Kabanata 22

632 10 0
                                    

Kabanata 22

Hell No

Three months after we moved at Marcus' house, I still had no sign of him planning to marry me. That was fine for me. I mean I'm trying to tell my self that it was fine for me. After all, the important thing right now was us.

I was arranging his polos and slacks inside the walk-in closet. Mga bagong plantsa ko ang mga ito. Nilagay ko sa mga hanger at isinabit na. Abala ako ginagawa ko dahil matapos isabit ang mga naplantsa kong polo at slacks ay inayos ko naman ng tupi ang mga t-shirts at khaki shorts niya. Nakita ko kasing parang nagusot iyon. Baka nagmamadali lang na kumuha si Marcus ng susuotin kaya nagkaganoon.

"Naku..." Nasambit ko ng biglaang may kung anong nahulog sa sahig matapos kong hilahin ang isang t-shirt.

"Ano 'to?" Tanong ko na para bang may sasagot sa akin, e mag-isa lang naman ako roon.

Pinulot ko ang isang maliit na kahon. Ito yung nahulog kanina. Kulay asul ito na may sky blue na ribbon na nakapalibot sa katawan.

Kumurap ako ng ilang beses ng mayroon akong na-realize.

"Imposible..."

Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang kahon na iyon. Nagdedebate ang puso't isip ko kung bubuksan ko ba iyon o ibabalik nalang kung saan ito nakalagay kanina.

Sa huli, natalo ng puso ko ang isipan ko. Marahan kong inalis ang buhol ng ribbon sa kahon. Nagdadalawang-isip parin talaga ako pero mas nanaig ang pag-asa sa akin.

Ito na ba 'yun?

Nang tuluyan ko na itong mabuksan ay marahan kung ipinikit ang mga mata ko. Natatakot ako na baka iba ang laman at ang lumilipad na pag-asa ko ay biglang mawalan ng pakpak at bumagsak lang.

"Isa,dalawa...tatlo," I counted while inhaling deeply before opening my eyes.

Nanlalaki ang mga matang hinanap ng kamay ko ang labi ko para pigilan ang kung anong tili maaaring pakawalan dahil sa sobrang gulat.

Mabilis pa sa alas-kuwatro kong sinara ang kahon, binuhol ang ribbon at ibinalik sa loob ng t-shirt ni Marcus. Matinding kalabog ng puso ko ang naririnig.

Nahahapo kong pinatay ang ilaw ng walk-in closet at mabilis na lumabas. Wala ang mga bata ngayon dahil may pasok sa school. Si Marcus naman ay nasa opisina at ako lang ang narito sa bahay maliban sa mga katulong at security guards.

"Beth..." I uttered upon she received my call.

"O, bakit, Gab?"

"Busy ka ba?" I asked. My hold on my phone tightened.

"No."

"Magkita tayo ngayon, please. Pupunta ako sa restaurant ko. Mag-usap tayo sa opisina ko. I needed to tell you something," I said fastly. Nanginginig ang mga kamay kong hinanap ang susi ng sasakyan ko mula sa drawer.

"Okay. Five minutes," she said. I nodded and ended the call.

Mabilis akong tumakbo ng hagdanan at lumabas sa bahay. Nakita ko pa ang pagtataka sa mukha ng mga katulong na nakakita sa akin. Pinatunog ko ang sasakyan ko at pinaharurot ito.

Hindi ako pwedeng magkamali. Heirloom ring iyong nakita kong lamanng box! It was a silver ring with small diamonds sorrounding it. May naka-ukit pang apelyido sa looban nito.

Montero

'Yun ang naka-ukit. Shit! Nanginig pa ng labis ang mga kamay ko habang palapit ako sa restaurant. I needed someone to talk about these. Bethany, for instance.

Nang makarating ako sa restaurant ay kaagad kong tinungo ang opisina ko. Two months ago, I hired a new manager na papalit sa akin. Nahirapan kasi ako lalo na't ako na ang may-ari ako pa ang nagma-manage. Gulat man sa presensya ko ay hindi na nag-abala pang magtanong ang mga empleyado ko kung bakit ako nagmamadaling pumasok sa office. All they did was to greet me and let me pass.

Forbidden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon