Kabanata 15
Truth
They say, life isn't always sadness. There comes a point in life that happiness will appear. That happiness is happening to me right now.
Nakadungaw ako kay Marcus habang maingat na pinapatulog ang mga bata. Nasa hamba lang ako ng pintuan at matamang nakatingin sa kanila. Siya pa nga ang mag-isang nagdala sa mga bata kanina ng paakyat kami. Ako naman ay dala ang mga gamit namin.
"Sweet dreams." Mahinang sabi ni Marcus at hinalikan sa noo ang mga anak ko. Naka-white sleeveless nalang siya ngayon at itim na sa slacks. Pinagmasdan ko ang hubog ng kanyang katawan. The masculinity of it was very visible. Ang mga ugat naman sa kanyang mga braso'y kitang-kita ko rin. Napalunok ako at bahagyang pinilig ang ulo para pigilan ang makamundong pagnanasang nararamdaman.
Sinarado ko nalang ang pinto at dumiretso sa kusina. Nagtimpla ako ng kape. Kagaya nung mga panahong sekretarya pa niya ako. Natapos akong magtimpla ng tumunog ang cellphone. Sinagot ko iyon.
"Yes, mommy?" Bungad ko.
"Hello, Gab? Nandito na kami sa party pero patapos na. Umuwi na kayo?" Tanong ni mommy galing sa kabilang linya.
I cleared my throat then answered, "Opo, mommy. Something came up then the kids were exhausted kaya umuwi na kami."
"Ganon ba? I heard, nandito raw si... Marcus kanina. Anong nangyari?"
"It's a long story, mom. I'll tell you tomorrow. Umuwi narin po kayo. Kamusta po ang check-up ni daddy?" Pumanhik ako sa may lamesa at nilapag ang kapeng tinipla ko.
"Fine, anak. I'm sorry kung late na kami ng daddy mo sa party. Alam mo namang hindi pwedeng i-skip itong schedule ng check-up niya," Nakarinig ako ng kaluskos mula sa kabilang linya. Marahil ay nag-iba si mommy ng posisyon.
"Okay lang mommy. Nakasama naman kayo ng mga anak ko kaninang umaga. Ayos na po iyon," sabi ko.
"Okay. You're daddy's tired too kaya baka dumiretso na kami pauwi. Ret well, hija. I love you," she said.
"Okay, po. Goodnight, mommy. I love you, too," then I hung up the call.
Nilapag ko sa lamesa ang cellphone ko ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ng mga bata. I looked at it. Lumabas si Marcus doon at maingat na sinarado ang pinto. Nag-angat siya ng tingin sa akin at sakto namang nagtagpo ang aming paningin.
Kumalabog kaagad ang lintik kong puso. I cleared my throat. "Ahh...kape?" I asked and motioned the coffee I just made.
Ngumiti siya. Yung mga ngiting matagal na simula noong huli kong makita. "Sure," he answered.
Lumapit siya sa lamesa at umupo roon. Agad naman siyang humigop sa kape kaya napa-ubo siya. Malamang! Hindi niya man lang hinipan. Ininom kaagad.
"Ugh..." I said frustrated. Mabilis ko siyang dinaluhan ng tubig. Ininom niya agad iyon.
"Mainit pala...." He chuckled.
"Bagong timpla kasi, Marcus. Nakita mo nang umuusok, e." Nakasimangot kong tugon.
He looked at me guiltily, "Sorry, matagal ko na kasing hindi natitikman itong kape na ikaw ang gunawa. Namiss...ko." he cleared his throat.
Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa mga pinanggagawa niya. Kanina lang halos himatayin ako sa takot dahil nawalan siya ng malay tapos ngayon...ugh! Bakit para ako lumilipad sa ere kahit naiinis ako sa kanya. "Stupid." I told myself. Bumaling siya sa akin.
"Sorry." Aniya.
"What?" Tanong ko. Namumuro na siya sa kaka-sorry, nakakarindi na.
"For being stupid."
"No. I was talking to myself." Nanlaki ang mga mata ko. Akala ba niyang sinabihan ko siyang tanga?
"Still, sorry." Yumuko siya.
Our situation is awkward. I was angry at him. I said I don't want to be involve to him. Ayoko ko ng magkaroon ng kinalaman si Marcus sa buhay ko dahil pagod na pagod na ako.
