Napagkasundoan namin ni Jeff na magkita sa "HAVEN PARADISE" ito ang lugar kung saan kami unang nagdate!!
Kinabukasan kasi after noong dinner namin,tumawag sa akin si Jeff,nakuha daw niya ang number ko sa kapatid ko!!
Ang batang iyon talaga!!!!!Gusto sana ni Jeff na sundoin ako pero hindi ako pumayag.Alam ko kasing magugulat sila mama kapag nakita nilang magkasama kaming dalawa.Buo na rin ang desisyon kong makipag usap sa kanya para matapos na ang lahat at pareho na kaming makapag umpisa ng panibagong buhay.
Nakita ko kaagad si Jeff pagkadating ko.
Magkatabi kami ngayong nakaupo paharap sa magandang view ng lugar namin.Tahimik kami at parehong nagpakiramdaman."Cathy told me na nag usap daw kayo kahapon...."basag nito sa katahimikan namin.Tumango ako.
"masaya ako para sa inyong dalawa,alam kong hindi ganoon kadali na ibalik ang dati niyong pinagsamahan pero ako na mismo ang magsasabi sayo,pinagsisihan na ng pamangkin ko ang lahat..." sabi nito.
"a-alam ko..."mahina kong sagot sa kanya.
Mahaba ulit na katahimikan ang namayani sa amin."Alam kong sinabi ni Cathy na binalikan kita para gantihan,,but thats not true!!!Binalikan kita kasi mahal kita kris...mali lang ang pagkakaintindi niya sa mga narinig niya,ni minsan hindi ko naisipang gantihan ka..."paliwanag nito sabay hawak sa kamay ko.Nakikinig lang ako sa kanya habang nakatingin kami sa isat isa.
"Oo,aaminin ko..totoong pinahanap kita,,nang makabalik ako sa pilipinas galing states,ikaw agad ang gusto kong makita,,,pero nang makita na kita at nakikita kong maayos na ang buhay mo,,,naisip kong baka nga masaya ka na..baka nga mas maayos ang buhay mo kapag wala ako,,kaya mas pinili kong pagmasdan ka sa malayo kahit pa nasasaktan na ako kapag nakikita kong may kasama ka nang iba..."patuloy ni Jeff.
"Kinaibigan ko si Ruel para makabalita nang tungkol sayo,tinanggap ko ang offer ng boss mo para lang magkaroon nang chance na mapalapit sayo pero kris....hindi ko na kayang tiisin na tingnan ka lang sa malayo,kaya ginusto kong pumasok ulit sa buhay mo,,at nang bigyan mo ako ng pangalawang pagkakataon para mahalin ka,ako na ang pinaka masayang tao sa buong mundo....."sabi pa nito habang malungkot pa rin na nakatingin sa akin.
"Jeff——"tanging nasabi ko.
"Nung gabing may nangyari sa atin,plano ko na talaga sanang sabihin sayo ang totoo pero pag gising ko ng umaga,ayaw man kitang iwan,hindi ko naman pwedeng hayaan si Cathy na hindi puntahan kasi umiiyak ito habang kausap ko sa telepono.Plano ko namang bumalik agad pero pagbalik ko ni anino mo wala na akong nakita pa....natakot ako bigla lalo na nang buong araw hindi na kita makita at kahit phone mo nasa condo ko pa..hinanap kita kris...kasi hindi ko kayang mawala ka na naman ulit..."sabi nito,narinig ko pang siminghot ito.Umiiyak si Jeff!!!!!
"Nang umamin sa akin si Cathy sa ginawa niya sayo ay galit na galit ako sa kanya,pero hindi ko rin siya kayang tiisin kasi alam ko rin ang mga pinagdaanan niya kaya mas sinisisi ko ang sarili ko,,kahit anong pilit ko sa kaibigan mo ay hindi talaga nagsasalita,kahit sa trabaho nalaman kong nag resign ka na...ang sakit kris...kasi pakiramdam ko iniwan mo na naman ako for the second time around pero kahit ganun hindi pa rin ako nawalan ng pag asa,,hanggang sa nalaman nga ni Cathy na umuwi ka pala dito.,kaya agad akong pumunta dito para makita ka...."Napataas ako ng tingin dahil sa sinabi niya.
"matagal ka na dito?"gulat kong tanong.
Tumango lang ito at ngumiti sa akin.Sumakit lalo ang dibdib ko sa nalaman.Matagal na pala siya dito at tinitiis niya ang sarili niya para lang makita ako kahit sa malayo..."im sorry kris....sa lahat ng sakit at pagluha mo..."malungkot pa rin itong nakatingin sa akin.Hinawakan nito ang aking mukha at pinunasan ang aking mga luha..umiiyak na rin pala ako!!!!
"but kahit pa sabihin mong layuan at kalimutan na kita ay hindi ko magagawa..ikaw lang ang minahal ko nang ganito kaya hinding hindi kita susukuan..."seryoso nitong sabi.
"Pero Jeff——-"tanggi ko sa kanya.Oo mahal ko pa rin siya pero mas gusto ko munang mahalin ang sarili ko ngayon.Sa haba ng panahong sinisisi ko ang sarili ko sa lahat,ngayon gusto ko munang ipahinga ang puso at isip ko.
"hindi naman kita minamadali kris...but sana maintindihan mo rin na hindi rin ako aalis sa tabi mo habang hindi ka pa handa....i am willing to wait...."sencere nitong sabi.
"wala na akong planong bumalik sa maynila.."wika ko sa kanya.Para naman malaman niyang mahirap ang sitwasyon namin kasi nasa maynila ang trabaho nito.
"i am living here too..."maikli nitong sagot.Nagulat pa ako.
"alam mong hindi mo kailangang gawin yan Jeff..!"matigas kong wika.Hindi niya pwedeng iwan ang trabaho niya doon para lang sa akin!!!
"i know..pero ito ang gusto ko...ayaw ko nang malayo pa sayo kaya kung dito ka titira,dito na rin ako..!"dagdag pa nito.mas lalo akong hindi mapalagay dahil sa sinabi niya.
"paano ang trabaho mo?iiwan mo na lang basta basta?Jeff naman,,wala ka namang mapapala sa akin kasi hindi pa ako handa ngayon..."nagpapanic na talaga ako.
"who told you na iiwan ko ang trabaho ko?i can work kahit saan pa ako magpunta,hindi mawawala ang kompanya namin kahit nandito ako..."simple nitong sabi.
Oo nga naman kristina!!!nakalimutan mo pang may ari iyan ng kompanya nila..mayaman iyan!!!!Lahat nagagawan ng paraan!!!Nakahinga naman din ako ng maluwag.
"dont worry okay,,basta ba nandito lang ako malapit sayo,lahat kakayanin ko kris...wag mo lang ipagkait na patunayan sayo na worth it akong bigyan ng last chance...."paninigurado nito sa akin.
Nakapag usap na kaming dalawa nang maayos,pumayag na rin akong manligaw itong muli kahit na hindi naman talaga dapat na kasi may nangyari na nga sa amin diba?pero kahit si Jeff gusto din niyang mag umpisa kami sa maayos na paraan.
Nagplano na rin itong kausapin ang aking mga magulang para magpaalam na manligaw..naiisip ko pa lang nakakahiya na!!!ang tanda ko na para ipaalam sa magulang!!!!Ngayon nga ang gabi na pupunta si Jeff dito sa bahay.Nakausap ko na rin naman sina Mama at Papa at naipaliwanag ko na sa kanila ang lahat.Medyo may pagtutol pa si Mama,hindi ko naman siya masisisi kasi nakita nito ang mga pinagdaanan ko pero nakinig naman ito sa sinabi ni Papa na malaki na ako at alam ko na kung ano ang tama sa mali,,basta daw masaya ako,masaya na rin sila!!!!
Wala naman din akong plano na patagalin pa ang panliligaw ni Jeff sa akin,,gusto ko lang na maayos ang lahat bago kami mag umpisang muli....
BINABASA MO ANG
Right love at the wrong time(completed)
RomantikMahirap kalimutan ang Nakaraan lalo na kung mismong tadhana ang gumagawa ng paraan para muli itong mabalikan. Masakit kay Kris na makaharap muli ang taong minahal niya ng sobra nuon at alam niyang nasaktan niya ng sobra sa mga maling desisyon na nag...