Kabanata 11
Start a new
Tila para akong nabingi sa sinabi niya. Nahinto ako sa paglalakad at parang naging estatwa. Ang malakas na pagkalabog ang dibdib ko ang siyang tanging tunog na naririnig. Maski ang paghinga ko'y parang nahinto narin.
What?
Did he just said he wanted me back? Diba kasal siya? Diba may anak siya? Anong kagaguhan na naman itong pinagsasabi niya!?
Ilang minuto siguro ang lumipas bago ako tuluyang nakabawi. It shocked me to the core! Ang lalaking 'to! Matapos akong itanggi ay babalikan ako?! Oh stupid him! So stupid that I wanted to slap him until I feel contented.
"Ano?" Bulong kong tugon. I faced him with all the rage I feel.
"I want you—" Mabilis ang lakad ko papunta sa kanya. Lumapit ako dahilan ng paghinto niya sa pagsasalita.
Nanatili akong tahimik kahit na magkaharap lang kami. Kumuyom ang kamo ko kasabay ng aking panga. Hindi ko alam kung bakit sa bawat pagsambit niya na gusto niya ako bumalik sa kanya ay naiinis ako. Maybe because I think I wanted it too... I wanted to go back to him—too. And it's not healthy, I know. Masyado akong marupok at hindi ko hahayaang mangibabaw ang karupukan ko ngayon.
Isa pa...kahit anong sabihin niya, kasal parin siya—may anak parin sila ni Kassandra.
Tinitigan ko siya ng mabuti. Mata sa mata. Pero bigla akong nagsisi sa ginawa. Hindi ko alam kung bakit pero wala akong ibang nakikita sa mga mata niya kundi ang determinasyon at pag-asa. Like what he had said were what he wanted to happen. Like it was not forbidden for us to do so. I hate how I am feeling right now. Dumaan man ang maraming panahon, alam kong hindi nawawala ang pagmamahal ko sa kanya. Saktan man niya ako ng paulit-ulit. Mahal ko parin siya.
"I wanted you back, Gab. I wanted to start a new with you and with the kids." He said almost a whisper. Hindi niya ako matignan na diretso. Para bang napapaso siya sa tuwing magtatagpo ang mga mata namin.
I stepped a little closer. Now our distance were five inches away. Alam kong namumula na ang mga mata ko ngayon. Galit ako na niiinis na hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.
"Naririnig mo ba yang mga sinasabi mo?!" I blurted out.
Tinulak ko siya gamit ang dalawa kong mga palad. Malaki ang kanyang pangangatawan ngunit napaatras siya dahil sa ginawa ko. Masyado narin ata siyang nanghihina pero ako, gusto ko pa siyang sigawan at sampalin. Gusto ko siyang saktan dahil sa kabila ng lahat ng sakit na dinulot niya sa akin ay mahal na mahal ko parin siya.
"May asawa kana, Marcus! May anak pa! Ano? Balak mo kaming gawing pangalawang pamilya mo, ha?!" Sigaw ko ulit. Masyado na akong namumuro sa kakasigaw ko pero wala, e. Ito lang ang tanging paraan na alam ko para mabawasan man lang kahit konti ang lahat ng sakit.
Tinignan niya ako gamit ang nalilitong ekspresyon. Wow! Kailan pa siya natutong magdrama ng ganito. Papasa na siya sa pagiging aktor dahil nakakakumbinsi siya! Nagmamaang-maangan pa! Ang sarap talagang kutusan ng lalaking 'to.
"Nagkakamali ka, Gab. Hindi ako kasal—" lumagapak agad ang mga palad ko sa mukha niya.
"Sinungaling!" Dinuro ko ang pagmumukha niya. "Hinding-hindi mo ako malolokong hayop ka! Malinaw na malinaw pa sa pandinig ko yung mga sinabi mo sa akin. Marcus, sinabi kong buntis ako sayo dati pero hindi mo ako pinaniwalaan. You continued the wedding!" Dagdag ko pa.
"N-nagkakamali ka, Gab. Maniwala ka..." Dinilat niya ang mata niyang napapikit dahil sa sampal ko.
Hindi ko na hinayaan na makapagsalita pa siya kahit isang salita. Mabilis akong pumihit patalikod sa kanya. Tumakbo ako—takot na baka mahinto na naman ako kapag may sinabi na naman siya.
Narinig kong tinawag niya pa ang pangalan ko. Hindi ko siya nilingon. Bumuhos ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Huminto ako ng nasa pintuan na ako ng sasakyan ko. Mula sa labas ay nakikita kong nagkakatuwaan ang nga bata sa loob. Shit! Patuloy parin sa pagtulo ang mga luha. Hindi ba ito nauubos? Anong irarason ko sa mga bata kapag pumasok ako ng namamaga ang mga mata?!
Pinakalma ko muna ang sarili ko bago umambang buksan ang sasakyan ng may mga kamay na pumigil sa akin. Mahigpit na hawak sa aking palapulsuhan ang nagpatigil sa akin. Hindi ko man nakikita ang mukha niya ay alam kong si Marcus iyon.
"Ano pa bang kailangan mo!" Sigaw ko.
"Gab, makinig ka. Hindi ako kasal at... At ang sina Shara at Scott lang ang mga anak ko. W-wala kong anak kah K-kassandra." Bumaling ako sa kanya. Namumungay ang mga mata niya. Namumula din ito at may mga namumuong luha.
"Sinungaling—"
"Mommy?" Natigil ako ambang pagsigaw. Mula sa bintana ng sasakyan, nakasilip na ngayon ang mga ulo ng mga bata.
"Oh, it's you!" Si Scott at masiglang itinuro si Marcus. Shit!
"Oh, hi! Little boy!" Mula sa namumugay na mata ay sumigla ang mga mata ni Marcus. Nanatili paring nakahawak si Marcus sa aking pulso.
Pinilit kong pigilan ang mga luha ko. I showed a perfect fake smile to them. Ayokong idamay ang mga bata sa issue ng buhay ko.
"Mommy, why were you shouting?" Tanong ni Shara. She's looking at me worriedly. I widened my fake smile to show that I'm okay.
"No, nothing baby." Dahil hawak ni Marcus ang kanang pulso ko ay ginamit ko ang kaliwang kamay para haplusin ang mukha ni Shara. Ngumiti naman silang dalawa bago ibinaling ang paningin kay Marcus.
"How are you?" Si Scott.
"I'm fine, little boy." Ngumiti si Marcus. Shit! They seemed like they know each other. Malaki na ang duda ko na si Marcus ang misteryosong lalaking kasama ni Scott noon sa ice cream parlor but... But seeing them talking like this gave me... much... hope.
Dahan-dahang binitawan ni Marcus ang kamay ko. Napatingin ako roon. Hindi ko alam kung bakit parang hindi ko gusto na binitawan niya ang kamay ko.
Pinilig ko ang ulo ko at tuluyang binuksan ang pintuan ng kotse. Ramdam ko ang titig ni Marcus sa akin.
"Have you been caring for your sister?" Tanong ni Marcus kay Scott. Nakapasok na ako sa driver's seat ngunit bukas parin ang pintuan ng nasa passenger's seat kung saan ang mga bata.
"Yes." Simpleng tugon naman ni Scott.
"Good." Ngumiti si Marcus. Hinawakan niya ang pisngi ng mga bata. Gusto kong umalma pero... di ko magawa. "I'll see you again, bye." The kids smiled at him. Sinipat niya pa ako ng tingin bago niya isinarado ang pintuan.
Unti-unti kong binuhay ang makina ng sasakyan at nagsimula ng mag-drive.
I knew it! Kaya ayaw kong maging sobrang saya dahil katulad nito—bumabalik ito, sobrang sakit. Sobrang lungkot at pagkamangha ang nararamdaman ko. Lungkot dahil sa dami ng realisasiyon ko sa araw na ito at pagkamangha. I'm still amazed how Marcus could tell me how he wanted me back. Nakakamanghang nakaya niyang itanggi na hindi siya kasal at hindi niya anak si Drew. Talent niya talaga ata ang pagtanggi.
In three days, birthday na nila. They're turning four and I guess... It's the right time to start a new. Mabubuhay na silang walang pagkukulang na nararamdaman. Makikilala na nila ang... ama nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/184374203-288-k759779.jpg)
BINABASA MO ANG
Forbidden (COMPLETED)
Roman d'amourShe was just twenty-three when she got pregnant. Gab Andrea Dela Calzada didn't know what to do. Ang tatay ng magiging anak niya ay nakatakda ng ipakasal sa iba. She was accused of being a cheater by the man he loved the most. Four years had passed...