chapter two

633 5 0
                                    

Balik klasi na naman kami after ng kasiyahan nung nakaraang linggo.Bumalik na din sa syudad si Cathy kasi pasukan na.Kinukulit pa ako nito nang tumambay kami dito sa bahay kinabukasan nung fiesta.Tinatanong kung ano napag usapan namin ni Kuya Jeff,kahit naman ako,walang maintindihan sa napag usapan namin kaya hindi na lang din ako nag kwento.Ang sabi ni Cathy,dito daw muna si Kuya Jeff mag stay habang hinihintay ang resulta ng exam nito.Ipinapanalangin ko na lang na sana hindi kami magkasalubong kahit alam kong imposibleng mangyari dahil hindi naman kalakihan itong lugar namin.
Pauwi na ako ng napansin kong maraming tao sa labas ng bahay namin.Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.Matao naman talaga palagi ang bahay namin pero pakiramdam ko iba ito ngayon.
"Kris ang Papa mo sinugod sa hospital,inatake sa puso!"salubong sakin ng tiyahin ko.Nanlamig ako bigla.Hindi ko alam kung ano ang gagawin.
"Ang mama mo ang andon ngayon sa hospital,ako na muna ang magbabantay sa kapatid mo,sumunod ka na doon sa hospital!"sabi ni Ante Karla,kapatid ito ni papa.Magpapalit lang ako ng damit kasi naka uniporme pa ako pagkatapos pupunta na agad ako sa hospital.
Habang nag aabang ng masasakyan ay nakita kong papalit sa akin ang sasakyan ni kuya Jeff.Wala ako sa mood mag inarte ngayon kaya denedma ko na lang ang prisensya niya.Akala ko dadaanan niya lang ako kaya laking gulat ko nang huminto siya sa harap ko.
"Hatid na kita Kris!" aya nito sabay bukas ng bintana ng sasakyan.Siguro kung sa ibang pagkakataon hindi ko tatanggapin ang alok niya pero ngayon kasi mas nangingibabaw ang kagustohan kong makapunta agad sa hospital kaya agad akong sumakay sa pick up nito.Wala kaming imikan habang nasa biyahe.Siya tahimik lang na nagmamaneho habang ako naman naglalakbay ang isip kung ano na ang kalagayan ng papa ko.
"Salamat Kuya Jeff!"wika ko nang makita kong malapit na kaming dumating.
"Ayos ka lang ba?"tanong nito.Nagkatinginan kami.Nakikita ko ang pag alala sa mukha niya.Ngumiti lang ako ng pilit sa kanya.
"ayos lang ako...salamat."mahina kong sagot.
"Hatid na kita sa loob!"sabi nito sabay baba.Hindi agad ako nakagalaw dahil sa sinabi niya.Ang akala ko pinasakay lang niya ako para makarating agad dito pero ngayon balak pa niyang sumama sa loob ng hospital.
Siya na rin ang nagtanong sa nurse kung saang kwarta sina papa,tahimik lang ako at sumusunod na lang sa kanya. Kung hindi ko siya kasama ngayon at mag isa lang ako dito siguradong natataranta at umiiyak na ako ngayon kaya laking pasalamat ko dahil nandito siya at sinamahan ako.

Nakahinga ako ng maluwag kanina pagkita ko kay papa na maayos na natutulog at kailangan na lang daw ng tamang pahinga sabi ng doctor.Nang makita kami ni mama kanina na magkasama ni Kuya Jeff akala ko magtataka at magtatanong siya pero wala naman siyang sinabi at nagpasalamat na lang dahil sa pagsama sa kin.Umalis na rin naman agad si Kuya Jeff dahil may gagawin pa daw siya kaya kami na lang ni mama ang naiwan dito sa hospital.Kinagabihan,umuwi na muna si mama ng bahay para magpahinga at may makasama din ang bunso kong kapatid doon.Palitan kami ng oras ng pahinga.Ako na muna ang magbabantay ngayong gabi.Maayos narin naman si papa na,nakausap ko na kanina nang magising,nakuha pang magbiro na matagal daw siyang mamamatay dahil aantayin pa daw niya ang kanyang mga magiging apo.Natatawa na lang kami ni mama habang nakikinig sa kanya.
Paidlip na sana ako ng biglang tumunog telepono ko.Hindi ko naman kilala ang numerong tumatawag kaya hindi ko na lang sinagot.Ilang beses din itong nag ring hanggang sa kusa na itong tumigil.Maya maya naman nagring ulit at akala ko yung numero naman ulit ang tumatawag pero pagtingin ko si Cathy pala kaya agad ko itong sinagot.
"Hoyyy bruha kanina ka pa tinatawagan ni tito Jeff hindi ka daw sumasagot,nag alala ng sobra baka daw kung ano nangyari sayo diyan!"sigaw nitong sabi sa kabilang linya.Kanina pagkaalis pa lang ni Kuya Jeff ay tumawag agad si Cathy sa akin,nabalitaan nga raw niya ang nangyari at kinikilig pa daw siya sa amin ng tito niya.Parang baliw na tinutukso kaming dalawa,ni hindi ko nga maisip na magkagusto yung tao sa akin.
"Baka siya yung tumatawag kanina,hindi ko kasi kilala ang numero kaya hindi ko sinasagot,sorry" wika ko.
"Hayy naku sagutin mo na kasi at baka mabaliw yun sa pag aalala or baka bigla na lang yung pumunta diyan bahala ka!"hirit pa nito.Parang na e imagine ko pa ang mapanukso nitong mukha habang nagsasalita.Simula nang mangyari yung sa Fiesta parang bigla na lang akong tinutukso ni Cathy sa Tito niya.Hindi ko na lang pinapansin kasi alam ko namang ganyan yang kaibigan ko.Alam kong titigil din ito pag nagsasawa na at siguro naman sa aming dalawa lang yang panunukso niya kasi nakakahiya talaga pag marinig ng ibang tao lalong lalo na ni Kuya Jeff.
Imposible namang pupunta yun dito nang hating gabi na at isa pa kung alam ko lang na siya pala yun di sana sinagot ko agad.Sa tagal naming magkakilala at magkaibigan ni Cathy,ni minsan hindi nangyari na nagkausap kami ng matagal ni kuya Jeff kaya nga kahit numero nito ay hindi ko talaga alam.
Pagkatapos naming mag usap ni Cathy ay nawala na ang antok ko kaya naisipan kong maglakad lakad na lang muna.Hindi na rin naman na tumawag yung numero,siguro tulog na.Nang paliko na ako sa pasilyo nitong hospital ay parang may nakita akong pamilyar na bulto.Parang nakita ko si Kuya Jeff,imposible namang siya yun kasi gabing gabi na pero hinabol ko pa rin.Hindi ko na naabotan kaya naisip kong baka namamalikmata lang ako.Napagpasyahan ko na lang na bumalik na sa silid ni papa at matulog.

Right love at the wrong time(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon