Kabanata 13
Wish
"You told me you'll just get your wallet then we'll left! Marcus! Alas tres na ng umaga wala ka parin? Limang oras na akong naghihintay dito." Hindi ko maiwasang humikbi. Mahigpit ang hawak ko sa aking cellphone. Alam ko naman na hindi ako ang priority niya. Isa lang naman akong sekretarya na na-inlove sa boss ko.
Pero...sabi niya mahal niya ako. Sabi niya.
"I'm sorry, Gab. Isinugod na naman si Kassandra sa hospital. She's unconscious up until now." He said over the phone. Nanlalamig ako dahil madaling araw na at nasa labas na ako ng restaurant na dapat ay kakainan namin pero biglaan siyang umalis ng hindi pa nas-serve ang pagkain namin. I never ate kasi sabi niya babalik siya pero naabutan nalang ako ng pagsasara ng restaurant hindi parin siya dumadating.
"Okay..." Tanging nasambit ko at mabilis na pinatay ang tawag. Ayoko na. Kung hindi naman pala niya ako kayang panindigan bakit niya pa ako tinatrato ng ganito? Bakit niya pa ako pinapaasa kung si Kassandra parin ang uunahin niya.
I sighed. Yumuko at tiningnan ang supot na hawak ko sa kanan kong kamay. Tinake out ko nalang yung mga pagkain na dapat ay dinner namin ngayon. Iyak parin ako ng iyak. Sobrang nasasaktan ako.
"Gab..." Maingat kong minulat ang mga mata ko ng marinig ang boses ni mommy.
Agad ko namang naaaninag ang mukha niya at ng mga anak ko. Inilibot ko ang paningin ko. I was in my room. I blinked to clear my visions. Hindi ko alam kong bakit bigla akong nahimatay kanina. Sobrang pagod ba ako kaya nagkaganun?
"Mommy, you're awake!" Si Shara at maingat na umupo sa kama ko.
"We got worried, mommy." Si Scott na halos hindi makatingin sa akin.
"I'm fine, don't worry." I said at hinapit ang dalawa para sa isang yakap.
It's weird. My dream's weird.
"Mga inaanak, pwede ba lumabas muna kayo? Your mommy needed rest okay?" Biglang sumulpot si Bethany. Nabaling ang atensyon ng mga bata sa kanya.
"Okay, ninang! Mommy please rest well. I love you." Shara kissed me. Ganun din ang ginawa ni Scott at sabay na umalis ang mga bata. Si mommy ay nasa hamba ng pintuan at inalalayan ang bata palabas ng kuwarto. She smiled at me before closing the door of my room.
Bethany sighed and sat on the side of my bed. I looked at her—my forehead creased.
"What was it again, Gab? Nasa kusina lang kami ni Tripp kanina ng biglang sumigaw si tito! Did you knew how worried I was?! Hindi ako nagkandaugaga, Gab. Bruhilda ka talaga! Ano naman ba kasi yung sinabi ni tito? Bakit ka nihimatay?" Sunod-sunod niyang tanong.
"Just things..." I answered, almost a whisper.
"Anong just things, just things? Gusto mo kutusan kita para hindi kana magsinungaling sa akin?" Sigaw niya. Parang bigla naman akong na-stress sa kakasigaw niya. Sumakit bigla ang ulo ko.
"I don't know." My breathing got heavier. Lahat ng sinabi ni daddy ay nagpabalik-balik sa isipan.
Hindi siya kasal. Pinuntahan niya ako noong araw na tinawagan ko siya. Everything were vague in my insides. There were questions unanswered. Questions that only Marcus...could answer.
Bethany sighed again. "Okay, hindi kita pipiliting sabihin sakin ang lahat. You need rest kaya magpahinga ka. Birthday na ng mga anak mo bukas, hindi pwedeng ikaw na nanay nila hindi makapunta." Lumapit siya sa akin at niyakap ako. I'm blessed to have her with me. My bestfriend.
"Sus. Ang drama..." Nahiwalay agad si Bethany sa pagyakap sa akin ng nagsalita si Tripp. Napatingin kaming dalawa ni Bethany sa kanya na nakasandal lang sa may hamba ng pintuan. May dala siya isang tray ng pagkain at kung hindi ako nagkakamali ay nakatingin siya kay Bethany at hindi sa akin. I wonder what's up to them.
BINABASA MO ANG
Forbidden (COMPLETED)
RomanceShe was just twenty-three when she got pregnant. Gab Andrea Dela Calzada didn't know what to do. Ang tatay ng magiging anak niya ay nakatakda ng ipakasal sa iba. She was accused of being a cheater by the man he loved the most. Four years had passed...