Gabi gabi na kaming magkausap ni Jeff sa telepono bago matulog.Naging malapit na kami sa isat isa.Marami pa pala talaga akong hindi alam tungkol sa kanya.Ang mas ikinagugulat ko,ang dami niyang alam tungkol sa akin!Kahit maliit lang na bagay alam niya,hindi naman niya sinasabi kung paano niya nalaman,imposibleng kay Cathy kasi napakadaldal nun,imposibleng hindi ko malaman.Minsan sinusundo din niya ako sa school,ang rason niya napadaan lang pero hindi naman ako naniniwala!Tinutulungan din niya ako minsan sa mga assignment ko.Minsan kasing magkausap kami sa phone at nasabi ko sa kanyang may isa akong topic na hindi maintindihan,tinanong niya ako kung ano pero sinabi ko na lang na pag aaralan ko ulit.Kinabukasan ng hapon,nagulat na lang ako nandito na siya sa bahay at nag paalam kina papa na tuturuan ako sa assignment ko.Syempre wala namang problema kay papa kasi palagi naman siya dito sa bahay dati pa.Si papa pa nga ang humingi ng paumanhin kasi nakadagdag pa daw ako sa trabaho niya!Kung alam mo lang papa,kagustohan niya yan!
Ang bilis ng araw at malapit na naman palang magbakasyon.Magpapasko na kaya yung kaibigan kong wala yatang pinagkaka abalahan sa maynila ay excited na excited umuwi dito.!Malalaman na daw niya ang sekreto ko sa wakas!!Parang baliw,kung alam lang niya na ang Tito niya ang sekreto ko.Iiling iling ako sa naiisip.Para namng may relasyon kami kasi kung mag isip ako parang ganun ka big deal yung pag sekreto ko about sa amin.Malapit lang talaga kami sa isat isa ngayon pero wala naman kaming relasyon!!Ramdam kong may special sa aming dalawa pero wala namn siyang sinasabi sa akin.Ayaw ko namang ako ang umamin noh,kababae kong tao.!At isa pa,ayaw kong mapahiya.!!!
Wala nang pasukan kaya dito lang ako sa bahay tumutulong kay mama palagi.Si papa kasi balik baranggay na simula nung naging malakas na ulit siya.Kaya kung dati palagi pumunta dito si Jeff,ngayon naman pumupunta lang siya dito kapag tinutulungan niya ako sa asaignment ko.
Ngayon din ang uwi ni Cathy kaya nasisiguro kong hindi matapos ang araw na ito nanggugulo na yun dito..Hindi nakapunta sa bahay namin si Cathy kahapon kasi hindi niya maiwan iwan ang mga bisita niya.May kasama pala siyang mga kaklasi niya na mag e stay dito ng isang linggo sa lugar namin.Tinawagan niya ako kanina na ako na lang daw ang pumunta sa kanila para makilala ko naman ang mga kaibigan niya na taga manila.Kaya andito ako ngayon papunta na sa kanila.Pagkapasok ko pa lang dito sa loob ng bahay nila ay una kong napapansin ang ingay.Halata mo talagang may mga bisita.Papunta na sana akong sala nila ng makasalubong ko si Jeff sa may pinto.Pareho pa kaming nagulat nang makita ang isat isa.
"Hi!!!"
'Hi!!".....sabay pa naming sabi.Natawa na lang ako.'aalis ka?"..tanong ko.Napansin ko kasing nakabihis siya ng maayos.
"Pupunta lang akong bayan,may pinapabili si ate,may mga bisita kasi si Cathy,,pasok ka na dun...balik naman ako agad...'sabi nito.Ngumiti na lang ako sa kanya.
"sige...ingat ka!''
Nang tuluyan na akong makapasok,ay nakita agad ako ni Cathy.Sinalubong ako nito at ipinakilala sa mga kaibigan nito.Mga mababait naman silang lahat.Apat na babae at dalawang lalaki.Gusto lang pala nilang makita itong lugar namin kaya naisipan nilang sumama kay Cathy.Uuwi din sila sa kanya kanyang lugar bago mag pasko.
Plano nilang maligo sa falls bukas.Ipinagmamayabang kasi ni Cathy ang isa sa dinadayong ligoan dito sa lugar namin.Ang Tagaktak Falls.Gusto nilang sumama ako kaya pumayag na lang din ako bukod sa wala naman akong gagawin bukas,alam kong sasama ang loob ng kaibigan ko pag humindi ako.Maaga pa lang ready na ako sa pag alis namin.Pinayagan naman agad ako nila papa nang magpaalam ako kagabi.Dadaanan lang daw ako dito ng sasakyan nila Cathy kaya hindi ko na kailangan pang pumunta sa kanila.
Nang makarinig ako ng humintong sasakyan ay agad na akong lumabas ng bahay.Kumpleto na silang lahat pagpasok ko,at hindi na ako nagugulat na si Jeff ang nagmamaneho ng sasakyan.Bukod sa nagkausap kami kagabi kaya alam ko,wala din namang ibang pinagkakatiwalaan ang mama ni Cathy kundi siya lang.Nagkatinginan kami saglit.Ngumiti na lang ako at hindi na nagsalita.
Habang nasa biyahe kami,panay kwentohan at biruan nila.Napansin ko ring panay papansin kay Jeff ang isang ka klasi ni Cathy.Sa pagkaalala ko,Jaz yata ang pangalan.Panay ang tanong nito kay Jeff kung ano ano,pati nga personal tinatanong pa.Napairap na lang ako."ok ka lang diyan Kris?!"tanong sakin ni Cathy.
Hindi kasi kami magkatabi.Nasa pangalawang seat siya samantalang andito ako sa panghuli,katabi ko si Janus yata ito,kaklasi niya.
"Oo naman,bakit naman ako maging hindi ok?'balik kong tanong sabay irap sa kanya.
Nginisian lang ako ng bruha.Nang mapatingin ulit ako sa harapan,nahagip ng tingin ko si Jeff sa front mirror.Nakatingin din pala ito sa akin.Inirapan ko lang din ito at umiwas na nang tingin.
'Bahala ka diyan sa buhay mo,lumandi ka hanggang gusto mo!!!!."inis kong sabi sa sarili.Mas nadagdagan ang inis ko nang makarating na kami.Halos hindi na ito humihiwalay kay Jeff.Ako lang naman siguro ang nakakapansin kasi parang wala lang naman sa kanilang lahat.!
Nagkakasiyahan na sila habang naliligo pero ako andito pa rin sa tabi.Kanina pa ako inaaya ni Cathy pero tinanggihan ko muna.Mamaya na lang ako maligo pag malapit na kaming umuwi.Si jeff naman busy sa mga iniihaw na pagkain,at katulad kanina,magkasama pa rin sila ni Jaz.!!!Minsan nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin pero ako na mismo ang umiiwas.Alam kong wala akong karapatan sa kanya pero hindi ko talaga maiwasang mainis pag makita ko siyang may kasamang iba."Ayaw mo pa rin bang maligo?...nagulat pa ako ng kausapin ako ni Janus.Nakalapit na pala ito sakin nang hindi ko napapansin.
"maya maya na lang...ikaw maligo ka na dun,nag e enjoy na yung mga kasama natin oh..." sabay tingin sa mga taong naliligo.
"Dito na lang din muna ako,sasamahan na lang kita.."wika nito sabay upo sa tabi ko.Mabait naman itong si Janus.Sa totoo lang,sa kanilang anim,isa siya sa mabilis makagaanan ng loob,palangiti kasi at namamansin talaga.
Hindi nagtagal ay lumapit bigla si Cathy sa amin sabay bulong sakin."kung nakakamatay lang ang tingin,kanina pa kayo pinaglalamayan ni Janus!!!"
'anong ibig mong sabihin?..'. naguguluhan kong tanong sa kanya.Nagkibit-balikat lang ang bruha sabay may tinuturo gamit ang nguso.Nang tingnan ko kung sino tinuturo niya,nakita kong si Jeff ito.Nakatagis ang bagang nito habang nakatingin dito sa banda namin.Matalim din itong tumingin kay Janus.Huh!!!!ngayon siya pa may gana magalit diyan samantalang siya iyong kanina pa may kalandian noh!!Inirapan ko na lang....
BINABASA MO ANG
Right love at the wrong time(completed)
RomanceMahirap kalimutan ang Nakaraan lalo na kung mismong tadhana ang gumagawa ng paraan para muli itong mabalikan. Masakit kay Kris na makaharap muli ang taong minahal niya ng sobra nuon at alam niyang nasaktan niya ng sobra sa mga maling desisyon na nag...