Handa na ang lahat ng mga dadalhin ko,,inaantay na lang namin ang boyfriend ni Luna na siyang maghahatid sa akin papuntang sakayan ng bus.Bumalik na kami dito sa bahay nila Luna,ayaw ko kasing magtagal pa doon sa apartment ko.Maaga pa rin naman kaya umidlip muna ako saglit kasi pang gabi naman ang nabili kong ticket.Si Luna naman ay nasa sala lang nanonood ng tv habang nag aabang sa pagdating ng nobyo.Nakabili na rin ako kanina ng bago kong phone pero doon ko na sa probinsya planong gamitin ito.
Saglit lang akong nakaidlip nang magising ako dahil sa narinig na ingay.Parang naririnig kong may kaaway si Luna.Sumilip ako sa bintana para makita kung sino ito at laking gulat ko na si Jeff pala ang nandito!!!"please Luna,,i know Kris is here,,gusto ko lang siyang makausap...pakisabi sa kanya pag usapan namin to...."pagsusumamo ni Jeff.
"wala si Kris dito Jeff at hindi ko alam kung nasaan!!!at kahit alam ko hinding hindi ko sasabihin sayo!!!!kaya pwede ba umalis ka na!!!!"galit na sigaw ng kaibigan ko.
"gusto kong magpaliwanag sa kanya...please naman Luna mahal na mahal ko si Kris,,hindi ko kayang mawala siya ulit...!!"
"Sana naman naisip mo yan bago mo siya naisipang saktan!Wala kayong mga awa!!!Hindi mo alam ang mga pinagdaanan ng kaibigan ko para saktan mo siya ng ganito!!!Sana nga Jeff,hindi na kayo magkita pang muli!!!!Kasi hindi ka bagay sa kaibigan ko!!!!!Umalis ka na!!!"pagalit pa ring sabi ni Luna.
"Hindi ako titigil hanggat hindi ko nakikita at nakakausap si Kris...hahanapin ko siya kahit saan siya magtatago..susundan ko siya kahit saan siya magpunta,,dahil mahal ko siya!!tandaan mo yan!!!"matigas na sabi ni Jeff.
"try harder then...."irap ng kaibigan ko sabay sarado ng pinto.
Laglag ang balikat ni Jeff nang bumalik sa sasakyan nito.Malungkot iyong tumingin ulit sa bahay lalo na dito sa bintanang pinagtatagoan ko!mabuti na lang at mabilis akong nakaalis!!!!!
hindi naman na niya kailangan pang magpaliwanag sa akin,,tanggap ko naman na ang lahat!Kung dahil naman sa konsinsya kaya gusto niya akong makita,darating din naman ang panahon na handa na ulit akong makita siya at makausap!Yung panahon na wala na akong mararamdam pa sa kanya....gagawin ko lahat para makalimutan lang itong pagmamahal ko sa kanya....!
Madaling araw na akong dumating sa probinsya namin,halos walong oras kasi ang byahe sa bus at sumakay pa ako ng jeep papuntang bahay talaga namin.
Gulat na gulat pa sila Mama nang pagbuksan ako ng pinto,,mas napaiyak pa ito ng makitang may mga dala akong gamit.
Kapag umuuwi kasi ako dito halos wala nga akong dala na damit kasi umuuwi ako agad,ni hindi ko magawang lumabas ng bahay.Kung hindi nga lang ako tatawagan ni Papa sa telepono at pipiliting umuwi kapag may okasyon ay hindi ko talaga gustong bumalik dito.Kahit hindi nila sabihin alam kong may pagtatampo sila sa akin kasi simula nung mga nangyari noon,pati sila ay nilayuan ko!
Pero ngayon,nandito na ulit ako at handa na akong bumawi sa kanila.
Marami man kaming ala ala ni Jeff dito noon ngunit panahon na siguro para kalimutan iyon at palitan ng ibang ala ala.Matagal akong nakulong sa nakaraan,,panahon na siguro ngayon na palayain ko ang sarili ko at kalimutan ang mga taong nagbigay lang sa akin ng sakit at pighati.Pinagpahinga muna ako nila Mama kasi alam nilang pagod ako sa byahe pero mamayang gabi ay maghahanda sila ng haponan para pasalamat sa aking pag uwi.Hindi ko na lang pinigilan si Mama kasi kung dito ba naman siya masaya,mga kaanak lang din naman namin ang inimbitahan nila.
