Maayos naman ang takbo ng araw namin ngayon ni Jeff.Binisita niya ako dito sa bahay at maayos na nagpaalam sa mga magulang ko na lalabas kami mamayang gabi.
Malapit na rin kasi ang umpisa niya sa trabaho kaya sinusulit na niya ang mga araw na pwede pa kaming mamasyal nang matagal.
Tinawagan ko na rin si Cathy at ibinalita nga sa kanya ang napagkasundoan namin ni Jeff.Alam kong kahit ito man ay dismayado sa desisyon ng Tito niya ngunit mas pinili na lang nito na suportahan kaming dalawa.
Ngunit binalaan din niya ako tungkol sa mga magulang ni Jeff.Lalo na daw ang mama nito.Hindi daw talaga nito matanggap ang desisyon ng anak at plano pa nga raw nito na sumunod dito sa probinsya!!Baka nga raw silang lahat ay uuwi na lang dito!!!
Oo sinabi ko nang handa naman kami ni Jeff na harapin ang lahat pero hindi ko pa rin maiwasan ang kabahan.Alam kong isa ako sa sisisihin ng Mama niya kapag nalaman nito ang tungkol sa aming relasyon.Ipinagdarasal ko na lang na sana hindi ito hahadlang sa aming dalawa.!
Gusto ko lang ng tahimik na buhay.Hindi ko pinangarap na magkaroon ng magulong relasyon!Nanood lang kami ng sine at pagkatapos namasyal saglit sa arcade ng mall.Waaaahhhhh!!!!First time ko siyang makasama na maglaro dito at hindi ko mapigilan na ma amazed sa kanya..!Ang sarap bumalik sa pagkabata!!!!
Hawak hawak ko ngayon ang stuff toy na napanalonan niya sa laro.Wala man lang kahirap hirap itong taong ito!!!!Ang unfair,samantalang ako ,ni isa wala man lang naipanalo!!!!
Pagkatapos namin na maglaro ay kumain na rin kami sa isang restaurant.Nakakahiya,,hindi ko man lang naisipan na mag ayos,,!
Pero katulad ng dati,parang wala lang din kay Jeff ito,hawak hawak pa niya ako sa kamay habang papasok kami sa kainan.Nakakataas ng confident noh,,!!!Pagkatapos ng mahabang gabi ay nagpasyahan na naming umuwi na.Bago ako bumaba ay sinabi sa akin ni Jeff na plano na nga niya akong ipakilala sa mga magulang niya.May plano nga raw ang mga ito na pumunta dito kaya gusto na daw niya na maipakilala ako sa personal.Kilala naman na ako ng Mama niya..bilang kaibigan nga lang ni Cathy at hindi bilang girlfriend ng anak nito.Kinakabahan talaga ako.Iniisip ko kung magugustohan kaya ako ng mga ito?
"dont worry baby,,they will like you for sure...!!!" pang aalo sa akin ni Jeff.Nakita niya sigurong kinabahan ako bigla.Binigyan ko na lang siya ng isang tipid na ngiti.
Bago matulog ay nag usap ulit kami ni Jeff sa telepono.Ang kulit kulit talaga!!!kahit sinabi kong magpahinga na lang ito,sinasagot lang ako na nawawala daw ang pagod niya basta kausap lang ako...!!!
Sinabi din nito na bukas nga ng hapon ang dating ng pamilya niya.
Sa dinner daw niya ako balak na ipakilala.Magpapaalam daw siya bukas sa mga magulang ko ng maayos para naman daw hindi mag alala ang mga ito.Maaga pa lang hindi na ako mapalagay.Halo halo ang nararamdaman ko.Pati susuotin ay hindi ko alam kung ano.Gusto kong maging presintable sa paningin ng pamilya ni Jeff.Alangan na nga ang estado namin sa buhay pati pa ang edad dumagdag pa!!!!Ngayon lang ako na insecure sa edad kong ito...!
Hapon nang dumaan si Jeff dito sa bahay para ipagpaalam ako para mamayang gabi.Alam kasi niya kung anong oras nandito sina Mama at Papa kaya madali lang sa kanya ang magpaalam.Kahit sina Mama ay medyo nababahala para sa akin pero ipinangako naman ni Jeff na hindi niya ako papabayaan.
Nandito ako sa kwarto ngayon,naghahanda na para sa dinner.Inaantay ko na lang na sundoin ako ni Jeff. Tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin nang kumatok si mama sa pinto at pumasok.Tinitingnan din ako ni Mama sa salamin.
"dalaga na talaga ang anak ko..."sabi nito sabay suklay sa buhok ko.
"parang kailan lang umiiyak ka pa kasi ayaw mong umalis kami nang hindi ka kasama..."dagdag pa nito habang nakangiti.Napangiti na rin ako.Naalala ko pa dati noong maliit pa ako,dahil sa wala akong kaibigan..sina Mama at papa lang palagi ang kasama at nakakausap ko.Umiiyak ako pag wala sila sa paningin ko.!"palagi mong tandaan anak ha na kahit anong mangyari,,kami ng papa mo nandito lang para sayo....""
Napaluha ako.Alam ko naman iyon.Sila lang ang mga taong alam kong hindi ako iiwan at sasaktan.Niyakap ko si Mama nang mahigpit.Kahit simple lang ang buhay namin,masaya naman kami kasi alam namin na mahal namin ang isat isa...
Nang tinawag na ako ng kapatid ko at sinabing nasa labas na si Jeff ay inayos ko ulit ang sarili ko.Sinamahan ako ni Mama palabas ng bahay at nakita ko nga si Jeff na naghihintay sakin habang kausap si Papa.Seryoso yata ang pinag uusapan nila ngunit nang mapansing nilang palapit na kami ay tumahimik na silang dalawa.Naisip ko na lang na siguro inihabilin lang ako ni Papa kasi alam niyang hindi ako sanay sa ganitong okasyon.
Habang papalapit kami sa bahay nila ay papalakas naman nang papalakas ang kabog ng dibdib ko.Para akong hihimatayin sa kaba.Nagulat pa ako nang hawakan ni Jeff ang aking kamay.Siguro nahahalata niya ang panginginig ko.
"Dont be nervous...pamilya ko lang iyan,,, na maging pamilya mo din soon....dapat masanay ka na baby....""sabi nito para panatagin ang loob ko.
Nginitian ko lang siya at huminga ng malalim.Kaya mo to kristina!!!!!
Habang papasok kami ay naririnig ko na ang ingay sa loob ng bahay.Marami pa lang tao!!!Akala ko ba pamilya lang niya!?Nagkatinginan kaming dalawa.Sa tingin ko wala din siyang ideya dito.!!!!
Gusto kong umatras ngunit mas hinigpitan lalo ni Jeff ang paghawak sa kamay ko.
Tumango lang siya sa akin sabay hila ulit palapit sa mga tao sa sala......,.,,
BINABASA MO ANG
Right love at the wrong time(completed)
RomanceMahirap kalimutan ang Nakaraan lalo na kung mismong tadhana ang gumagawa ng paraan para muli itong mabalikan. Masakit kay Kris na makaharap muli ang taong minahal niya ng sobra nuon at alam niyang nasaktan niya ng sobra sa mga maling desisyon na nag...