Nag message sa akin si Cathy na i check ko raw ang Facebook ko!Wala akong ideya kung anong meron pero sinunod ko pa rin siya.
Kakabukas ko lang ng aking account ay binabaha na ako ng mga notification!Jeffrey Llano sent you a friend request..
Jeffrey Llano sent you a relationship status..
Jeffrey Llano just posted a photo one hour ago.iyan agad ang bumungad sa akin!!marami din nagpapadala ng mensahe sa akin!Sigurado akong mga kaibigan niya ito.!
Tiningnan ko rin ang isang picture na magkasama kaming dalawa.Iyon yung kuha naman na nakaupo habang nakaakbay siya sa akin,nakaharap kami sa magandang view!!!Ang ganda naming tingnan!!Isang oras pa lang ang dami nang likes!!Pati comments!!
Oo alam kong hindi na lihim ang relasyon naming dalawa pero hindi ko naman naisip na kaya pa talaga niyang ipaalam sa buong mundo!!!
Naisipan kong magbasa ng mga komento na siyang pinagsisihan ko din sa huli kasi ang daming mga hindi magagandang sinasabi!!Oo marami din naman magagandang comments pero grabe halos ang daming babaeng umiiyak!!!!"akin ka na lang Jeff...."
"hindi naman maganda...!!"
"duh para niyang yaya noh..."
"di sila bagay..."
"bakit parang ang bata pa ni girl?"at marami pang iba...,
"wow congrats bro..."
"sa wakas nailabas din!!!"
"she seems familiar..."
"ang ganda pala ng mga tipo mo bro.."
"were excited to meet her..."
"dalhin mo yan dito sa maynila..."Hindi ko na binasa pa ang iba sa sobrang dami!
Dios ko,,naging sikat ako bigla!!!!Lagot sa akin itong lalaking ito mamaya pagkita namin.!Napuno ako ng tukso ni Cathy nang magkita kami dahil doon sa ginawa ni Jeff sa account namin!Magkasama kasi kami ngayon dito sa Mall kasi inutusan daw siya ng lola niya,may pinapabili daw!Magkikita nga sana kami ni Jeff ngayon kaso may biglaan din daw na inutos ang mama niya sa kanya kaya sumama na lang ako kay Cathy para malibang.
Mag uumpisa na rin si Jeff bukas sa trabaho niya kaya minsan na lang talaga kami magkita nito pero sabi naman niya gagawa daw siya ng paraan para makita ako kahit saglit lang.!Pareho na kaming busy ni Jeff,pasokan na kasi at siya naman ay nagtatrabaho na.
Ang maganda ngayong sem na ito ay dito na nag aaral si Cathy kaya may makakasama na ako palagi.!Parang desisyon yata ng Mama ni Jeff na dito na muna mag aral si Cathy..naisip ko nga baka ginawang bantay sa aming dalawa!!Mabuti na lang at malaki ang tiwala ko sa kaibigan ko at isa pa wala naman kaming ginagawang masama ni Jeff!Minsan sinusundo niya ako after class pag nauuna siyang matapos sa trabaho,minsan naman sa umaga kapag hindi niya kailangan na umagang aalis.Sinisigurado niya talaga na may time kami sa isat isa palagi.Araw araw mas lalo ko siyang minamahal!!
Ngayong hapon ay maagang natapos ang klasi namin kaya maaga din kaming pwedeng umuwi.Paalis na sana ako nang hilahin naman ako ni Cathy para isama sa lakad nila ng mga ka klasi niya.!
Noon pa man,ma barkada na talaga itong si Cathy,sa akin lang talaga ito tumitino kasi wala talaga siyang mapapala sa akin..!Kahit nga pag inom ay hindi ko kaya,kapag kami magkasama niyan ay bawal siyang uminom pero alam ko naman na pag ibang kaibigan niya ang kasama niya ay umiinom naman siya!Wala namang problema sa akin iyon basta wag lang siyang mapapahamak..!
Ayaw ko sanang sumama kasi bukod sa hindi ako nakapag paalam sa mga magulang ko,hindi rin alam ni Jeff ang lakad na ito..Kaso ayaw magpapigil Ni Cathy.Magtatampo daw siya pag di ako sumama,minsan lang naman daw kami umaalis na wala si Jeff kasi palagi na daw kami na lang ni Jeff ang magkasama!At ginamitan pa talaga ako ng konsensya!!!Hindi rin ako pwedeng mag rason na mag aaral kasi wala nang pasok bukas.!Kaya labag man sa loob ko ay sumama na lang ako sa kanila.Medyo malayo layo din ang bar sa school namin.Medyo ilang pa naman ako sa mga kaibigan ni Cathy kasi puro mga partygoers, at kilalang mga pasaway.Hindi ko nga alam kung bakit ito ang mga napili niyang maging kaibigan!!!
Marami rami rin kami na magkasama,kaunti lang ang mga lalaki at mas marami kaming mga babae.
Pagdating pa lang namin ay sayawan na agad ang makikita!Puro nagsisigawan ang mga tao habang umiindak sa tugtog!Isang malaking Mesa ang kinuha namin para magkasya kaming lahat.Mabuti na lang at wala nang ni isa sa amin ang nakasoot ng uniform ngayon kasi makikilala talaga agad kami!Nag uumpisa na silang magkasiyahan samantalang ako patingin tingin lang..Wala akong planong uminom lalo na't alam kong umiinom si Cathy,dapat may matirang matino sa aming dalawa para makauwi pa mamaya ng maayos.
Habang tumatagal ay napapansin kong halos lahat na sila ay lasing!Pinipilit pa nila akong uminom at pinagtatawanan kasi ang Kj ko daw,parang naririnig ko pa ang sinasabi nilang...
"its a normal thing for a college life!!!""
di bali nang hindi ako maging normal basta lang ba maayos pa rin ang pag iisip ko!
Hindi talaga nila ako tinitigilan hanggat hindi umiinom,,kahit juice nga lang pinipilit pa nila!!!Kaya kinuha ko na rin ang isang baso ng juice at nilagok agad para tumahimik lang sila.Matapos kong makainom ay tuwang tuwa sila,nagtataas pa ng baso at sumisigaw ng cheers!!!!
Nakaramdam ako ng ihi bigla siguro dahil sa juice na ininom ko kaya nagpaalam muna ako sa kanila na magbanyo muna.Plano kong ayain ng umuwi si Cathy after kong magbanyo.Lasing na rin kasi ito at lupaypay na sa lamesa namin.!Habang naglalakad ako papuntang banyo ay nakaramdam ako ng hilo..!Wait lang,diba juiCe lang yong nainom ko!'?Hindi naman nakakalasing ang Juice!!!
Naisip ko na lang na baka siguro sa sobra ng dami ng tao at ingay kaya ako nahihilo..Palabas na sana ako ng cubicle ng may narinig akong nag uusap.
"are you sure lasing na silang lahat?baka may hindi pa lasing at makapag sumbong..."
rinig kong sabi ng babae,parang pamilyar."yes lasing na..pati nga iyong kaibigan pinainom ko na ng juice na nakakalasing,maya maya makakaramdam na rin iyon ng hilo at antok!"
sabi naman ng isa.Bigla akong kinabahan.!Parang may mali!!
Nang maka alis na iyong mga nag uusap ay tsaka pa lamang ako lumabas.Hawak hawak ko na ang ulo ko kasi ramdam ko na talaga ang sakit at hilo.Pinipigilan ko lang na wag matalo ng antok!!
Gusto kong malaman kung ano iyong mga plano na sinasabi ng mga babae kanina at bakit may pakiramdam ako na ikakapahamak namin ito.
Lakad takbo ako papunta sa mesang iniwan ko kanina.!Hinanap ko agad si Cathy pero wala na siya doon!Kaunti na lang din ang mga taong naiwan sa mga kasama namin.Hindi pa ako makakuha ng matinong sagot kasi puro mga lasing na!
Mas lalong lumakas ang kaba ko!Kinakabahan ako para sa kaibigan ko!!!!
Sinuyod ko ang buong club kahit na hirap na hirap na akong maglakad,hindi ko na klaro ang daan..Hanggang sa tuluyan na akong natumba at walang marinig na ingay......,,,...
BINABASA MO ANG
Right love at the wrong time(completed)
RomanceMahirap kalimutan ang Nakaraan lalo na kung mismong tadhana ang gumagawa ng paraan para muli itong mabalikan. Masakit kay Kris na makaharap muli ang taong minahal niya ng sobra nuon at alam niyang nasaktan niya ng sobra sa mga maling desisyon na nag...