chapter ten

414 6 0
                                    

Araw ng pasko ngayon,plano naming magsimba lahat mamayang gabi bago mag alas dose.Ngayong araw naman puro paghahanda lang sa mga kakainin at gagamitin para mamaya.May kaunting salo salo kasi dito sa bahay mamayang hapon.Dito magtipon tipon lahat ang mga relatives namin.
Alas kwatro pa lang nagsidatingan na ang iba naming mga kaanak na mga taga ibang baranggay.Ang mga taga dito naman sa malapit lang ay paniguradong maya maya pa.

"ang laki na nitong dalaga mo Herman,may nobyo ka na ba iha?.."tanong ng tiyuhin ko na kapatid ni Papa.Minsan lang kasi ito mapadalaw dito kasi sa kabilang baryo pa ang sa kanila.

"wala pa iyan at bata pa...pasasaan ba at pag nakapagtapos na ay pwedeng pwede na pero ngayon wag na muna....""sagot naman ng papa ko.Nakangiti pa itong habang nagsasalita.Makikita mo talaga sa kanya na kumpyansa siyang wala nga akong boyfriend!Nakonsensya ako bigla.

"mabuti naman kung ganun,Kasi yung pinsan mong si Rowella..hayun,,buntis nang hindi pa naka graduate..sayang lang ang pinag aralan!!"" dagdag pa nito. Hilaw akong napangiti.
Naniniwala naman akong hindi hadlang ang magkaroon ng boyfriend para makapagtapos ng pag aaral!Nasa sayo parin iyan,kung kaya mong panindigan ang bawat desesyon mo.Yan ang ipapaliwanag ko kay Papa pag dumating ang panahong kailangan ko nang sabihin sa kanya ang tungkol sa amin ni Jeff.
Mabuti na lang at nabaling na sa iba ang topic nila kasi kinakain talaga ako ng konsensya sa mga usapan nila kanina..

Papunta na kaming lahat sa simbahan ngayon.Medyo natagalan pa kami kasi sinusumpong itong bunso ko,ayaw sumama!Kung hindi ko lang sinabing may ibibigay akong regalo mamaya ay hindi ko pa napilit na magbihis.!
Nagtext na din sa akin si Cathy at Jeff kanina.Nasa simbahan na daw sila.
Pagdating namin sa simbahan ay siya ring pag umpisa ng mesa.Nakita ko na rin sa kaliwang banda kung saan umupo ang pamilya ng kaibagan ko siyempre kasama niya ang boyfriend ko!!!!Nagngitian na lang kami nang magtama ang paningin naming dalawa.

Pagkatapos ng mesa ay kanya kanya na kaming labas sa simbahan.Medyo may kalakihan din naman ang aming simbahan kaya hindi ko na inaasahang makalapit pa sila sa amin.Pero yun ang akala ko,,,sinadya pala nila kaming antayin sa labas!!!!

"Maligayang Pasko sa inyo Herman at Laura..sayo din Kris....."bati ng mama ni Cathy sa amin.
"Maligayang pasko din sa inyo...mabuti naman at nagkita kita tayo dito."..ganting bati naman ni mama at papa sa kanila.
"merry christmass din po tita..." ganting bati ko.
"Merry christmass sa inyo Cathy...Jeff ai este kuya Jeff...""baling ko sa kanila.

"aaahemmmmm...."kunwaring nauubo si Cathy. Ang awkward talaga ng setwasyon ko ngayon.Ayaw kong mahalata kami ng pamilya ko kaya hindi ko masyadong tinitingnan si Jeff kahit ramdam kong seryoso itong nakatitig sa akin.

"ahhhhmmm tita,magpapaalam sana akong isama si Kris mamaya pagkatapos ng christmass eve,may pupuntahan lang kami..."...hirit ng kaibigan ko.
Masyado akong tensyonado or talagang guilty lang ako kaya ganito ang pakiramdam ko.Hindi kasi ako sanay magsinungaling sa mga magulang ko pero ngayon ginagawa ko na.

Mabuti na lang at pumayag naman sila papa na aalis ako mamaya.Total naman daw ay pasko,hahayaan niya akong magsaya.Akala ko nga din magtatanong kung saan kami pupunta,mabuti na lang at hindi.!

Nakauwi na kami dito sa bahay at hinahantay na lang ang pagsapit ng hating gabi.Nakatanggap ako ng mensahe kanina galing kay Jeff na humihingi siya ng pasensya kasi dahil daw sa kanya nakapagsinungaling ako sa magulang ko.Hindi ko naman siya sinisisi dahil doon kasi choice ko naman ito.Alam kong gustong gusto na niya na ipaalam sa mga magulang ko ang tungkol sa amin ngunit nirerespeto naman niya ang desesyon kong wag na muna ngayon.
Dati pa niya sinasabi sa akin na mas maganda daw na malaman na ngayon ng magulang ko ang tungkol sa amin kaysa naman daw malaman pa nang mga ito sa iba.!Hindi pa naman kalakihan ang aming lugar kaya imposibleng walang makakakita sa amin pag magkasama kaming dalawa.Ayaw daw niyang masamain nila ang intensyon niya,baka dahil sa pagtago namin nito,iba ang maging tingin ng mga tao.Naiintindihan ko naman ang punto niya kaya nga naghahanap pa ako ng tamang panahon para umamin.

Bigayan na ng mga regalo kaya nilabas ko na ang mga pinamili kong regalo para sa kanila.
Tuwang tuwa ang bunso kong kapatid nang binigyan ko siya ng rubber shoes,mahilig kasi itong maglaro ng basketball.Idol nga raw niya ang kuya Jeff niya kasi sobrang galing daw.!
Binigyan ko naman si papa ng isang set ng signpen kasi gamit na gamit niya ito sa trabaho.Si mama naman binigyan ko ng electric massage para sa likod niya,palagi ko na kasing naririnig ang mga reklamo niyang sumasakit na daw palagi ang kanyang likod..Ang para kay Jeff at Cathy naman ay mamaya ko pa ibibigay pagkita namin.
Buong taon ko talagang pinag iponan itong pambili ko nang regalo kasi alam kong kakailanganin nila ito.
Simple lang naman kasi ang aming pamilya,simple lang din ang aming buhay.Ang importante sa amin magkakasama kaming lahat...Masaya na kami basta kumpleto lang kami..

Right love at the wrong time(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon