chapter seventeen

375 6 0
                                    

Pagdating ko sa bahay nila Jeff ay wala siya doon.Hindi pa pala ito umuwi doon mula pa kanina nang maghiwalay kami.Hindi nga alam ng mga katulong doon na andito pala siya ngayon!Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin.
Hindi ko maiwasan na mag alala para sa kanya.Kung alam ko lang kanina na may problema pala ito ay sana hindi ko pa muna ito pinaalis..Ang sama sama ko talaga!!!Naiinis ako sa sarili ko!!!Sa sobrang sama ng loob dahil sa mga larawan,hindi ko na napansin na may problema pala na dinadala si Jeff.!
Nagpasya akong hanapin siya kahit hindi ko naman alam kung saan mag umpisa.Papalabas na sana ako ng bakuran nila nang makita ko ang sasakyan ni Jeff na paparating.Nakahinga ako ng maluwag.Agad naman itong bumaba nang makita ako.Tumakbo ako palapit sa kanya at yinakap siya ng mahigpit.Tatawa tawa pa siya na parang walang nangyari!!!

"ganito mo ba ako ka miss para salubongin ng mahigpit na yakap baby?..."pabiro nitong sabi.Hinampas ko nga sa braso.!Nakuha pa talagang magbiro sa kabila nang problemang hinaharap niya ngayon.

"nakakainis ka,saan ka ba nagpupunta ha?akala ko nagpapahinga ka na...!!"inis kong sabi pero hindi ko mapigilang tumulo ang luha.Naging seryoso ang mukha nito nang makita akong umiiyak.

"May dinaanan lang ako saglit,,sorry baby,,hindi ko sinasadyang mag alala ka!!"wika nito habang tinitingnan pa rin ako sa mata.
Alam kong may ideya na siya na alam ko na ang mga nangyari kaya inaya niya muna akong maglakad lakad saglit.
Pareho kaming nagpapakiramdaman sa isat isa habang naglalakad.Hinahawakan pa rin nito ang kamay ko.

"jeff..."
"baby—-" sabay naming salita.
"sige...mauna ka na.."wika nito.

Huminto ako sa paglalakad at pinaharap ko siya sa akin.

" im sorry....."mahina kong sabi.Nagulat ito sa paghingi ko ng tawad.
"kung siguro hindi ako dumating sa buhay mo,hindi mag iiba ang mga plano mo sa buhay..."malungkot kong sabi.Kung sguro nag iiwasan pa rin kami hanggang ngayon,wala siyang problema na ganito!Hindi niya kailangan na isakripisyo ang pangarap para sa akin!!

"no-no baby,,wag mong isipin yan!"tanggi nito.
"dont blame yourself sa mga desisyon ko ngayon.Its my choice!!Pinili ko lang kung saan ako masaya...please wag mong isipin na dahil sayo ito...Mahal na mahal kita kris,ikaw na lang ang nakapagpasaya sa akin ngayon...!""pagsusumamo nito sa akin.

"Kaya kong abutin ang mga pangarap ko kahit nandito ako kasama ka,kaya hindi ko na kailangan pang lumayo at mahihirapang malayo sa piling mo..."dagdag pa nito.

"Pero Jeff,,paano ang mga magulang mo?galit sila sayo?ayaw kong magkasira kayo nang dahil lang dito...!"

"kung talagang importante ako sa kanila,maiintindihan nila itong desisyon ko!Wala akong gagawin na ikakapahamak ko.!Dapat maging masaya din sila dahil dito ako masaya!" giit nitong sabi.

"Im not a child anymore!!I can stand on my own!And whatever it takes,or whatever it may happen,,I can faced it all...For as long as you are with me kris....ikaw ang importante sa akin ngayon...!""sabi pa nito habang hinahagkan ang kamay ko.
Nanlambot ako.Nakikita kong buo na talaga ang desisyon niya.Sa tingin ko hindi ko na mababago pa ang mga plano niya.Nanliit ako sa sarili ko.Ang laki ng ginawa niyang sakripisyo para sa aming dalawa samantalang ako,isang letrato lang nagtatampo na!!!What a childish act!!!!!!
Pinatunayan niya sa akin ngayon kung gaano niya ako kamahal!Oo sabihin na nating mali na sinuway niya ang mga magulang niya pero mali rin ba na piliin din naming maging masaya na magkasama?Kakayanin namin to,,kaya namin to!!!!

Napag usapan pa namin ang iba niyang mga plano habang nandito siya.Napag alaman kong kaya pala malakas ang loob niya na dito na lang muna kasi may nag aantay na ring trabaho sa kanya na angkop sa kurso niya.Ang sabi niya,kukuha lang siya ng experience dito ng mga ilang taon habang nag aaral pa rin naman ako,at tsaka na niya uumpisahan ang magtayo ng sariling firm pagka graduate ko!Naka plano na talaga lahat para sa kanya,at sa lahat ng mga plano niya ay kasali ako..Nakakataba ng puso!!!Kahit hindi pa man kami ganoon katagal ay sinasama na niya ako sa mga plano niya..Naiisip na talaga niyang kami ang magkatuluyan hanggang sa huli.!!

Siguro nga,,makasarili na rin ako ngayon..kasi natutuwa na ako sa mga plano niya!Kahit pa ang ibig sabihin nito,mag aantay pa muna siya na makapagtapos ako bago niya uumpisahan ang mga pangarap niya.Gusto ko lang naman din na makasama siya palagi.Mahal na mahal ko rin siya kaya masaya din ako na hindi pala kami magkakalayo!

Ipinangako niya sa akin na aayosin niya ang tungkol sa pamilya niya bago niya ako ipakilala sa kanila.Magpapalamig daw muna siya kasi alam niyang malaki pa ang galit ng mga ito ngayon.Naiitindihan ko naman siya,gusto ko rin naman na magka ayos silang lahat kasi kahit anong gawin niya,pamilya niya ang mga ito..

Nagpahatid na ako sa kanya sa bahay para makapagpahinga na rin siya.
Sinigurado naman niya sa akin na uuwi na nga siya at magpapahinga pagkatapos akong ihatid.
Kailangan talaga namin ng pahinga pareho..sa dami ba naman ng nangyari ngayong araw na ito!!!!!!!

Right love at the wrong time(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon