Sinundo ako kanina nina Cathy at Jeff sa bahay,papunta na kami ngayon sa isang pasyalan na tinatawag namin ditong "HAVEN PARADISE".Isa itong overview na lugar,Kadalasang pinapasyalan ng mga may kapareha kasi masyadong romantic ang place at hindi masyadong matao.Nakikita ko dito sa taas ang magandang view sa baba lalo na ngayon na gabi na,mas nakikita ang maraming ilaw sa buong lugar.
Binigyan naman kami ni Cathy nang time na makapagsolo kaya nagpaalam muna itong aalis na muna at babalik na lang mamaya kapag uuwi na kami.Im so thankfull sa support ng kaibigan ko kasi kung wala siya napaka imposibleng magkasama kami ngayon ni Jeff.
Tinatanaw ko ang magandang view sa baba nang yakapin ako ni Jeff sa likod.
Kapag ganitong magkasama kaming dalawa,ang sarap mabuhay.Ito ang pinaka masayang pasko sa buong buhay ko kasi kasama ko ang unang lalaking nagmahal sa akin at minahal ko ng ganito."I hope we can stay like this all the time...""mahinanang sabi nito habang nakayakap pa rin sa akin.Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya.
"This is the best christmass for me baby,kasi sa wakas akin ka na..."dagdag pa nito.Ang sarap sa pakiramdam habang pinapakinggan ko ang mga sinasabi niya.Humarap ako sa kanya at ikinawit ko ang aking mga kamay sa kanyang liig.
"Mas masaya ako....kasi ako ang napili mong mahalin..."seryoso kong sabi sa kanya.
Hinalikan niya ang noo ko sabay may kinuha sa bulsa niya.Nakita kong isa itong kwentas na may pendant na puso.Ang mahal nito samantalang relo lang ang regalo ko sa kanya!Pinatalikod niya ako at isinuot sa akin ang kwentas."I was thinking of giving you a ring pero naisip ko baka mag over react ka kasi aakalin mong i am planning to propose...."tumatawa nitong sabi.
"kaya kwentas na lang muna,soon....kapag ready ka na,i promise i will give you a ring!!!"dagdag pa nito.
Hindi ko mapigilang mapaluha.Iniisip na pala talaga niya na kami na habang buhay.Sa sobrang saya ko yinakap ko siya ng mahigpit."i love you Jeff..."umiiyak kong sabi.
"i love you too baby..." sagot naman nito.
Nanatili muna kami doon saglit habang magkayakap pa rin.Kung pwede nga lang ganito na lang kami palagi.Kung pwede sanang pigilan muna ang oras.Pero alam naming pareho na kailangan na naming umuwi bago pa lumiwanag kasi mag aalala na ang mga magulang ko sa akin.
Sinusulit lang namin ang panahong ito kasi sa pagkakaalam ko sa maynila sila magbabagong taon.Nalulungkot akong isipin iyon pero naiintindihan ko naman.Siyempre importante din ang pamilya niya para sa kanya.Nangangako naman siyang tatawag araw araw para maibsan ang lungkot ko.Hinatid na nila ako pauwi kaya andito na ako sa kwarto ko ngayon nagpapahinga....
Bagong taon,panibagong yugto na naman ng buhay.Gabi gabi kaming magkausap ni Jeff sa telepono simula nang pumunta silang maynila.
Balik naman agad sila dito sa susunod na linggo kasi tumutulong kasi siya sa pagpalakad sa negosyo ng kuya niya dito.Ngayong summer lalabas ang resulta ng exam niya at hindi pa namin napag usapan kung ano ang magiging plano niya after.Nasa hapag kami ngayon at nag aalmusal nang mapansin kong panay ang tingin sa akin ni mama.
"may problema po ba ma?..."hindi na ako nakatiis kaya nagtanong na ako.
Nakita kong nagkatinginan silang dalawa ni papa."pagkatapos nating kumain,mag uusap tayo doon sa sala..."seryosong sabi ni papa.
Kinabahan ako bigla!Alam na ba nila?Huli na ba ako para magsabi sa kanila?Nakikita ko sa mukha ni papa na parang galit ito.Sana naman hindi tama ang hinala ko!!!Kinakabahan man ay sumunod pa rin ako sa kanila sa sala.Pinapasok muna nila sa kanyang silid ang aking kapatid.So this is really that important kasi pati kapatid ko hindi pwedeng makarinig!Mas lalo lamang akong kinabahan.
"Pinalaki naman kitang maayos kris diba?"..pagbukas ni papa sa usapan.
"May itatanong lang sana ako sayo,Ang gusto ko magsabi ka ng totoo!"dagdag pa nito.Hinawakan ni mama ang kamay ni papa.Siguro pinapakalma,kahit naman ako ayaw kong bigyan ng problema si papa kasi hindi ito pwedeng ma stress ng sobra at baka atakihin na naman ulit."may relasyon ba kayo ng Kuya Jeff mo?..."deretsang tanong nito.Kahit inaasahan ko na ang mga tagpong ito ay hindi pa rin ako handa sa magiging reaksyon ko.Hindi ako nakasagot agad sa kanila.Nakayuko ako habang inaantay nila ang sagot ko.Wala naman na akong plano pang magsinungaling sa kanila.
Tumango tango ako.Narinig ko ang pagsinghap ni mama.
Hindi pa rin ako makatingin sa kanila.Unti unti nang tumutulo ang aking mga luha.
Alam kong hindi nila inaasahan na magkaroon ako ng karelasyon habang nag aaral at ang masaklap tinago ko pa sa kanila.Pero mas lalong alam ko na ang mas ikinagugulat nila ang malamang ang taong pinagkakatiwalaan nila ang siyang naging boyfriend ko.!"im sorry ma,pa....!!"paghingi ko ng pagtawad.
"hindi ko sinasadyang maglihim,plano ko naman po talagang sabihin sa inyo,naghahanap lang ako ng tamang tiyempo....!"dagdag ko pa."bakit ang kuya Jeff mo anak?"umiiyak na sabi ni mama.
"nakita ka niya kung paano lumaki,ilang taon ang tanda niya sayo!Pinagkatiwala kita sa kanya kasi napaka imposibleng isipin na magkagustohan kayong dalawa!"
singit ni papa.Umiiyak pa rin ako."alam mong magkaiba ang mundo niyo anak,Nasa tamang edad na siya pwede na siyang magkapamilya samantalang ikaw,nagsisimula ka pa lang sa mga pangarap mo!Wag mo naman sanang sayangin ang mga paghihirap namin ng nanay mo para sayo!"galit pa ring sabi ni papa.
"hindi naman po magiging hadlang ang relasyon naming dalawa sa pag aaral ko pa,sinusuportahan naman po niya ako,alam niyo yan pa,nakikita niyo naman kung paano niya ako tulungan diba?"..paliwanag ko.
"hanggang saan yan?Hindi mananatili dito si Jeff anak,alam mo yan!Nasa maynila ang buhay niya,Ngayon lang yan nandito!Kaya niyo bang magtagal sa isang relasyon na malayo sa isat isa?Anak,ayaw kitang masaktan!!"..si mama naman ngayon.
"Lahat naman nang nagmamahal ma handang masaktan,Sana po bigyan niyo naman po ng panahon si Jeff na patunayan ang sarili niya,Bigyan niyo naman po kami ng pagkakataon na mapatunayan na kaya ho namin ang lahat kasi mahal namin ang isat isa....at hindi ito maging hadlang sa mga pangarap namin..."dagdag kong paliwanag....
BINABASA MO ANG
Right love at the wrong time(completed)
Roman d'amourMahirap kalimutan ang Nakaraan lalo na kung mismong tadhana ang gumagawa ng paraan para muli itong mabalikan. Masakit kay Kris na makaharap muli ang taong minahal niya ng sobra nuon at alam niyang nasaktan niya ng sobra sa mga maling desisyon na nag...