Kabanata 2

1.4K 15 0
                                    

Kabanata 2

Stranger

Hindi ako kagad nakatulog noong pumasok na kami sa unit ko. I am disturbed. Hindi ko parin makalimutan ang mukha ni Marcus kanina. He look worn out.

"Hindi kaba napagod?" Tanong ni Tripp ng lumabas ito sa kwarto ng mga bata. He's checking them.

"Napagod but I can't sleep." Sagot ko at uminom ng wine.

"You look so bothered. Ano bang nangyari?" Tanong niya. Umupo siya sa aking harapanat nagsimulang magbuhos ng wine sa kanyang glass.

He knows me really well. He's always there for me ever since we were stills kids. I wonder kung may babae na bang nagpapatibok sa puso niya gayung trabaho at ang mga bata lang ang inaatupag niya.

Siya ang naging sandigan ko nung mga panahong halos sumuko na ako. Hindi niya ako iniwan. My children found a father from him pero hindi ko maiwasang hindi maguilty. Palaging kami nalangang iniisip niya na halos hindi na niya naiisip ang sarili niya.

"Wala naman akong problema. I just can't sleep." Sagot ko.

"Magkalapit na ang mundo niyo. Nasa Pilipinas ka na. Hindi kaba natatakot na makita si Marcus?" He asked.

Natigilan naman ako sa tanong niya. I was caught off guard. Hindi ko parin talaga maipagkaila na nasasaktan ako. Para sa mga anak ko. Hindi nila nakilala ang tatay nila at nasisigurado kong masaya na ngayon si Marcus.

Maybe he has a child already. He's married and he's happy, I think.

"Matagal na iyon Tripp. Kinalimutan ko na iyon at kung magkita man kami I don't mind. Ang pinag-aalala ko lang naman talaga ay kung magkita sila ng mga anak ko." Bumuntong hininga ako.

"Right. The kids look like him, halos walang nagmana sayo. And your children are smart Gab, hindi magtatagal ay  magtatanong sila about their worthless father." He scoffed. Naiintindihan ko kung saan nanggaling ang galit ni Tripp. Nandun siya nung mga panahong lugmok ako at alam kung kitang kita niya kung paano ako nahirapan.

"I'll answer them the mature way Tripp. Ayokong magsinungaling sa kanila at naghahanda narin ako kung paano ko ii-explain ang lahat ng nangyari." Sagot ko at tumayo na. Kailangan ko ng magbihis para makatulog na.

"Dito kana matulog." Dagdag ko pa at dumeritso na ako sa kwarto ko. Magkatapos kung magbihis ay humiga na kagad ako. I cleared my mind dahil mas lalo lang akong hindi makakatulog kapag inisip ko pa ulit si Marcus at ang pagpapakita niya sa akin kanina.

"Mommy..." Umungol ako ng may naramdamang dumagan sa katawan ko.

"Shara! Stop that. Mommy's tired!" I heard a whisper. I smiled.

"She's already awake! See? She's smiling!" Minulat ko ang mga mata ko. Unti-unting naaninag ang mga mukha ng dalawang anghel na nakadagan sa akin.

"Good morning mommy." Si Scott at hinalikan ako. I giggled at the touch of his lips to mine.

"Morning babies." I uttered.

"Mommy morning!" Shara giggled at hinalikan din ako. Natawa ko sa kiliting dulot nun sa kin.

Tumingin ako sa orasan sa gilid ng aking kama. It's six in the morning!

"Why are you up early babies?" Tanong ko habang paupo. Nakaluhod si Shara at nakatingin sakin habang si Scott naman ay tumabi sakin.

"You said we're going out today! Mommy I'm excited! Are we going to mall? Or arcade?!" She exclaimed. Oh! Nakalimutan ko. Nangako pala ako sa kanilang lalabas kami pagdating dito sa Pilipinas. Naudlot lang dahil naging busy ako sa paghahanda sa opening.

Forbidden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon