Naagaw namin ang atensyon ng mga taong nagtatawanan.Tumahimik silang bigla habang tinitingnan kami.Palipat lipat ang tingin nila sa amin hanggang sa mapatingin sila sa mga kamay namin na magkahawak.
Kumunot ang noo ng Mama ni Jeff.Parang sinusuri ako mula ulo hanggang paa!Napansin kung hindi lang pamilya ni Jeff ang nandito.May kasama silang dalawang may edad na rin na sa tingin ko ay mag asawa at isang babaeng——wait lang,ito yung babae na kasama ni Jeff sa picture!!!!
anong ibig sabihin nito?bakit andito sila?bakit parang ako ang mas nasorpresa sa gabing ito.
Si Cathy ang bumasag ng katahimikan.
"Hello Kris,buti nakarating ka...."sabi nito sabay beso sa akin.Nginitian ko lang siya.Ang awkward talaga masyado.
"Handa na rin ang hapunan,bakit hindi mo muna ipakilala sa akin iyang kasama mo Jeff bago tayo magpunta sa hapag kainan...!!!" sabi ng mama ni Jeff sabay tingin sa akin.Imposible naman na hindi niya ako nakilala.!
Tumikhim si Jeff.
"well...i thought this is only a family dinner kaya ko isinama ang girlfriend ko..."wika nito sabay baling ng tingin sa akin.
"Ma si Kristina girlfriend ko,kilala mo na siya di ba?This is just for formality....""patuloy ni Jeff.
Narinig ko pang nag react iyong babae pero pinigilan ito ng mga magulang nito.
Hilaw na ngumiti ang Mama ni Jeff sa akin.Tumatawa pa ito kahit halata naman na hindi totoo!!
"ohh okay...nice to meet you iha...."wika nito sabay halik sa pisngi ko.
Pero halatang halata ko naman na pilit lang ito.Ngumiti lang din ako ng pilit sa kanila.Tahimik lang ako habang kumakain kami.Nagsasalita lang ako kapag kinakausap ako ni Jeff at Cathy..Yung iba kasing tao sa lamesang ito parang hindi ramdam ang presinsya ko!!!
Umiinom kami ng tsaa ngayon dito sa sala,katabi ko si Cathy kasi nagpaalam lang saglit si Jeff na magpalit ng damit.
"ok ka lang?"mahinang tanong ni Cathy.Alam kong nag alala din ito sa akin.
"ok lang,dont worry..."sagot ko."by the way,saan ka nagwo work ngayon iha?siguro naman wala kang plano na dito lang din sa maliit na lugar na ito magta trabaho diba?..."""baling na tanong sa akin ng Mama ni Jeff.
Ramdam ko ang liit ng tingin niya sa lugar namin."kaya nga ako belib dito kay grace mare,ang talino!marunong pang dumiskarte!Malayo ang mararating nito alam ko...!!"pabidang sabi nito.Kausap naman nito ang Mama yata ni Grace.
Alam kong intensyon niya na maliitin ako kaya niya sinasabi ang mga bagay na ito.Well,nagtagumpay siya!!!Nakaramdam talaga ako ng panlilit ngayon!!"lola,,kris is one of the smartest in our batch kaya for sure when we graduate,malayo din mararating namin lalo na siya!!!"pagtatanggol sa akin ni Cathy.
Kunwari nagulat pa ito sa narinig mula kay Cathy."so you mean you are still studying?well..i thought nagta trabaho ka na...?how old are you by the way iha?...""tanong ulit nito.Nakangiti pa ito sa akin.!
Hindi na ako nakasagot sa tanong niya kasi dumating na si Jeff.
"what happen?..."tanong nito habang tumabi sa akin.Umusog pa si Cathy para lang makaupo siya!Itong taong ito talaga!!!!!
"nothing Son....nag uusap lang kami dito...girls talk,diba Kris?..."sabi pa nito habang nakangiti sa anak bago ako naman ang tiningnan.
