chapter thirty-five

416 7 2
                                    

Ethan invited me for a dinner,gusto daw niya akong ilibre before siya umuwi sa kanila for christmass.Sa pasukan na siya babalik dito kaya pumayag na ako.
Maraming tao pagpasok namin kasi nga magpa pasko na.Mas pinili naming umupo sa may dulo para hindi gaanong dinaan daanan ng mga tao.
Habang inaantay namin ang aming order ay naagaw ng pansin ko ang dalawang taong papasok sa restaurant.Nakita ko si Jeff kasama si Cathy.Kinabahan ako bigla.Baka gagawa na naman ng gulo si Cathy at pati si Ethan ay idadamay pa.Napansin ni Ethan ang pagkabalisa ko kaya nagtanong ito.

Hinawakan nito ang kamay ko."are you okay?"
Hindi ako makasagot.Hindi ko alam kung sasabihin ko bang lumipat kami sa ibang kainan or hayaan na lang at ipagdasal na hindi kami makita or mapansin ng dalawa.

Ngunit sa lahat nang ipinagdasal ko,ito talaga ang hindi agad naririnig.Narinig ko na lang na may nagsalita sa harap namin.

"Hey Ethan,its you...its been awhile when I last saw you..."nakangiting bati ni Cathy.
Agad naman tumayo si Ethan at binati ito pabalik.Hindi ko alam na magkakilala pala sila!!!!

"Hi Cathy...Yes dito na kasi ako nagtuturo,,"sabi nito."bro..."baling namin nito kay Jeff.

Tumango lang si Jeff at tumingin na sa akin ng seryoso.Yumuko na lang ako.

"magkakilala na kayo ni kris diba?"tanong ni Ethan sa kanila.

"yes i know her so well——"matiim na sabi ni Jeff habang nakatingin pa rin sa akin.

Mabuti na lang at pinutol ni Cathy ang sasabihin nito."Yes—of course..Hi Kris...kumusta?"baling nito sa akin nang nakangiti.

"ayos lang...salamat."mahina kong sabi.

"Ok lang ba kung maki share kami ng table?medyo marami na kasing tao dito...."paalam ni Cathy at dahil wala nga sa akin ang swerte ngayon,,agad ngang pumayag si Ethan na maki table sila sa amin.

Wala na akong nagawa nang tuluyan na nga silang nakaupo.Sana naman matapos na ang gabing ito para makalayo na ako sa kanila.!Pasalamat ko na lang din at hindi nagsungit sa akin ngayon si Cathy,nagtaka pa nga ako na parang mabait ito sa akin at nakangiti pa!!Well,,,siguro nakonsensya sa mga ginawa niya sa akin kaya naging mabait na ngayon.Si Jeff naman alam kong nagmamasid lang sa mga galaw ko,lalo na kapag kinakausap ako ni Ethan at inaasikaso ay nakikita kong tumatagis ang bagang nito.

Dahil nga sa bigat ng atmosphere ay nagpaalam muna akong magbanyo.Gusto ko lang makahinga saglit!!!!
Hindi ko na talaga kinaya kasi ang mga tingin ni Jeff sa akin.Si Cathy naman hindi ko alam kung totoo ba ang mga ngiting ipinapakita niya.!!!

Habang inaayos ko ang sarili ko ay nakita ko sa salamin na papasok din si Cathy.Tumabi ito sa akin.Saglit kaming nagpakiramdaman hanggang sa ito na ang unang nagsalita.

"ca—can we talk?"tanong nito.Tumingin ako sa kanya at nakita kong ang seryoso nang mukha nito.Hindi naman na siguro niya sasabihing layuan ko ang tito niya kasi sila naman ang lumapit sa amin.!

Nakita kong lumungkot ang mukha nito.

"im sorry kris...."mahina nitong sabi.Nagulat ako sa narinig.Hindi ko inaasahan ang paghingi niya ng tawad ngayon.

"alam kong marami akong nagawang kasalanan sayo,marami akong mga salitang nasabi but i dont really mean it kris..."dagdag pa nito.

"When i woke up from that tragic accident ay ikaw agad ang hinanap ko,nag alala ako kasi ang naalala ko naiwan ka sa bar,natakot akong baka may ginawa din silang masama sayo,,pero nang ilang araw,linggo na lang ang lumipas at hindi mo ako nagawang dalawin sa hospital ay naniwala na ako sa mga sinasabi nina Mama na ayaw mo na daw akong makasama..nasaktan ako kris kasi kaibigan kita...mas lalo pa akong nagalit sayo nang malaman kong hiniwalayan mo si tito dahil sa hindi mo naman talaga siya mahal,,dahil sa ginamit mo lang siya!!Kaya isinaksak ko sa isip ko na isa kang manggagamit na tao!!!"umiiyak nitong paliwanag.Hindi ko rin maiwasan ang maluha.Ngayon ko lang din naman kasi nalaman ang mga pinagdaanan niya noon.

"kaya nang bumalik ako dito at minsan kong narinig si Tito na may kausap sa phone at pinapasundan ka nga ay naisip ko agad na why not?bakit nga ba hindi kita paghigantihan at saktan?gusto kong maramdaman mo kung ano ang naramdaman ko noong sinukuan at iniwan mo ako ere...."patuloy nito.

"Pero nang marinig ko lahat ang sinabi mo noong nagkita tayo sa condo ni Tito Jeff tsaka ko lang na realize,na pareho lang tayong nasaktan...pareho lang tayong nagdusa...na wala akong karapatang sisihin ka sa lahat kasi sarili ko naman talaga ang may kasalanan..." sabi pa rin nito sabay hawak sa kamay ko.

"kris alam kong mahirap nang maibalik ang dati nating pagsasama,alam ko din na hindi madaling patawarin ako pero gusto ko lang talagang himingi ng tawad sa lahat....at magmamakaawa ako sayo...magalit ka na lang sa akin wag lang kay tito Jeff...mahal na mahal ka niya Kris,,,gusto ko lang din na makita siyang maging masaya naman ngayon..."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya.Umiiyak lang din ako ngayon,nasasaktan para sa kanya.Kahit naman kasi ano pang nangyari noon at ngayon,,hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko sa kanya bilang kaibigan.

"kahit kailan Cathy hindi ako nagtanim ng anumang galit sayo...kasi sa lahat ng mga nangyari alam kong ikaw ang pinaka naapektohan,,Oo nasaktan ako sa mga sinabi mo pero ni minsan hindi ako nagalit dahil kaibigan kita...dahil mahal kita...."sabi ko sa kanya.Mas lalo itong umiyak.

"Basta lagi mo lang sanang tandaan na kahit anong mangyari,nandito pa rin ako bilang isang kaibigan mo..."dagdag ko pa.Agad naman itong yumakap sa akin.Niyakap ko rin siya pabalik.Alam kong matagal pa bago maibalik ang dati naming pagkakaibigan pero masaya na ako ngayong maayos na kami at nakapag usap na.

Una itong lumabas ng banyo,habang ako nandito pa rin ako at tinitingnan ang sarili sa salamin.
Naalala ko ang sinabi ni Cathy kanina..
"mahal na mahal ka ni Tito Jeff at gusto ko lang na maging masaya na siya!!!"

Napabuntong hininga ako.Oo mahal ko pa rin naman si Jeff pero may takot na talaga ako sa sarili ko.Ayaw ko nang masaktan na naman,,ipinangako ko na sa sarili ko na pipiliin ko na ang maging masaya..!!!

Nang pakiramdam ko maayos na ako ay napagdesisyonan ko nang lumabas.Nagulat pa ako na nasa labas pala si Jeff naghihintay!

Umayos ito ng tayo nang makita ako.Seryoso na naman itong nakatingin sa akin.

"kris—-please... pwede ba tayong mag usap?"pagsusumamo nito.

Siguro nga panahon na para mag usap kami ng maayos.

"Ok pero wag ngayon,wag dito...hinihintay na ako ni Ethan...."sagot ko sa kanya.Malungkot itong tumingin sa akin.Kalaunan ay tumango na rin.

Iniwan ko na siya at bumalik na sa table namin ni Ethan.Hindi ko na rin naabotan pa si Cathy,ang sabi nauna na daw na umalis.

Nagpasya na rin naman kami ni Ethan na umuwi na.
Habang nasa byahe pauwi ay pansin ni Ethan ang pananahimik ko.

"are you okay?,,pansin kong kanina ka malalim iyang iniisip mo ah...."concern nitong sabi.

Ngumiti lang ako sa kanya."yes..im okay..."

"Hindi ko man alam kung ano talaga ang mga nangyari noon sa inyo ni Jeff at Cathy,hangad kong darating ang araw na maging maayos din ang lahat sa inyo...hangad ko lagi ang kaligayan mo kris..."sincere na sabi nito sa akin.Siguro nga may ideya si Ethan sa nakaraan namin kasi hindi naman ito tago sa mga tao dito noon.

"salamat Ethan,,,napaka buti mong kaibigan..."ngiti kong sabi.

Malalim na ang gabi ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.Masyadong maraming nangyari ngayong araw na ito.Ngunit ang higit kong ipinagpasalamat ay ang pagkaayos naming dalawa ni Cathy.....

Right love at the wrong time(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon