Kabanata 6

1.1K 9 0
                                    

 Kabanata 6
Selfish

"Gusto ko silang makilala. Gusto kong makasama ang mga a-anak ko.."

"Gusto ko silang makilala. Gusto kong makasama ang mga a-anak ko.."

Paulit ulit na nagr-replay sa utak ko ang mga sa salitang iyon. Nakakatakot. Akala ko kapag dumating ang araw na ito ay magiging handa ako pero ito ako, nasasaktan. Hapong hapo ako nung pumasok ako sa condo at syempre tinanong ako ni Bethany kung anong nangyari. Sinabi ko sa kanya ang lahat kaya ito ngayon. Halos hindi na siya umaalis sa tabi ko.

"Seriously? Bethany wala ka bang trabaho? Ilang beses ko nang sinabi sayo na okay lang ako." Itinabi ko ang ballpen ko at hinarap siya na ngayon ay nakahalukipkip sa harapan ko. Tatlong araw na ang nakalipas mula nung tumawag si Marcus at tatlong araw na ring nakikitulog si Bethany sa amin.

"No. Kilala kita Gab, mahilig kang magsabi na okay ka lang pero alam kong hindi. Please naman, kahit ngayon lang. Babawi ako. Alam mo namang wala ako sa tabi mo nung pinagbubuntis mo yung kambal.." She paused. Tears started to fall from her eyes. Hindi ko man gustong umiyak ay namasa parin ang gilid ng mga mata ko. Seeing her concern eyes were like daggers to me.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Nasa loob ako ngayon ng office ko at magi-imbentaryo sana pero nandito si Bethany na concern na concern sa akin.

"Sorry."

"Bakit ba kasi hindi ako yung unang tinawagan mo? Bakit si Tripp lang yung naging kasama mo sa New York! Alalang alala ako sayo nung sabihin ng mommy mong nasa ibang bansa ka.." Suminghot siya. "Ni wala akong kaalam alam na buntis kana pala.." Himikbi siya.

"Ayoko ko kasing nag-aalala ka Bethany. Tapos nahihiya pa ako sayo..s-sinabihan mo akong wag magpadalos-dalos sa mga desisyon ko pero p-pinagpatuloy ko parin, minahal ko parin siya.."

"Okay lang naman yun eh! OA naman talaga ako kung mag-alala sayo pero kahit text man lang na nagsasabing okay ka lang hindi mo ginawa Gab! Kung hindi pa ako nagpunta sa concert ng BTS sa New York hindi ko pa rin sana nalalaman hanggang ngayon." She sobbed.

I know. Sinarili ko yung problema ko. Alam ko kasing kapag sinabi ko sa kanila ang nangyari sa akin ay mag-aalala sila ng husto. Tutulungan nila ako to the point na magiging dependent na ako sa kanila. Si Tripp lang ang alam kong makakatulong sa akin sa mga oras nayun. Hindi niya kasi ako inii-spoil kaya nung sabihin ko sa kanyang gusto kong magtrabaho para sa mga anak ko ay pinayagan niya agad ako. Si Bethany kasi masyadong paranoid. Kapag nalaman niya ang kundisyon ko noon malamang naging nurse ko na siya. Kahit siguro sa pagkain ko susubuan niya pa ako.

"Sorry na talaga Bethany, gusto ko lang talagang matutong tumayo sa sarili kong mga paa. Sana maintindihan mo." Sabi ko. Hinaplos ko ang likuran niya upang kumalma yung emosyon niya.

Natigil din sa pag-iyak si Bethany at natutulog na siya ngayon sa sofa malapit sa table ko. Ginawa kong kumot ang cardigan na suot niya.

Kailan kaya magkakaroon ng masayang chapter itong buhay ko? Sabay sabay ang mga problema ko ngayon. Nalalapit na ang birthday ni Marcus. Hindi ko alam kung nagkataon lang ba ito pero pareho sila ng birthday ng kambal. I have two birthdays to organize and it's making me nervous thinking that Marcus and my children have the same birthday!