Ngumiti na lang din ako para wala nang gulo!Ang sarap hilahin ng oras,gusto ko nang umuwi!Ayaw ko nang makipag plastikan sa mga tao dito!
Mabuti na lng talaga at hindi nagtagal ay nagpasya na rin si Jeff na magpaalam para ihatid ako.Kasi habang tumatagal naririndi na ako sa mga naririnig kong puro mga pagbibida ng mama niya kay Grace!Pinapamukha sa akin ang laki ng kaibahan naming dalawa!!!
Hindi ko naman masabi sabi kay Jeff ang tungkol sa ginawa ng mama niya kasi ayaw ko naman na magkasira sila.Siguro naman magugustohan nila ako pagdating ng panahon!Pansin ni Jeff ang pananahimik ko habang pauwi kami.
"sorrry about that baby..hindi ko alam na may kasama pala sila mama pagpunta dito."basag nito sa katahimikan namin.
"ano bang relasyon mayroon kayo ni Grace?"tanong ko sa kanya.
"baby,wala kaming relasyon,,we are childhood friends,,ninong ko din ang Papa niya kaya malapit kami sa isat isa...other than that wala na....""paliwanag nito.
Huminga ako ng malalim.
"Nakita ko ang mga pictures niyong dalawa..."sabi ko sa kanya.Itinigil niya muna saglit ang sasakyan para siguro makapag usap kami ng maayos.
"look baby,,hindi ko rin alam ang tungkol diyan sa mga pictures,,hindi ako mahilig magbukas ng social media accounts ko kaya nagulat din ako nang malaman kong may picture din kami..."paliwanag nito..
"akala lang ng iba na may relasyon kami kasi noon pa man palagi na talaga itong lumalapit sa akin,okay lang naman sa akin iyon kasi we are friends!!At wala din silang nabalitaan na girlfriend ko kaya mas lalo lamang nilang inisip na si Grace nga ang special someone ko...!!"dagdag pa nito.
"alam ko naman iyon ei...hindi ko lang maiwasang magselos...ma insecure...ang ganda kaya niya,,,bagay kayong dalawa,,samantalang ako......"mahina kong sabi.
"Psssshhhhhh——-"pigil nito sa sasabihin ko.
"Wala nang mas bagay pa sa akin kung hindi ikaw lang kris,always remember that...ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko..Mahal na mahal kita kaya sana wag mong pagdudahan ang nararamdaman ko sayo..."sabi nito habang hinahawak hawakan ang pisngi ko.
Nakatitig pa rin kami sa isat isa habang papalapit ang mukha niya sa mukha ko.Nang dumampi ang labi niya sa labi ko ay pinili kong ipikit na lang ang aking mga mata.
This is our first kiss!!!!Siya din ang una kong halik kaya hindi ko alam kung paano ang humalik pabalik!!Magaan lang halik niya sa akin,medyo matagal din kaya nang maghiwalay ang mga labi namin halos habol ko na ang hininga.Tsaka ko lang na realize ang lahat!!!Waaaaaahhhhhh!!!!!!Nag kiss kami ni Jeff!!!!!!!Nakakahiya!!!!
Namumula ako habang nakayuko..
Si Jeff naman tumatawa habang pilit akong pinapatingin sa kanya."ang sarap mo palang magselos baby...,"tudyo nito.Sinapak ko nga sa braso.Nakaya pa niya akong tuksohin halos mamula na ako sa hiya!!!!
"i love you so much,kris...."maya maya ay seryosong sabi nito.
"mahal din kita Jeff....."sagot ko...
"sobra..."
BINABASA MO ANG
Right love at the wrong time(completed)
RomanceMahirap kalimutan ang Nakaraan lalo na kung mismong tadhana ang gumagawa ng paraan para muli itong mabalikan. Masakit kay Kris na makaharap muli ang taong minahal niya ng sobra nuon at alam niyang nasaktan niya ng sobra sa mga maling desisyon na nag...