chapter twenty-four

360 9 0
                                    

Napabalik ako sa kasalukuyan ng tumunog ang aking telepono.Ang layo na pala nang narating ng mga ala ala ko!

that was my memories last six years ago.....!!!!
mga ala ala noong bata pa ako at hindi pa kayang panindigan kung ano talaga ang gusto....
Pagkatapos nga naming maghiwalay ni Jeff noon ay nabalitaan ko na lang na umalis na siya pabalik ng maynila.Si Cathy naman dinala nila sa ibang bansa para doon magpagaling.Si papa naman ay nakauwi na rin sa bahay ngunit hindi na talaga nakakalakad pa.Hindi na rin nito kaya pang magtrabaho kaya nahihirapan na rin akong bumalik sa pag aaral.Ang mas lalong nakakalungkot ay kumalat pa ang balitang ginamit ko nga lang daw si Jeff pati si Cathy at nabuking daw ako kaya kami nagkahiwalay!
May ideya naman ako kung sino ang nagpakalat nito ngunit hindi ko na lang pinansin para hindi na mas lalong lumaki ang gulo!Bawat paglabas ko ng bahay,naririnig ko ang mga pangungutya nila sa akin!Umiiyak na lang ako sa gabi habang natutulog ang mga tao sa bahay dahil ayaw kong mas maapektuhan pa sila lalo kapag nakita nila akong nahihirapan.!
Hanggang sa nakapag desisyon na nga akong lumuwas dito sa maynila para maghanap ng trabaho.Hindi na talaga kasi namin kaya ang araw araw na gamotan ni Papa kaya mas minabuti kong tumulong na,ayaw sana nilang pumayag dahil masyadong malayo itong maynila ngunit sinabi ko na lang na iyon ang gusto ko kaya pumayag na rin sila sa huli!
Noong panahong bago pa ako dito sa maynila ay hirap na hirap ako.Palibhasa isang taon lang ang natapos ko sa kolehiyo at talagang nasa murang edad pa ako kaya nahihirapan agad akong makahanap ng trabaho.Halos maubos ang baon kong pera para lang sa araw araw ng gastos.!Nakaya kong magtipid at matulog sa maliit na inuupahang kwarto.Mabuti na lang may nakilala akong babae na nakasabayan ko sa jeep at nakapalagayn ko ng loob.Tinulungan niya akong makapasok sa isang kainan!waitress siya doon at nagkataaon naman na may bakante kaya nakapasok agad ako!Lumipas ang ilang buwan at naisip kong mag aral muli habang nagta trabaho,mabuti na lang at pumayag ang may ari ng restaurant na sa gabi na ako papasok sa trabaho kasi tuwing umaga ay mag aaral nga ako!
Nakabalik nga ako sa pag aaral kahit hirap na hirap basta ang importante ay makatapos lang,nag apply din akong schoolar para mas lalong makatipid!Nakatulong din naman ang maganda kong marka kaya natanggap ako.
Lumipas ang ilang taon at nakapagtapos na nga ako ng kolehiyo!
Nag apply din ako agad ng trabaho at doon ko nakilala si Luna!Pareho kasi kaming accountant!!Noong una,ilag pa ako sa kanya dahil nga siguro sa takot na magyari ulit iyong dati sa kaibigan ko!
Habang nag aaral nga ako dati ay naging aloof ako sa mga tao,aral-trabaho lang talaga ako,wala akong kinakaibigan kasi takot talaga ako na mangyari ulit ang nangyari noon.!Ngunit iba si Luna,hindi niya ako tinitigilan hanggang sa pansinin ko siya.Kaya sa araw araw naming magkasama sa trabaho,siya lang ang naging malapit sa akin!Hindi rin ako ma kwento sa kanya tungkol sa nakaraan basta ang alam niya may minahal ako dati ngunit nagkahiwalay din kami kasi nga bata pa ako!Wala akong plano na ikwento sa iba ang nakaraan ko.Gusto ko na itong ibaon sa limot!!!