Hindi pa rin naman nagtanong ang pamilya ko kung ano ang dahilan nang biglaan kong pagbalik pero alam kong naghihintay lang sila na ako ang magkwento.
Dumating nga ang mga kaanak namin kinagabihan,,puno ng kumustahan,,balitaan sa bawat isa..nakaramdam ako ng saya,,,,matagal na panahon na talaga nang huling makasama ko silang lahat!!!!!
Ang alam ng mga kaanak ko,pinili kong umuwi dito para magpahinga at ituloy ang pangarap ko noon na dito sa lugar namin magtuturo.Totoo din naman iyon kasi yun naman talaga ang plano ko,,ayaw kong ikwento sa kanila ang mga nangyari sa akin sa maynila kasi gusto kong wala nang iba pang makakaalam.
Maayos naman ang buhay ko sa mga nakaraang araw.Nakapagpahinga na rin ako.Tinawagan ko na rin si Luna gamit itong bago kong telepono.Nalaman ko rin na bumabalik pa rin daw si Jeff doon at hinahanap ako,,nakukulitan na daw siya kasi kahit sa phone niya tumatawag ito at nagmamakaawa...ngunit sinara ko na talaga ang pinto para kay Jeff.Ayaw ko nang magkaroon pa nang kung anong ugnayan pa sa kanila.Alam kong mapapagod din ito sa kakahanap.
Nang nakaramdam na ako ng inip dahil walang ginagawa ay naisipan ko nang mag apply bilang guro dito sa amin.Dahil sa maganda kong records ay natanggap naman ako agad.Mahilig talaga ako sa mga bata noon pa man kaya hindi ako nahirapan sa aking bagong trabaho.Mababait din naman ang aking mga kasamahang guro kaya mas mabilis akong masanay sa bago kong mundo.
Lumipas ang ilang buwan at mas naging maayos na ang lahat.Naiisip ko pa rin naman si Jeff pero agad ko rin namang winawala.Hindi na rin ako nakarinig pa kay Luna nang kung ano tungkol sa kanya kaya siguro naisip kong sumuko na ito sa kakahanap sa akin.
Nakakatawa nga ei,,hindi man lang nito naisip na baka umuwi ako dito sa amin.Sa pagkakaalam ko kasi,may bahay pa rin naman sila dito ngunit ang care taker na lang ang nakatira sa matagal nang panahon.Or baka nga alam naman nitong nandito ako pero hinayaan na lang ako kasi sumuko na ito.May naramdaman akong lungkot sa iisiping iyon....Christmass is coming at bakasyon na nang mga bata kaya pahinga muna kaming mga guro.
But before the vacation started,nakasanayan na daw ng mga guro dito sa amin na mag held ng party for the advance christmass celebration.Excited na rin naman akong umattend kasi matagal na rin ang huling party na nadalohan ko.Ngayong gabi ang party,kaya hapon pa lang naghahanda na ako dito sa kwarto.Susundoin ako ng kapwa ko guro na si Ethan.Palagi kaming tinukso ng mga co-teachers namin kasi pareho kaming single at kami na lang ang walang asawa sa grupo namin.Tinatawanan lang naman namin ni Ethan iyon,wala pa rin akong plano na pumasok ulit kasi hindi pa talaga ako handa,at isa pa may Ruel pa akong dapat na unahin.Nang makabalik kasi ito sa maynila at nalamang umalis ako at umuwi dito sa amin ay sa telepono naman ito nangungulit sa akin.Plano pa nga nila ni Luna na magbakasyon dito ngayong christmass,kahit one week lang..Siyempre pumayag ako,miss na miss ko na kaya ang kaibigan kong iyon!!!
Sinundo nga ako ni Ethan sa bahay at sabay kaming pumunta sa party.Medyo marami ring tao kasi pati secondary na mga guro ay invited..!
May namataan pa akong kahawig ni Jeff pero imposible naman iyon kaya naisip ko na lang na baka dahil sa kakaisip sa kanya kaya kahit saan ko na lang siya nakikita.Nag enjoy naman ako sa party at hinatid rin ni Ethan sa bahay pagkatapos ng kasiyahan.
BINABASA MO ANG
Right love at the wrong time(completed)
RomanceMahirap kalimutan ang Nakaraan lalo na kung mismong tadhana ang gumagawa ng paraan para muli itong mabalikan. Masakit kay Kris na makaharap muli ang taong minahal niya ng sobra nuon at alam niyang nasaktan niya ng sobra sa mga maling desisyon na nag...