"Ngayong linggo po nagpaschedule si Mr. Montero para sa food tasting Ms. Dela Calzada. Iiinform ko nalang po kayo if what time po dadating si Mr. Montero." Sabi nung nasa kabilang linya. Sa tingin ko ay secretary ito ni Marcus.

"Sige. Thank you for calling." I'm lost of words. Thinking of many bad scenarios will never do me any good but I can't stop myself for doing so.

"You're welcome po miss." Pinatay ko ang tawag at nagpakawala ng malalim na hininga. Kung matutuloy ito ngayong Linggo ay magkikita na talaga kami ni Marcus. Natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari. Natatakot ako.

"... And they lived happily ever after." I smiled upon closing the book. Nasa magkabilang side ko sina Shara at Scott. They were smiling at me from ear to ear.

"Mommy will the prince and the princess have their own kids?" Taning ni Shara gamit ang namumungay na mga mata.

"I think baby, why?" I kissed her forehead.

"I just want to know." She yawned. Isiniksik niya ang sarili sa aking tagiliran.

"Then the princess became the mommy and the Prince is the daddy?" Singit naman ni Scott. Unlike his twin, he's still very awake.

I froze. Every time I hear the word 'daddy' from them, I feel a tight grip on my chest.

"Yes." I answered.

"How is it like to have a daddy, mommy?" He added. Tumingin siya sakin ng matiim. Nag-aantay ng sagot. Bakit tinatanong niya ako ng ganito? Should I tell them now?

Dati, inakala ko na kayang kaya ko silang sagutin kapag dumating ang araw na magtatanong tungkol sa bagay na ito. Akala ko masasagot ko sila in a mature way, pero para yatang umatras ang dila ko at kahit ni isang salita ay wala akong masabi.

And it dawned me.

All this time, hindi ko man lang inisip ang nararamdaman ng mga bata. Kung iniisip ba nilang pano kaya kung may tatay sila. All I care was myself. What will I feel. What will I do. Am I ready? Puro ako.

I'm so selfish.

"Mmmm.." I looked at Scott and his already asleep. Tsk. Ni hindi ko siya masasagot sagot dahil takot akong aminin sa sarili ko na 'kailangan' nila ng tatay.

At least to know their father.

"I'm sorry.." Tanging nasambit ko at hinalikan ang noo nilang dalawa. I rested my head on the headboard and sighed deeply.

Tumunganga ako sa kisame, hindi parin matanggal tanggal sa isip ang lahat ng nangyari. Mabuti narin at matapos ang tatlong araw na pakikitulog ni Bethany dito sa condo ay nakumbinsi ko narin siyang umuwi na muna. Alam kong naga-alala lang siya sa akin pero sigurado akong kaya ko, kung hindi man ay kakayanin ko.

*~*

"Don't talk to strangers okay?" Sabi ko habang gina-guide ang mga anak ko patungo sa pre-school.

"Yes, mommy." Sagot ni Scott.

"I'll miss you, mommy." Ani Shara at ginawaran ako ng halik sa pisngi. Ganun din ang ginawa ni Scott at nagsimula na silang pumasok sa kanilang classroom.

Unlike other three year old kids, my children are independent. Hindi sila umiiyak sa tuwing iiwan ko sila sa classroom nila. Maging noong nasa New York pa kami. I saw other kids crying while looking to their parents walk away. Ang mga anak ko nama'y nakangiti lang na para bang alam nilang babalikan ko sila kaya hindi nila kailangan pang umiyak.

Palabas ako ng pre school ng naramdaman kong tumunog ang cellphone ko. Nanlaki ang mata ko ng makitang ito ang numero na ginamit ni Marcus noonh huling tinawagan niya ako.

"Hello." Sagot ko sa tawag.

"Gab, tungkol doon sa meeting natin pwede bang ngayon na?" Oh! Maybe about his birthday! I'm so stupid for thinking about something different.

"Oh okay, san tayo magkikita?"

"I'll text you the name of the resto."

"Okay."

Pagkatapos ng tawag ay nakatanggap ako ng text galing sa kaniya. Nandun ang exact na address nung restaurant na sinasabi niya.

My heart beats so fast that I couldn't contain it. I'm going to meet my children's father.

Forbidden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon