Kabanata 24
Peace
Nanatili siyang naka-luhod malapit sa paanan ko. Sumisinghot pa siya habang naka-luhod. Naramdaman ko na ang mga tingin ng mga tao sa amin. Hindi ko iyon pinagtuonan ng pansin.
Nakatingin lang ako kay Clark. Walang emosyon. I am not heartless but I know when to fight. Gusto ko siyang sampalin pero naisip ko na baka ikagaan pa iyon ng konsensya niya. Ayoko.
"I'm sorry," he said, again. Hindi ko alam kung bobo ba siya o ayaw niya lang intindihin ang lahat ng sinabi ko.
Kaya ko siyang patawarin. Ayoko lang gawin...
"Umalis ka na," sabi ko at akma siyang tinalikuran.
Napahinto lang ako ng hawakan niya ang kanang kamay ko gamit ang dalawang kamay. Naka-luhod parin siya ng ibalik ko ang tingin ko sa kanya. Namumula na ang mga mata niya.
"Please, Andrea. Sa akin ka nalang. I can father your children..."
I scoffed at his statement. Baliw na nga talaga ang isang 'to.
"Magpagaling ka muna bago mo'ko kausapin, Clark. Malala na 'yang sakit mo sa utak," hinaklit ko ang dalawang kamay niyang naka-hawak sa akin.
Nagmatigas pa ito at hindi agad ako binitawan. Nagulat na lang ako ng biglang humandusay si Clark. Naka-hawak na sa duguan niyang mga labi.
I looked at the man who punched him. Hindi na ako nagulat ng makitang si Marcus iyon at naka-kuyom pareho ang kanyang panga at kamay.
Lumapit siya sa naka-handusay na si Clark at kinuwelyuhan ito. Natulos ako sa kinatatayuan ko ng makita ang mga nagbabagang mga mata ni Marcus na kung ako ang tinitingnan ay marahil nasunog na ako.
Galit siya.
"I told you not to show your face to me anymore," mariing bigkas ni Marcus at sinuntok ulit si Clark. Napa-sigaw ako kasabay ng paghandusay ni Clark sa sahig. Puno na ng dugo ang kanyang mukha. Umuubo pa ito at naiiyak na tumingin sa akin.
"Andrea..." Sambit ni Clark at akmang lalapit sa akin ng sipain siya ni Marcus gamit ang kanang paa. Humandusay ulit siya at sa pagkakataong ito, hindi niya na nagawang bumangon pa.
Lumapit na ako kay Marcus at hinawakan siya sa kanyang kanang braso. Tumingin siya sa akin gamit ang mga namumungay na mga mata. Hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang dalawang niyang kamay.
"Are you okay? May ginawa ba siya habang wala ako?" Nag-aalala niyang tanong. Napa-pikit ako ng halikan niya ang aking noo.
Umiling ako bilang sagot sa kanyang tanong. Niyakap niya ako ng pagka-higpit na para bang kapag niluwagan niya ay makakawala ako. Nasubsob ako sa kanyang dibdib. Naamoy ko agad ang kanyang bango.
Rinig ko rin ang bilis ng tibok ng kanyang puso.
"I got worried when I saw you with him. Natatakot ako na baka mawala ka ulit sa'kin. Ayokong mangyari 'yun, Gab. Ayoko..." Mahina niya bulong habang yakap ako. Naramdaman ko rin ang paulit-ulit niyang paghalik sa buhok ko.
"No, Marcus. Hindi na mauulit ang nangyari dati," tiningala ko siya.
Kita ko ang pagpungay ng husto ng kanyang mata habang naka-titig sa mga mata ko.
The love and passion was visible from his eyes and I couldn't stop myself from falling in love with him even more.
"I love you..." He said before kissing me on the lips. He uttered that three words while kissing me deeply. I accepted his kisses.
Yakap ako ni Marcus habang naka-upo sa upuan ng presinto. Kausap niya na ngayon ang mga pulis at ako ay tahimik lang na nakikinig kanina. Hindi sana kami aabot rito kung umalis na kaagad si Clark pero nagpumilit siyang lumapit sa akin na ikinagalit pa ng husto ni Marcus.

BINABASA MO ANG
Forbidden (COMPLETED)
Roman d'amourShe was just twenty-three when she got pregnant. Gab Andrea Dela Calzada didn't know what to do. Ang tatay ng magiging anak niya ay nakatakda ng ipakasal sa iba. She was accused of being a cheater by the man he loved the most. Four years had passed...