chapter twenty-three

366 6 0
                                    

Pinauwi ko muna si Mama para makapag pahinga at para magdala na rin ng mga gamit dito bukas.Ako na lang muna ang magbabantay dito sa hospital.
Kanina pa din tawag ng tawag si Jeff sa akin.Wala akong planong sagutin!Pakiramdam ko naging manhid na ako sa lahat!Ubos na nga yata luha ko sa kakaiyak!
Parang kailan lang napaka simple lang ng buhay ko.Masayang masaya kaming lahat.Ngayon,paano na si papa?hindi na siya makakalakad nang dahil na naman sa akin!Siguro nga totoong malas ako,Lahat sila napapahamak ng dahil sa akin!

Lumipas ang araw at medyo maayos naman na ang kalagayan ni Papa puwera nga lang sa tuluyan na nga itong hindi makakalakad.!
Habang tumatagal kami dito sa hospital,lumalaki din ang bayarin at iyon ang problema namin ngayon ni Mama.
Naisip ko na ngang tumigil na lang muna sa pag aaral kasi alam kong dagdag gastos lang ito.Ayaw pumayag ni Mama ngunit sinabi ko na lang na ngayong sem lang na ito ako titigil,next sem ay balik ulit ako kaya pumayag na rin ito.!Marami na rin kasi naman akong absent kaya parang behind na rin ako masyado,,bawi na lang ako sa susunod!

Bumibisita palagi si Jeff dito ngunit tahimik lang ako sa kanya.Pagod na ako sa lahat na kahit nga ang kumustahin siya hindi ko magawa!
Alam kong ramdam niya ang pang balewala ko sa kanya ngunit hindi pa rin namn ito tumitigil sa kakapunta dito.Minsan nga kinausap ako ni Mama na kausapin na lang daw siya nang maayos kasi nakakaawa daw yung tao!!
awa?naawa ba sila nung ako ang sinisi nila sa lahat?naawa ba siya sa akin nung panahong kailangan ko siya at iniiwasan niya ako!naawa ba siya nung pagsalitaan ako nang masama nang mama niya!at naawa ba siya nang muntik nang mamatay ang papa ko dahil sa paninisi nila sa akin!
sila ang walang awa!!!!

Buong gabi kong pinag isipan ang desisyon na ito.Siguro nga panahon na para mag usap kaming dalawa ni Jeff!Kaya nang bumisita siya dito ngayon sa hospital ay inaya ko siyang mag usap sa labas.Nagulat pa siya nang kinausap ko na siya!
Nagpunta kami dito sa park para makapag usap ng maayos.

"im sorry baby..."panimula nito.
Siguro nga ubos na ang luha ko kasi hindi ko na magawa pang umiyak!Pati nga sakit hindi ko na ramdam!Namanhid na nga yata ako ng tuluyan!

"alam kong may mali akong nagawa...hindi kita nadamayan,,umiwas lang kasi ako sa gulo..ayaw kong mas lalo ka nilang sisisihin kaya lumayo muna ako sandali sayo,Huli na nang ma realize ko na kahit pala layuan kita,sisisihin ka pa rin nila!"patuloy nitong sabi.Hinawakan niya ang kamay ko ngunit tinanggal ko ito.Nakita ko ang sakit sa mata niya dahil sa ginawa ko.!
"baby please.....alam mong mahal kita,,sobra...." pagsusumamo nito.

Mahal din kita sobra ngunit nagsasakitan lang tayong dalawa!""sigaw ng isip ko.

"itigil na natin to Jeff..Tama na!!"matigas kong sabi.Pinipilit kong hindi pumiyok habang nagsasalita.

"what do you mean?"nagugulohan nitong tanong.

"Sa totoo lang,hindi naman talaga kita mahal,!Alam mo yung gusto ko lang maranasan kung ano ang feelings makarelasyon sa isang tulad mo!!Masyado kasi akong na curious sayo!!"walang emosyon kong sabi.

"no....thats not true.,,,nagsisinungaling ka lang...ramdam kong totoo ang pagmamahal mo sa akin!! i dont believe you!!" iiling iling nitong sabi.

"bahala ka kung ayaw mong maniwala!!Hindi kita mahal at kahit kailan hindi kita mamahalin!!Masyado pa akong bata para makipag relasyon sayo ng seryoso!!Gwapo ka lang naman pero mas marami pa akong makilala pagdating ng panahon na mas higit pa sayo!!!"giit ko sa kanya.
Napatawa siya ngunit kita ko pa rin ang pait sa mukha niya.

""Kaya ngayong tapos na ako sa laro ko at pagod na ako,tigilan na natin ito!!Salamat sa mga oras na nasayang mo dahil sa pakikipaglaro ko sayo!!"dagdag ko pa.

Gustong gusto ko nang umiyak!Ngunit pinipigilan ko!Ayaw kong masayang itong planong ginawa ko!Kagabi habang nagmuni muni ay nakapagdesisyon na nga akong taposin na ang lahat sa amin ni Jeff!Handa na akong palayain siya!Ayaw ko nang makulong siya sa relasyong ito!Kaya handa ko na siyang hiwalayan!Ngunit alam kong kailangan ko siyang saktan para siya na mismo ang lumayo sa akin kaya ko nasabi ang mga nasabi ko!!!Kahit na ba sa bawat masasakit na salitang sinasabi ko sa kanya ay doble ang balik nito sa akin!!!

"tama nga sila...manggagamit ka lang!!!"tiim bagang nitong sabi.

"Ngayon masaya ka na ba na nasaktan mo na ako?na napaglaruan mo na ako?well...congrats sayo....panalong panalo ka na!!!"galit nitong sabi.Tumayo na ito.
"and for the last time...I wish for your happiness...."huling sabi nito bago tuluyang umalis.

Naiwan akong mag isa dito habang lunod sa sarili kong luha.

Hangad ko din na maging maligaya ka Jeff..
kung alam mo lang sana kung gaano kita kamahal!Na ginawa ko lang ito para din sayo!Wala akong magandang maidudot sayo!Malayo pa ang marating mo kapag wala ako sa tabi mo!!Tama naman silang lahat,isa lang akong hadlang sa mga pangarap mo....Sana lang tama itong desisyon ko at hindi ko ito pagsisihan sa huli......,

Right love at the wrong time(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon