Kabanata 7

1K 6 0
                                    

Kabanata 7

Hindi ako Umiyak

Sobrang hirap panindigan ang mga bagay na alam mong makakasakit at patuloy na nagpapasakit sayo. Tulad ng mangyayari ngayon. It hurts me seeing him again pero kailangan, kasi iniisip ko ang kapakanan ng mga anak ko. Hindi rin naman ito para sa akin. For the sake of the business. Halos labinlimang minuto ang biyahe patungo sa address ng restaurant na tinext ni Marcus. Nasa tapat na ako ng restaurant kaya tinext ko siya.

Nakakapagtaka naman na pwede namang kaming mag-usap sa restaurant ko pero bakit mas pinili niyang dito kami mag-usap sa ibang lugar.

Ako:

Nandito nako sa labas.

Wala pang isang minuto ay nagreply agad siya.

From: Marcus

Nandito nako sa loob.

Pagkatapos kong mabasa iyon ay tinago ko ang cellphone ko sa loob ng aking bulsa. Bumuntong hininga ako at inayos ang aking sout na polo at jeans. Dahil sa daliang pagpatawag niya ng meeting ay ni hindi ako nakapagbihis ng mas pormal na damit.

"Good morning, ma'am." bati sa akin ng isang waitress ng pumasok na ako sa loob. This is a korean inspired restaurant and I find the ambiance refresing. Lahat ng mga waiters at waitresses ay nakasout ng traditional korean outfit.

Ngumiti ako sa kanya bago magsalita. "I have a reservation under Mr. Marcus Montero." sabi ko sa kanya. She smiled and led me the way.

Nasa pinakasulok na bahagi ng restaurant nakapwesto ang table na pinareserve ni Marcus. Nang malapit na ako doon ay nakita kong parang balisang tumayo si Marcus ng makita niya ako. His built is still the same as the last time I saw him. Naaaalala ko pa yun. Yun yung araw ng opening ng restaurant ko. 

"Hi." yun yung unang mga salitang nasambit ko ng nakalapit na ako sa kanya. Sinabayan ko pa  itong ng isang ngiti. Gosh! Kamukhang kamukha niya talaga ang mga anak ko. Bakit ganito? Bakit ang lakas ng kalabog ng dibdib ko?

"Nice to finally talk with you." tugon niya at ibinalik ang ngiting binigay ko.

Nang makaupo kaming dalawa ay ramdam na ramdam ko ang bigat ng atmosphere. Pinipilit kong  iwaksi ang lahat ng mga emosyong gustong kumuwala sa aking loob. This is purely business Gab! Hindi mo dapat pairalin ang emosyon mo dito.

Patuloy kong pinapagalitan ang sarili ng biglaang nagsalita si Marcus.

"You want to order something?" I sensed hesitation with his voice.

"I'm fine with water." I smiled. Tumango siya at nagtawag ng waiter. Ng makaalis ang waiter ay ibinaling niya ang tingin sa akin.

"So...what is it that you want to talk about?" Tanong ko.

"Well, I decided not to conduct the food tasting anymore. I have many errands to attend...that's why." Tumango ako sa sinabi niya. Relief that the tension was slowly vanishing. Nanatili kaming tahimik na dalawa ng dumating ang tubig na inorder niya. I watched him intensely. Still the same old Marcus, but there's something different. I don't know.

Nagulat ako ng suklian niya ang titig ko. Ngumiti na  lamang ako at uminom ng tubig.

"Ano pa ba ang dapat nating pag-usapan?" I asked.

"Uhhmm, a-about the k-kids." And just like that, my world stopped spinning. Dumating na ba ang bagay na kinakatakutan ko? Ito na ba iyon?

"What about them." I managed a little cough. Ang unti-unting nalulusaw na tensyon ay muling nabuhay—mas lumala pa nga yata.

For the past more than four years in my life, I never dreamed anything but to live my life with my children peacefully.  Umuwi lang naman ako ng Pilipinas dahil sa restaurant ko pero hindi ko inakala na hahantong ako sa ganitong sitwasyon ngayon. Alam kong walang karapatan si Marcus dahil siya na mismo ang nagtakwil sa akin pero kung dati, selfish ako, ngayon hindi na. Wala na akong pakiaalam sa kung anong nararamdaman ko, I just wanted my children to be happy.

Forbidden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon