Nagising ako ngayong umaga na wala si Jeff sa tabi ko.Nag iwan ito ng note na may emergency daw at mag usap daw kami mamaya pagbalik niya.Medyo nalungkot ako kasi paggising ko wala siya pero mas gusto kong malaman kung ano ang emergency na sinasabi nito.
Tumayo na ako para magbanyo nang mapansin kong damit pala ni Jeff ang suot ko,siguro binihisan niya ako kagabi pagkatapos nang mangyari sa amin.Namula ako sa ala alang iyon...napatingin din ako sa kama at nakita kong may kaunting dugo pruweba na isinuko ko na nga kay Jeff ang aking pagkababae!!!
Wala akong makapang pagsisisi sa sarili ko sa ginawa kong desisyon.Mahal ko si Jeff at iyon ang importante.
Pagkatapos kong makaligo ay naisipan kong magluto ng makakain.T shirt lang ni Jeff ang suot ko ngayon kasi kakalaba ko lang ng damit ko at inaantay ko pang matuyo.Hindi pa ako tapos magluto nang tumunog ang doorbell.Sa pag aakala kong si Jeff ito ay nakangiti kong binuksan agad ang pinto.
Ngunit pareho kaming nagulat ng taong kaharap ko ngayon...si Cathy pala ang nandito.!!
Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa at tsaka ko lang naalalang damit pala ng tito niya ang suot ko.!!Nagtaas ito ng kilay..
"well-well-well!!!!tingnan mo nga naman oh....my ex-so called friend is here!!!!!!"mataray nitong sabi.
"Let me guess.....dito ka natulog right?"tanong nito.Nang hindi ako sumagot ay nagpatuloy ito.
"So success pala ang tito ko sa pagpapaibig ulit sayo?Sa nakikita ko kasi ngayon,well—-looking at you now,,halatang halata na may nangyari na sa inyo!!!!"
Nakuha ng atensyon ko ang sinabi niya.Napataas lalo ang kilay nito.
"bakit?nagulat ka?akala mo ba mahal ka talaga ng tito ko kaya ka niya binalikan ngayon?Kaya ka niya pinaibig ngayon?Well—sorry to tell you this.....noon pa man plano na niyang balikan at gantihan ka!!Ang tanga mo talaga para maniwala agad!!!!""natatawa nitong sabi.
"hindi totoo yan!!"matigas ko ring sabi.
Hindi ako naniniwala!!!!Alam kong sinisiraan niya lang si Jeff para magkahiwalay kami!!!"Nasa sayo yan kung patuloy kang magpapaloko,,,i dont care naman kung masaktan ka...well iyan nga ang gusto ko diba?ang masaktan ka!!!!!"
galit nitong wika."Pero mas gusto ko namang makita na masaktan ka ngayon sa harapan ko dahil sa mga sasabihin ko sayo.....kaya makinig ka!!!!Planado lahat ni Tito ang pagkikita niyong muli!Simula sa party ni Ruel,sa opisina ninyo at lalong lalo na ang pakikipagbalikan niya sayo!!!Pinaniwala ka niyang mahal ka niya!!!!Lahat iyan planado Kristina!!!Gusto mong malaman kung bakit?Kasi manggagamit ka!!!Galit na galit siya sayo kasi Manggagamit ka!!!Pasalamat ka pa nga dapat sa akin ei kasi nalaman ko ang mga plano niya kaya ngayon nasabi ko sayo diba???!!!!"namumula na ang mukha nito dahil sa pag sigaw.
Nanlumo ako..Nasasaktan....
Paano naman nalaman lahat ni Cathy iyon kung hindi totoo ang mga sinabi niya diba???
Ganito na lang ba talaga lagi?Palagi na lang ba akong masasaktan?Lahat naman ng mga ginawa ko nuon pinagsisihan ko na,pati nga mga hindi ko dapat inako ay inako ko na pero bakit hanggan ngayon...hindi pa rin ako pwedeng maging masaya???!!!Nagmahal lang naman ako....
Pagod na akong masaktan...
pagod na akong umiyak...
kung dito sila maging masaya ang makita akong durog na durog....pwes panalo na sila...kasi ngayon ramdam ko na talaga ang pagkatalo!!!!Pinunasan ko ang aking luha at hinarap si Cathy.Matapang ko siyang tiningnan sa mata!
"Masaya ka na ba?"matigas kong tanong sa kanya..
Nagulat siya sa sinabi ko.
"ngayong nakikita mo nang nasasaktan nga ako,,masaya ka na ba ha?ano bang nagawa kong mali sayo Cathy para ganitohin mo ako?Ang mga nangyari ba nuon?Humingi na ako nang tawad sayo diba?!at pinagsisihan ko na ang mga nangyari nuon kahit pa alam mo mismo sa sarili mong wala akong ginawang kasalanan!!Inako ko ang lahat Cathy!!Tiniis ko lahat ng mga masasakit na sinabi ng pamilya mo laban sa akin,,pati nga pagmamahal ko kay Jeff tinapos ko para lang tumahimik na ang lahat!!!Pero bakit ganun Cathy?tahimik na ako ei...tahimik na ang buhay ko na wala kayo....kayo naman itong lapit ng lapit sa akin!!!at para saan??para lang makapaghiganti at masaktan ako??!!Sige...panalo na kayo....kasi ngayon wasak na wasak na ako oh...."hagolhol kong sabi.
"Wala nang natira sa akin...Sana naman maging masaya ka na talaga.....
Sana naman tigilan niyo na ako....Wag kayong mag alala,,,hindi na rin ako magpapakita sa inyo!!!"matigas kong sabi sabay takbo palabas ng condo.Kung totoo mang ginantihan lang ako ni Jeff ay sana nga maging masaya na siya ngayon..nakuha na niya kung ano ang gusto niya...Hindi ko magawang magalit sa kanya kasi alam kong may kasalanan talaga ako sa kanya noon.Siguro nga nararapat lang ito sa akin...siguro nga wala akong karapatan na maging masaya.....
Agad akong sumakay ng taxi at nagpahatid sa bahay nila Luna.Kailangan na kailangan ko nang kaibigan ngayon...at alam kong sa lahat ng tao,si Luna ang handang dumamay sa akin.
Gulat na gulat si Luna nang makita ako sa labas ng bahay nila.Hilam ng luha ang mukha at tanging t shirt lang ang soot.Agad niya akong niyakap ng mahigpit kaya mas lalo akong napaiyak.
Nang mahimasmasan ay pinapasok na niya ako sa loob ng bahay.Binigyan niya ako ng tubig habang pinapaupo sa sala.
Galit na galit ito pagkatapos kong magkwento sa lahat ng mga nangyari.!Gusto pa nga nitong sugurin si Luna lalo na si Jeff pero ako na mismo ang pumigil sa kanya.Kahit naman kasi anong sugod ang gawin niya,,hindi na mababago ang katotohanang ginantihan lang ako ng dalawa...!!Binalikan ko ang lahat ng mga pangyayari simula ng magkita ulit kami ni Jeff.Dati iniisip ko na tadhana mismo ang gumagawa ng paraan para magkita kami ulit..ngunit ang hindi ko alam na planado lang pala iyon lahat ni Jeff!!!ang tanga ko talaga!!!!
Pinagpahinga ako ni Cathy sa kwarto niya ngayon,pero hindi naman ako makatulog!Ang daming pumapasok sa isip ko...
Siguro nga hindi ako para sa lugar na ito..
Masyadong malawak ang maynila para sa akin...
Panahon na siguro na bumalik ako sa probinsya namin..
Doon kasi kahit simple lang ang buhay,,ang mahalaga kasama ko ang pamilya ko...
Iniwan ko ang probinsya namin noon para makalimot at ngayon babalik naman ako doon para makalimot...at ang masaklap,, iisang tao pa rin ang dahilan....Sinabi ko kay Luna ang nabuong desisyon.Tumutol ito sa una pero napapayag ko naman sa huli.Pinaintindi ko sa kanya kung bakit ko gustong lumayo dito..
Alam kong mami miss ko siya..silang dalawa ni Ruel,,,ayaw ko nga sanang umalis na hindi man lang makapag alam dito ngunit may inaasikaso pa itong proyekto kaya hindi pa makakauwi..hindi ko na rin naman kaya pang mag antay..gusto ko na talagang umalis..!
Wala akong telepono kasi naiwan ko doon sa condo ni Jeff kaya kinabukasan maaga akong umuwi sa apartment para mag ayos ng mga dadalhin.Sinamahan naman ako ni Luna para tumulong sa akin.Plano kong bumiyahe mamayang gabi kaya pagkatapos mag empaki ng mga dadalhin ay kinausap ko ang may ari ng apartment.Nagpaalam ako na aalis at si Luna na muna ang bahala dito..medyo nagulat pa ito at sinabing kagabi pa may naghahanap sa akin dito.Naisip ko agad si Jeff.Mabuti na lang at hindi kami nagpang abot!!!!
Si Luna na rin ang bahalang mag abot ng resignation letter ko sa boss namin...Sana naman maintindihan nila ang biglaan kong pag alis........
BINABASA MO ANG
Right love at the wrong time(completed)
RomanceMahirap kalimutan ang Nakaraan lalo na kung mismong tadhana ang gumagawa ng paraan para muli itong mabalikan. Masakit kay Kris na makaharap muli ang taong minahal niya ng sobra nuon at alam niyang nasaktan niya ng sobra sa mga maling desisyon na nag...