Pero...hindi ko rin naman siya kayang pakawalan. Knowing that for the past years, I've been angry at him for denying my kids when in fact he has the right too. Ngayon ko lang napagtanto na kung ako ang nasa sitwasyon niya'y kahit magpaliwanag pa siya ay magagalit parin ako. Ako yung naging makitid ang utak na nagpadalos-dalos sa pagdedesisyon.
"Well, nandito ka narin naman." I sighed. "I wanted to ask you something."
"Ano y-yun." Binigay niya sa akin ang buo niyang atensyon. Nakita ko pa ngang nanginginig ang mga kamay niya. Have I been very harshed to him? Making him this scared?
"I've learned that you were not married. Pero...gusto kong sabihin mo sa akin. Galing mismo sa'yo ang katotohanan."
He shifted on his seat. He cleared his throat before looking at me. He looked tired but it's now or never. Ayaw ko ng ipagpalipas pa ito kasi gulong-gulo na ako.
"The day...the day you told you were pregnant. Ang saya ko." He paused then chuckled without humor.
I was just there , looking at him, very attentive to what he was about to say.
"But I became so doubtful. I saw you lying in the bed with another man. It gave me the idea that you two...did it. Paano pala kung hindi ako ang ama ng dinadala mo? I was preparing to attend my brother's wedding—na dapat ay kasal... natin."
Bumaling ako sa kanya, gulat na gulat. Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kanya. "Ano?"
Yumuko siya. Ilang sandali pa'y narinig ko siyang suminghot. "I was about to ask your hand in marriage but...I saw you with that bastard!"
Nabibinging nanatili ang tingin ko sa kanya. Tears were forming in my eyes. Parang pinipiga ng kung ano ang puso ko. Then I saw his tears. He's crying. Ganito na ba ako ka makasarili?!
Lumapit ako sa kanya. Tumangala siya sa akin. Silver tears were running down his face. It hurt me seeing him crying. Seeing the eyes of my children at his. I leveled his stare. "I'm sorry..." Then I started crying.
Dinala ko ang aking kanang kamay sa kanyang pisngi. Pinahid ko ang mga butil ng luhang patuloy na umaagos mula sa kanyang mata.
I pulled him into a tight hug. He's been suffering all these years. Bakit ba ang selfish ko? All I think about was my suffering! Hindi ko man lang inisip na hindi lang ako ang nasasaktan.
Ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking dibdib. Naririnig ko parin ang mahinang mga hikbi niya.
"I-i'm so sorry." Ulit kong sabi habang yakap siya. Today's his birthday but he's crying. I feel really guilty.
He lifted his gaze to me. Gone were his tears. But the pain was still there. His eyes were in pain and... hope. We stared at each other. Silenced enveloped the whole sala. Ang tanging naririnig ko nalang ay ang mabibigat naming mga hininga.
We were like that for a few moment but when he tilted his head and slammed his lips to mine, I never stopped myself. Hinayaan kong halikan niya ako. He's kissing me with burning fire. I kissed him back, returning the same intense desire.
Malakas ang kalabog ng puso ko. Everything happened so fast.
Bigla nalang naka-upo na ako sa pagitan ng mga hita niya.
Bigla nalang halos mawalan na ako ng hininga.
I was straddling him, kissing him to the depths of me. Not holding any of my sanity back. For once, I wanted to be true to what I really feel and kissing him passionately, feels like the best thing I've ever done the entire four years of my suffering.
Huminto ako sa paghalik sa kanya. Ganoon din ang kanyang ginawa. We were catching our breath. Nakatitig kami sa mata ng isa't isa. Hingal na hingal.
"Happy birthday..." I said in between my panting.
"Thank you." He answered. Muli ay inatake niya ako ng halik. Mas malalim, mas madiin, mas...sabik.
I love this man so much and I'm not going to let go of him. Never again.
BINABASA MO ANG
Forbidden (COMPLETED)
RomanceShe was just twenty-three when she got pregnant. Gab Andrea Dela Calzada didn't know what to do. Ang tatay ng magiging anak niya ay nakatakda ng ipakasal sa iba. She was accused of being a cheater by the man he loved the most. Four years had passed...