Napabuntong hininga ulit ako matapos alalahanin ulit kung paano ako napadpad dito sa maynila.Ngayon nga ay halos anim na taon na akong nandito,umuuwi lang ako sa probinsya namin kapag may okasyon at bumabalik agad pagka kinabukasan!
Medyo nakakalakad na rin si Papa ngayon dahil kaya ko na siyang ipa theraphy.
Tahimik na ang buhay ko ngayon at kinaya kong kalimutan ang sakit na napagdaanan noon!
Ang akala ko nga hindi na talaga kami ulit magkikita pa ni Jeff!Sa tinagal tagal ng panahon,hindi ko talaga inaasahang magkikita pa ulit.kami!!!
At sa nakikita kong galit sa mga mata niya kanina,alam kong hindi pa rin niya ako napapatawad.
Ipinagdarasal ko na lang na sana hindi na ulit mag krus pa ang landas naming dalawa...!

Araw ng linggo ngayon at wala pa ring pasok sa trabaho kaya pagkatapos kong magsimba ay naisipan kong mag grocery na lang muna.
Plano pa nga sanang sumama ni Ruel ngayon pagkatapos niya akong tawagan at nalaman ang gagawin ko,ngunit mas pinili kong mag isa na lang muna.Iniiwasan ko talagang palagi siyang isama kasi ayaw kong umasa siya lalo sa akin.!
Palagi kong sinasabi sa kanya na hindi pa ako handa na makipag relasyon ngunit handa naman daw siyang maghintay kaya ok lang daw sa kanya.

Busy ako sa pamimili ng mga bibilhin nang may bumangga sa cart ko.Isa itong cute na batang babae na siguro nasa mga 2-3 years old,nang magtama ang mata namin ay ngumiti ito sa akin.,napangiti na rin ako..ang cute!!!!!!!

Kakausapin ko na sana ang bata nang lapitan na ito ng isang babae na napag alaman kong yaya nito.Himingi sa akin ng pasensya ang yaya at kinarga na ang bata.
Kumaway pa ang bata sa akin pag alis nila!!Nakakatuwa!!!!

Hindi nagtagal ay natapos na rin akong namili at nagpasyahan nang umuwi.!Gusto kong umuwi agad para makapagluto ng haponan!Kaya nga kahit si Luna hindi ko inayang sumama kasi sigurado akong pag kasama ko siya gagabihin talaga kami.

Magta taxi lang ako kaya tinulungan ako ng boy na ayusin lahat ang mga pinamili ko at ipasok ito sa loob.Pinag iiponan ko pa kasi ang pangbili ng sasakyan!Hindi ko pa siya kaya ngayon kasi tinutulongan ko pa si Papa para makalakad ulit,kapag nakakalakad na siya ay uunahin ko talaga ang pagbili ng sasakyan kahit hulugan lang,,ang hirap talagang mag commute palagi!!!!!
Paalis na sana kami ng mapansin ko ang isang tao na hindi ko inaasahang makita ulit!Bakit parang ang liit na nang mundo namin ngayon?
Ang taong nakita ko ay walang iba kung hindi si Jeff habang may karga kargang bata na walang iba kung hindi yung bata na nakabangga sa akin kanina!!!What a coincidence!!!!
Biglang sumikip ang dibdib ko,,,siguro anak niya ang batang iyon!Sabagay sa tinagal tagal na nang panahon imposible naman na hindi pa siya nag asawa at nagka anak..!

Winaksi ko ang nararamdamang pait dahil sa nakita at inutusan na ang driver ng taxi na umalis na kami.!

Kung totoo man ang hula ko na may pamilya na siya ay masaya ako para sa kanya!Wala naman akong ibang hiling dati pa man na sana ay maging masaya siya palagi........

Right love at the wrong time(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon