Kabanata 21

717 10 0
                                    

Kabanata 21

Doubt

I blinked twice. Halos isang buwan palang matapos magkabati kami ni Marcus at hindi pa talaga namin napag-uusapan kung may kasalan bang magaganap. Hindi rin iyon pumasok sa isipan ko.

"P-po?"

"Kasal, hija. Don't tell me wala kayong balak magpakasal na dalawa," she smiled but the hint of confusion was visible from her eyes.

"Ah... Hindi pa po kasi namin napag-uusapan M-mama," sabi ko at ngumiti na rin.

Come to think of it. Marcus said he wanted me back and he loves me. Gusto niya pang magsimula kami bilang isang pamilya. Siguro...siguro naman kasama na doon ang pakasalan ako.

But in the end of the day, it doesn't matter to me anymore. Desisyon niya naman yun kung gusto niya akong pakasalan o hindi. I don't want to doubt him. Not just yet.

Like all other night, tonight's party ended. It was really a nice feeling. Para akong lumulutang sa ere. I am again, lost. Malaki ang pinoproblema ko kanina sa party pero mas malaki ang problema ko ngayon.

Hindi naman ako sa nagmamadali pero napapa-isip din ako. Ayaw ba akong pakasalan ni Marcus? Again... It is fine for me. Really? Or was I just convincing myself. Truth is...gusto ko pala talaga ikasal na. I just can't wait anymore. We already wasted four years! May mga anak na rin kami. But... Should I just respect him? Baka ayaw niya talaga akong pakasalan. Hindi sapat ang pagmamahal niya para pakasalan ako?

I shook my head—hoping that it'll clear my confused mind that was—is full of doubts. Itinagilid ko ang aking katawan para makita ng buo ang mukha ni Marcus. He was already sleeping. Dapat ako rin pero hindi ako makatulog sa dami ng iniisip.

"Bakit ang hirap kong magtiwala?" I whispered. Inangat ko ang aking kamay para mahawakan ang kanyang mukha.

"You told me you love me. I know you love me. But...why am I still doubting you?" Namuo ang luha sa gilid ng aking mga mata.

I know I was selfish. I still am.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Inilibot ko ang paningin sa kwarto. The dim lights illuminate the room. Nakadapa si Marcus at nakabaling sa akin ang kanyang ulo. Ang mahina niyang paghinga ay siyang tanging naririnig ko maliban sa tunog ng aircon. Kanina pa siya tulog sa tabi ko.

It was already 1am! Bandang alas-10 kanina ay nakauwi na kami. Nagbihis lang at dahil nabusog na kanina sa event ay pinatulog na namin ang mga bata. They were enthusiastic to finally meet their other lola. I and Marcus tucked them to bed.

Pinunasan ko ang namuong luha sa aking mga mata. I feel so stupid. Kinuha ko ang aking cellphone. I searched for the name of the person I know could help me right now.

"Hello?" Mukhang nagising ko pa ata. His voice is still husky.

"Tripp..." I answered. Tuluyan na akong tumayo at dumiretso sa veranda. The cold wind welcomed me as soon as I went out. Napakapit ako sa aking magkabilang braso.

"Gab?" His voice was laced with confusion.

"Nagising ba kita?" Pabulong kong tanong. Inilibot ko ang aking mata. The city lights lessen. Iilang mga building nalang ang may kung anong ilaw. Sa bagay, ala-una na rin naman kaya wala ng masyadong bukas na mga establishments maliban sa 24/7 stores.

"No... Not really," he answered.

"I'm sorry... I just wanted to talk about some... things," bumuntong-hininga ako.

"What is it?" Agad niyang tanong. Okay, he's now worried. Nakarinig ako ng kaluskos mula sa kabilang linya—tanda ng pag-iiba niya ng kanyang posisyon.

Forbidden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon