na lalaki na hindi ko nakita ang mukha kasi nakatalikod sabay lapit sakin."
"akala ko totoo ang sinabi ni Luna na hindi ka talaga dadating"sabi nito na ngiting ngiti na nakatingin sakin.Niloloko na naman siguro ni Luna ang kuya nya.Napailing na lang ako.
"Hindi ah,pupunta naman talaga ako,Happy birthday pala sayo Ruel!!" masayang bati ko sa kanya sabay abot ng regalo ko.
"Maraming salamat Kris,ang pagpunta mo pa lang dito malaking bagay na para sakin,masayang masaya na ako!"dagdag pa nito."Halika ipakilala kita sa mga kaibigan ko,busy pa si Luna andun sa kusina"anyaya nito sabay giya sakin papunta dun sa grupong iniwan nya kanina.
Palapit pa lang kami pero diko mapigiling mapatitig sa likod ng lalaking kausap ni Ruel kanina.Bigla akong kinabahan,parang pamilyar ang bulto ng lalaki.Nanlamig ako bigla nang lumingon ito sa banda namin.Pareho kaming nagulat nang magkatitigan.
"ok lang kris?bakit ang lamig mo?masama ba pakiramdam mo?"pag alala ni Ruel.
"Ok lang ako,wag kang mag alala,gusto ko lang sanang makausap sana si Luna,pwede bang ihatid mo ko sa kanya?"nakayuko kong sabi.Ayaw kong mas lalo niyang mahalata ang tensyon na nararamdaman ko ngayon.Bakit sa lahat ng pagkakataon dito pa kami muling nagkita.Si Jeff ang nakita ko kanina,hindi ako pwedeng magkamali.Kahit malaki ang pinagbago ng katawan nya,alam kong siya yun.Sa ipinakita din nyang gulat nang magkatitigan kami,alam kong nakilala din nya ako.Mabuti na lang nakahanap agad ako ng alibi kanina habang hindi pa kami nakarating sa kanila kasi alam kong plano talaga ni Ruel kanina na ipakilala ako sa mga kaibigan nya.Hindi pa ako handa,Ngayon ko lang na realize na sa tinagal tagal nang panahon,ang akala kong naghilom na sakit ay hindi pa pala....
Nang maihatid ako kanina ni Ruel kay Luna sa kusina ay hindi na ako tinantanan nang huli sa kakatanong kung anong nangyari.Alam kong kilala na ako ni Luna kaya alam niyang may bumabagabag sa akin.Tahimik lang ako buong gabi at laking pasalamat ko na rin na masyadong busy si Ruel kaya hindi niya ako masyadong nalalapitan.Hindi ko na rin naman nakita pa si Jeff,siguro umuwi na rin ito.Nakahinga ako ng maluwag sa isiping iyon.
Kahit nakauwi na ako dito sa apartment ko ay hindi ko pa rin maiwasang mabahala.Sa tinagal tagal ng panahon,Ngayon lang kami ulit nagkita.Hindi ko na alam kung ano nang nangyari sa kanya simula nang umalis ako samin.Wala namang na ikwento sakin ang pamilya ko tungkol sa kanya,siguro ayaw din nilang maalala ko pa ang nakaraan at mas lalong wala naman akong lakas ng loob para makibalita ng kahit ano na may ugnayan sa kanya.
Siguro dahil din sa pagkikita naming ulit,hindi ko maiwasang balik tanawin ang mga ala ala sa mga pangyayari noon...

Right love at the wrong time(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon