Kabanata 3

1.4K 14 0
                                    

Kabanata 3

Mrs. Montero

"Bruhilda ka! Kung hindi ko pa napanood sa TV yung interview mo hindi ko malalamang nasa Pilipinas ka pala?!" Napapikit ako at napatakip ng tenga ko.

Kakapasok ko palang ng restaurant at ganito na agad ang bumungad sa kin. Bethany, my best friend sitting inside my office and yelling things to me. Hindi kasi ako nakapagpaalam na uuwi ako at ang huling pag-uusap namin ay tatlong buwan na ang nakakaraan.

"I'm sorry, okay?" I sighed. Napangiti ako ng biglaan niya akong niyakap. My sweet best friend.

"Nakakairita ka talaga! Alam mong hindi ko magawang magalit sayo ng matagal!" Sabi niya sa nagtatampong boses. Bethany Kate Castines my partner in crime. She's wearing a maroon polo shirt tucked in a white boyfriend jeans and a 3 inch stiletto.

"Sorry na, okay? Masyado lang akong naging abala. Alam mo namang may mga anak pa akong aalalahanin." Sabi ko. Umupo naman siya sa katabing upuan ko at pinatong ang kanyang bag sa aking desk.

"Kahit na! Hindi mo man lang ako minessage! At ang mga inaanak ko 'di ko nakikita!" Sumimangot pa siya.

Bethany is my friend noong naghighschool ako hanggang sa magtrabaho kami sa kompanyang pagmamay-ari ni Marcus. Isa siya sa mga maiituturing kong tunay sa lahat ng mga kaibigan ko. Silang dalawa ni Tripp ang naging kasangga ko. Kahit kailan hindi nila ako hinusgahan. Sinuportahan nila ako kahit lugmok ako. Even if I'm lost.

Three months ago ang huling pagkikita namin kaya alam na alam kong miss na miss na niya ang mga anak ko. Nag-iisang ninang nila.

Bumuntong hininga ako. My talktative bestfriend never change.

"I'm sorry talaga Beth. Promise babawi ako! Gusto mong magover night sa condo namin?" Sabi ko. Ngumiti siya ng sobrang lawak.

"Talaga?"

"Oo, pambawi dahil sa hindi ko pagsabi sayo tungkol sa pagbalik ko. Miss ka narin ng mga bata. Pati narin si Tripp." Sabi ko. Tiningnan ko siya ng nakakaloko. Nawala ang kanyang mga ngiti ng banggitin ko ang pangalan ng kanyang pinakamamahal.

"Hay naku! Ang saya saya ko na sana! Ba't binaggit mo pa ang pangalan ng walang kwentang lalaking yun?!" Tumawa lamang ako.

Matagal na rin simula ng umamin siyang may gusto siya kay Tripp ngunit dahil manhid rin ang isang yun! Hindi niya sineryoso ang sinabi ni Bethany. Ewan ko kung ano na ang ganap sa kanilang dalawa. Mukha silang okay kapag kasama ang mga bata pero parang hindi magkakakilala kung silang dalawa nalang.

"So, halika na punta na tayo sa condo mo. Kagagaling ko lang ng meeting ko kaya hindi ako ready. Pahiram nalang damit. Miss na miss ko na talaga ang mga batang yun!" Talak niya.

Tiningnan ko ang desk ko. Kakapasok ko lang dito sa office ko tapos aalis agad ako?! Marami pa akong gawin since one week na simula noong buksan ko ang restaurant. Kailangan ko pang mag-inventory.

"Mauna ka nalang Beth. Nandun naman si Nanang Rose kaya hindi ka mahihirapan sa mga bata. Marami pa akong gagawin dito sa office ko pero sigura mamayang lunch sa condo ako didiretso." Sabi ko. Tumango siya at tumayo.

"Okay, dala ko naman ang kotse ko. Ibigay mo nalang sakin yung address ng condo mo. Bibili narin ako ng pagkain para sa mga bata." Aniya at lumapit sakin. Nagbeso siya sa akin.

I shrugged. She's going to buy sweets again! Yun kasi ang kadalasang dinadala niya sa tuwing bumibisita siya sa amin sa New York. Sino-spoil niya masyado ang mga bata.

"Please not too much sweets for them." I said.

"I can't promise." She giggled kaya sumimangot ako. "Okay, okay not too much." Ngumiti siya at nagsimula ng maglakad palabas.

Forbidden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon