chapter Four

495 9 0
                                    

Araw araw nga sa bahay namin si kuya Jeff,napatunayan ko ito nang minsang maaga akong nakauwi dahil nagmeeting ang mga professor namin.Hindi ko alam kung paano ko siya pakikiharapan kasi huling usap namin ay iyong sinundo niya ako sa ulan.Hindi na kami nagkaroon pa nang pagkakataon na magkausap ulit.Nakahinga ako ng maluwag nang siya mismo ang unang ngumiti sa akin pagkakita niya.
Para makabawi,naisipan kong gawan sila ng kakainin para sa meryenda.Hindi ko alam kung ano ang gusto niya,mabuti na lang may cake pa sa ref at gumawa na lang ako ng juice.
Nagpasalamat sa akin si papa at pati na rin si kuya Jeff.Hindi ko alam kung mag e stay pa ba ako or papasok na lang sa kwarto.Kadalasan kasi kapag si papa lang ang andito,sa kwarto talaga ako dumederetso pagkadating galing school.Pero iba ngayon,hindi ko alam parang mas gusto kong magstay dito at pagmasdan sila aa kanilang ginagawa.

"wala ka na bang gagawin kris?"tanong ni papa sa akin.Napansin siguro niyang nakatingin ako sa kanila.Napatingin na rin sa akin si Kuya Jeff.

"wala na po,pa"

"kung ganun,pumunta ka na sa kwarto mo,magpahinga ka muna."sabi nito sabay patuloy sa ginagawa.Nagkatinginan pa muna kami ulit ni kuya Jeff bago ako tuluyang pumunta sa kwarto ko.

Nakahiga na ako dito sa kama ko pero hindi naman ako makatulog.Nagbukas na lang ako ng social media ko,hindi naman kasi ako ganun ka active nito,gumawa lang ako nito dahil sa paghikayat sa akin dati ni Cathy.May mga ilang mensahe pero matagal na naman kaya hindi ko na lang pinagtuonan ng pansin.Naisipan kong hanapin ang account ni kuya Jeff.Agad naman itong lumabas.Hindi kami friend pero naka public naman siya kaya nakikita ko lahat ng mga post niya.Wala naman latest photo,ang huling post niya nung fiesta pa yata dito,ang iba naman puro naka tag lang sa kanya.Puro mga kaibigan niya sa Manila ang nasa picture.Pero may isang nakaagaw ng atensyon ko,dalawa sila sa picture,ang isa babae,maganda medyo payat at alam kong matangkad kasi halos magkasing tangkad na silang dalawa.Nabasa ko sa caption na'I ENJOY THE NIGHT WITH YOU!",,Naisip kong ito siguro ang girlfriend niya.Hindi pa ako nakontento,nagbasa pa ako ng mga comment.Wala naman sinasabing girlfriend niya ito pero puro mga panunukso sa kanilang dalawa ang nababasa ko.
May pait akong nararamdaman.Alam kong hindi malabong mayron na siyang girlfriend or magugustuhan na babae kasi nasa tamang edad naman na siya.Natatawa na lang ako sa sarili ko.Aaminin kong parang may kaunti nga akong paghanga para sa kanya.Nag umpisa ko lang naman siyang mapansin nung sinamahan niya ako sa hospital.Para kasing nagbago na ang pagtingin ko sa kanya.Yung akala ko dating istrikto at hindi marunong ngumiti ay may tinatago pa lang kabaitan.Pero aminado naman ako sa sarili kong imposibleng magustuhan din niya ako,bukod sa napakabata ko pa para sa kanya,naging mabait lang siya sakin kasi importante ako kay Cathy na pamangkin niya.
Sa sobrang pag iisip ko nagulat pa ako ng biglang tumunog telepono ko.

'Tulog ka na?'

Hindi nakarehestro sakin ang numero pero parang pamilyar sa akin ito.

'si Jeff pala to,pasensya ka na kung kinuha ko ang number mo kay Cathy'
isa pang mensahe galing sa kanya.Siguro alam niyang hindi ako magrereply sa hindi ko kilala kaya nagpakilala siya agad.

"Ok lang kuya,nakahiga na ako,patulog na sana,may kailangan ka?"agad kong reply sa kanya.

'sorry,naestorbo ba kita?'hinging depensa nito.

'Hindi naman,hindi pa rin namn ako inaantok."tanggi ko.

'pwedeng tumawag?'sabi nito.Hindi agad ako nakareply.Pinipigilan ko ang kilig pero ang lakas ng tambol ng dibdib ko.Nagsusulat pa lang ako ng mensahe nang mag ring na ito.

'he-hello'utal kong sabi.

Buntong hininga ang una kong narinig mula sa kabilang linya.

'may kailangan ka kuya?'dagdag kong sabi.Ang tahimik kasi niya.

'Wala naman gusto ko lang masigurado na sayo talaga itong numero na'to'wika nito.Napatawa ako.

'Pasensiya ka na,nung huli ko kasing tinawagan ang numero na'to,walang sumasagot kaya akala ko pinagtitripan na naman ako ni Cathy.'sabi nito.Napangiti ako lalo.

'Hindi ko kasi alam na ikaw pala yun kaya hindi ko sinasagot.'nakangiti kong sabi.Para akong baliw sa kakangiti mga isa.

'Ok magpahinga ka na,gabi na rin masyado,if you need anything just tell me okay?Kapag nahihirapan ka sa subject mo,just message me at pupuntahan agad kita.'mahaba nitong sabi.Napangiti ako lalo.Atleast siya na ang gumagawa ng paraan ngayon para makasama ko siya.

'ok kuya salamat sa pagtawag at sa pag offer ng tulong.'sabi ko na lang din.Parang na e imagine ko na kami lang dalawa tapos tinutulungan niya akong sagutin mga assignment ko.Namula ako sa isiping yun.

'and one more thing please........just call me Jeff.' paos nitong sabi.

Mas lalo akong namula.Hindi ko maiwasang bigyan ng malisya mga sinasabi niya ngayon.Noon pa man bata pa kami ni Cathy,sanay na akong tawagin siyang kuya.Bukod sa mas matanda siya sa amin,siya din yung sumasaway samin ni Cathy kapag gumagawa kami ng mali.Kaya nga siguro dati mabigat ang loob ko sa kanya kasi nakikita ko ang pagka istrikto niya,palapit pa lang siya dati kinakabahan na ako kaya ko naisipang iwasan na lang siya.Pero iba ngayon,Oo kinakabahan pa rin ako pag nasa paligid siya pero hindi ko na alam kung bakit parang mas nangingibabaw ang kagustuhan kong makita at makasama na siya.Naputol na pala ang tawag nang hindi ko na alam kung nakag paalam ba ako ng maayos sa kanya.Hindi ko maiwasang mag isip ng sobra dahil sa sinabi niya.Siguro nga wala naman itong ibang ibig sabihin para sa kanya pero sa tulad kong may kunting paghanga sa kanya,hindi ko maiwasang bigyan ng kahulugan ang lahat...

Right love at the wrong time(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon