Kabanata 8
I love you
"Oh my God, Tripp! I missed you!" Sobrang saya kong sambit ng makita si Tripp sa labas ng unit namin. Niyakap ko siya ng pagkahigpit higpit na ikinatawa niya. Shit, I even missed his chuckle.
"Hindi mo naman ako sobrang namiss ano?" He chuckled again at sinuklian ang yakap ko. Ngumiti ako sa kanya at nagpagilid sa pintuan para makapasok siya sa loob.
"Hindi naman masyado." I teased him. Tiningnan niya lang ako ng hindi-ako-naniniwala look habang papasok siya sa loob ng unit. It was a Saturday kaya walang pasok ang mga bata at nandito lang ako sa condo para makapagbonding kami ng mga anak ko.
"Asan ang mga anak mo?" Tanong nito ng makarating kami sa sala. Nasa kwarto ang mga bata at naglalaro kaya mukhang tahimik panoorin ang sala namin.
"Nasa kwarto." Sagot ko. Agad naman niyang tinungo ang kwarto. Halatang miss na miss niya ang mga bata. Sigurado ako na kararating niya lang galing sa business trip sa Singapore dahil naka puting long sleeve pa siya na polo at mukhang hinubad niya lang ang kanyang suit. Hindi pa ito nagpapahinga pero dumiretso agad ito dito.
Alas diyes na ng umaga kaya napagdesisyonan kong magluto na lang ng tanghalian dahil bukod sa pagod ay malamang gutom na rin si Tripp. I started slicing the ingredients para sa aking sinigang na baboy na paborito nila. I studied culinary for a year kaya marami akong alam na lutuin. Yun din siguro ang naging dahilan kong bakit pumatok ang aking restaurant. I experimented many dishes and they turned out good. Nagsaing ako ng kanin nung nilagay ko na ang huling sangkap ng aking niluluto. Konting kulo na lang ay luto na ito.
Higit isang oras akong nasa kusina dahil nagdagdag pa ako ng ibang putahe para sa mga bata. Hindi padin lumalabas sina Tripp at ang mga bata mula sa kwarto na baka hanggang ngayon ay naglalaro parin.
Ng matapos ako sa ginagawa ay hinubad ko na ang aking apron at tinungo ang silid ng nga bata. Akala ko'y maabutan ko silang naglalaro pero naantig ang puso ko sa nakita. Tripp was sleeping soundly in the bed while the twins were reading him a book.
"...and they lived happily ever after." Masiglang tugon ni Shara at sinarado ang librong binabasa. It was their favorite book—Maleficent.
"Did you enjoy the story tito Tripp?" Shara asked but was cut by Scott.
"Shhhhh..." Scott pointed Shara's lips with his pointing finger. "Tito's asleep." He whispered earning a big 'O' from Shara. I couldn't help but felt a slight pinch in my chest. Para itong pinipiga dahil sa nasaksihan ko. Tripp had always been there for me. Even my children were so close to him. Minsan napapaisip din ako.
Paano kung siya nalang ang ama ng mga bata?
Siguradong hindi niya kami itatanggi. Tripp's love for my children and me is unconditional. It worried me though. Alam kong dadating ang araw na makakahanap siya ng babaing gugustuhin niyang makasama habang buhay at ayaw ko na maging hadlang kami sa kanila. Sa ugali ba naman ni Tripp siguradong mas pipiliin niya ang nga bata laban sa kahit sino.
"Babies..." Bulong ko at unti-unting lumapit sa kama.
"Mommy." Tugon nila. "Tito is asleep, mommy." Shara told me. Tumingi ako kay Tripp and he's even snoring. I chuckled.
"Lunch is ready, babies. Hayaan niyo munang magpahinga ang tito niyo." I told them tumango naman sila at bumaba na sa kama. Inayos ko ang unan ni Tripp. His hair has been dishevelled. His tie was untied and he really looked worn out. I sighed upon covering him with blanket. Hinubad ko narin ang kaniyang sapatos bago lumabas sa kwarto.
Naabutan kong papaupo ang mga bata sa kani-kanila highchairs. They were giggling while looking at each other. By the looks of it, mayroon silang pinagkakatuwaan na dalawa.
"Have you washed your hands already babies?" I asked them. They nodded showing me their clean hands.
"Kuya Scott washed my hands mommy." Shara laughed and Scott chuckled. Kaya pala kanina pa sila natatawa. Shara has this attitude that she felt tickled when someone touch her hands. Gustong gusto iyon ni Scott kaya palagi niya itong hinahawakan.
I smiled and started serving them their food.
Pagkatapos kumain ay bumalik ulit sa paglalaro ang mga bata. Ako naman ay naglinis ng aming pinagkainan. Nasa kalagitnaan ako ng pagpupunas ng lamesa ng bumukas ang pintuan ng kwarto ng mga bata. Lumabas dun si Tripp na nagpupunas pa ng kanyang mga mata.
"Gising kana pala." Sabi ko. Tumango siya at umupo sa hapagkainan. "Hindi na kita ginising kanina. Gusto mong kumain?" Tanong ko at naglapag ng pagkain. Nagsimula siyang kumain.
"Ang sarap mo talagang magluto." Aniya at halos mabulunan pa sa sunod sunod na subong ginawa.
I smirked. "Ang sabihin mo gutom na gutom na gutom ka lang. Hindi ka pa nagb-breakfast no?" Hindi niya ako pinasin.
"Tripp, alam ko namang miss na miss mo ang mga bata pero sana kumain ka o kaya nagpahinga ka muna bago mo kami binisita dito." Pangaral ko sa kanya.
"Mabuti nalang at naisipan ng mga bata na basahan ka ng libro kaya nakatulog ka." Patuloy ko pa.
"Pagod ako't gutom tapos pinapagalitan mo pa ako, di kaba nakokonsensya?" He pouted his lips. Oh no! Hindi ako madadala sa pagpapa-cute ng walang hiyang ito.
Kinurot ko nga ang loko kaya tumawa ito. "Ikaw talaga."
Natapos ang asaran naming dalawa at naisipan naman ni Tripp na igala kami. Tutal at wala naman akong ginagawa ay umo-o na ako.
Naging masaya ang gala namin. Kumain kami sa labas at nanood ng sine. Ang dami pang pinag-usapan ng mga bata dahil amazed na amazed sila sa pinanood naming Frozen 2. Papauwi ay kumain kami sa Jollibee. Tawa ako ng tawa dahil nagmukhang alalay ko si Tripp dahil siya ang may dala sa mga bata.
"Oh no not may collar baby, it tickles me." Cool na cool na tugon ni Tripp ng inumpisahang galaw-galawin ni Shara ang kwelyuhan niya. Bitbit niya sa kanang kamay si Scott habang sa kaliwa naman si Shara. Tawa naman ako ng tawa hanggang sa makapasok kami sa Jollibee.
"Ako na ang mago-order." Agad na sabi ko ng makahanap kami ng lamesa. Alas sais na ng gabi at marami-rami nadin ang tao dito. Karamihan ay grupo at pamilya. Tumayo ako at pumunta na sa counter.
"..coming ma'am!" Masiglang tugon ng cashiecashier matapos kong sabihin ang order ko.
"Nasa table number 9 lang kami miss, thank you." Ngumiti ako sa kanya at bumalik na sa table namin.
Naglalaro parin silang tatlo na para bang hindi napagod sa pamamasyal namin kanina!
"Kayo talaga! Hindi ba kayo napagod?" Tugon ko ng maupo sa lamesa namin. Lumipat sa tabi ko si Scott na kanina ay nasa kaliwa ni Tripp. Scott hugged me tightly and I smiled at him.
"I love you, mommy." Si Scott.
"I love you too, baby." I kissed his forehead.
"Me, too, mommy!" Patakbong pumunta si Shara sakin at hinalikan ako sa labi. I giggled because of that.
"I love you too, baby."
This is the life I wanted. No worries, no sadness, just me and my kids with Tripp and Bethany by my side.
Dumating ang aming pagkain at nilantakan na namin agad ito. Napunk kami ng tawanan at kulitan kaya ng umuwi na kami sa condo ay bagsak ang dalawa. Parehong tulog pero 'di tulad kanina ay tig-iisa kami ni Tripp na dala ang isa sa mga bata. Ako ang nagdala kay Shara at si Tripp naman kay Scott.
"See you tomorrow, Gab." Ani Tripp. Matapos naming bihisan at ilapag ang mga bata sa kanilang higaan ay nagpasya si Tripp na umuwi. Nasa labas na kami ng building at hinatid ko lang si Tripp.
"See you, Tripp. Mag-ingat ka, okay?" He gave a hug bago siya pumasok sa kanyang sasakyan at nagsimulang humayo.
When I couldn't see his car anymore, I sighed. This day was tiring but one of the most enjoyable one. Simula nung dumating kami dito sa Pilipinas ay parang ngayon lang ako sumaya ng ganito. It's because of Tripp and my kids and of course Bethany wasn't an exception. Isang linggo naring hindi nagpaparamdam ang babaing yun.
"Busy lang siguro." Bulong ko sa hangin at pumihit na para bumalik sa unit ko. I am thankful that for tonight I'll sleep without worries. I'll sleep peacefully.
BINABASA MO ANG
Forbidden (COMPLETED)
RomanceShe was just twenty-three when she got pregnant. Gab Andrea Dela Calzada didn't know what to do. Ang tatay ng magiging anak niya ay nakatakda ng ipakasal sa iba. She was accused of being a cheater by the man he loved the most. Four years had passed...