Pumunta nga kinagabihan si Jeff sa bahay.Kinausap niya ang mga magulang ko at humingi na rin ng tawad sa mga nangyari.Humingi rin nang pahintulot na ligawan nga ako,,mabuti na lang maayos naman siyang hinarap nila Mama at Papa.Nag usap din sila ni papa na silang dalawa lang bago ito nagpaalam na umuwi.Hindi ko matanong tanong kasi nandito rin si papa pero sabi naman niya tatawag siya mamaya bago kami matulog.
Parang naalala ko lang dati,hindi talaga kami natutulog nang hindi nagkakausap sa telepono.Napangiti ako sa mga ala alang iyon.Bago nga kami natulog ay tumawag at nag usap muna kami saglit ni Jeff.Nang tinanong ko kung ano ang pinag usapan nila ni Papa ay sinabi lang niya na siniguro lng daw ni Papa na hindi na ako masasaktan pa.Hindi na rin ako nanghingi ng detalye kasi baka usapang lalaki din iyon.
Kagabi,habang nag usap kami ni Jeff sa telepono ay inaya niya akong kumain sa labas ngayong araw.Nagpaalam na rin daw ito kina Papa kaya pumayag na rin ako.
Maaga pa lang ay nag ayos na ako para hindi naman mag antay ng matagal si Jeff sa akin.
Napili naming kumain sa isang mas simple na kainan pero napaka ganda ng view sa labas.Medyo malayo layo nga lang pero worth it kasi ang ganda talaga!!!!Kumain lang naman kaming dalawa habang pinag uusapan ang sa aming dalawa.
Plano niya palang magtayo din ng firm dito at pupunta lang siya ng maynila kapag kailangan na talaga ang presensya niya.
Nagugulat pa rin talaga ako sa mga plano niya hanggang ngayon!!Tinutunaw ang puso ko kapag naiisip na kasali ako sa mga plano niya sa buhay!!"ok lang ba sa mama mo na dito ka mag stay?"nag aalala kong tanong.Dati kasi ang mama talaga niya ang unang tumutol na tumira siya dito,wala naman akong plano na sabihin kay Jeff ang tungkol sa ginawa ng mama niya sa akin.Ayaw kong magalit siya sa Mama niya.
"At first tumutol si Mama pero ipinaliwanag ko nang maayos sa kanya ang mga plano ko kaya kalaunan pumayag na rin,matanda na raw ako at gusto na raw niya makakita ng apo mula sa akin..."sagot nito habang nakatingin sa akin.Pinamulahan ako ng mukha.!
"gusto ka rin daw niyang makausap kris...."mahinahong sabi nito habang hinahawakan na ang kamay ko ngayon.
"pero hindi ka dapat ma pressure,,sinabi ko naman kay mama na kapag handa ka nang humarap sa kanya,tsaka na kita dadalhin ulit sa bahay..."dagdag nito.
Ngumiti ako sa kanya.Ang swerte ko talaga sa taong ito....Gusto ko rin naman nang makausap ang mama niya pero sa tuwing iisipin ko pa lang na maghaharap kami muli,parang nanginginig na ako sa kaba!!
Laking pasalamat ko na lang na hindi ako minamadali ni Jeff.
Napaka swerte ko na mahalin ako ng isang Jeffrey Llano!!!!!Nang masyado nang gumabi ay inihatid na ako ni Jeff sa bahay.At gaya ng nakasanayan,magka usap na naman kami sa telepono bago matulog..
Bisperas ng pasko ay busy na ang mga tao sa paghahanda ng lahat.Plano kong pumuntang mall para mamili ng mga ibibigay na regalo.
Nagpahatid lang ako kay Jeff sa mall kahit na gusto pa niya akong samahan sa loob.Umuwi na lang muna ito at tatawagan ko na lang daw pag pauwi na ako para masundo niya.Nalibang ako sa pamimili ng mga regalo kaya hindi ko napansin ang oras.Ang tagal ko na palang naglilibot!!Naalala ko dati kasama ko pa si Cathy habang namimili ng mga regalo sa pasko.Nakaka miss ang mga panahong iyon,sabi kasi ni Jeff nagbalik daw ng maynila si Cathy para kunin ang anak at babalik ito dito para sa bagong taon.Napangiti ako ng maalala ang anak ng kaibigan ko.Masaya ako para rito,,isang blessing ang pagkakaroon ng anak.
Hindi ko na tinawagan pa si Jeff nang naisipan kong umuwi.Sumakay na lang ako ng jeep para hindi na ito maabala pa.
Medyo marami ang mga pasahero ngayon kaya halos lahat ng sasakyan ay punuan.Mabuti na lang at nakasakay ako agad kahit na medyo siksikan.
Nahihirapan pa akong kunin ang phone ko nang marinig kong may tumatawag.Medyo may kabilisan din kasi ang takbo ng sasakyan namin kaya hindi ganoon kadaling gumalaw galaw.Nang nakuha ko na ay nakita kong Jeff ang tumatawag.Agad ko naman itong sinagot..
Ngunit hindi ko paman narinig kung ano ang sinabi ni Jeff sa kabilang linya ay nakarinig na ako ng malalas na tunog at unti unti na akong nawalan ng malay.........Nagising na lang ako sa isang maputing silid.Nakita ko si Jeff nakaupo sa aking tabi habang hawak ang aking kamay.Si Mama at papa sa may upuan at nasa kanilang gilid naman ang aking kapatid.Nang ginalaw ko ang aking kamay ay agad nilang napansin na gising na ako.
"your awake,,kumusta?may masakit ba?"nag aalalang tanong agad ni Jeff sa akin.Lumapit na rin sina mama sa akin.
"Javier tumawag ka ng doctor!"utos ni papa sa kapatid ko.Agad naman itong lumabas ng silid.
"nag alala kami ng husto sayo anak.."umiiyak na sabi ni mama.
Dumating na rin naman agad ang doctor at tiningnan akong muli.Maayos naman daw ako at kailangan na lang ng pahinga,mabuti na lang at hindi ako masyadong nasaktan,siguro dahil lang sa lakas ng impact ng pagkabangga kaya nawalan ako ng malay.
Nang makaalis ang doctor ay naikwento sa akin ni Jeff ang nangyari.Ang sabi daw ng mga pulis,masyadong overloading ang jeep kaya nahirapan itong mag balance nang medyo liko ang daan,,mabuti na lang at sa poste lang nabangga ang sasakyan dahil kung hindi baka nga sa bangin kami nahulog.Nanlamig ako sa nalaman!!Maswerte ako at nabigyan ng pangalawang buhay....!!
Dahil sa nangyari ay na realize kong maliit lang ang buhay!Kaya dapat gawin ang kung ano ang magagawa ngayon para walang pagsisihan bukas kasi hindi natin alam kung hanggang kailan lang tayo dito sa mundo..Hindi pa ako pinayagan ng doctor na lumabas kaya dito na kami nakapag celebrate ng pasko sa hospital.Masaya pa rin naman kasi sama sama kaming pamilya,pati si Jeff andito rin.....masaya na akong makasama silang lahat...
BINABASA MO ANG
Right love at the wrong time(completed)
RomanceMahirap kalimutan ang Nakaraan lalo na kung mismong tadhana ang gumagawa ng paraan para muli itong mabalikan. Masakit kay Kris na makaharap muli ang taong minahal niya ng sobra nuon at alam niyang nasaktan niya ng sobra sa mga maling desisyon na nag...