Kabanata 16

832 13 0
                                    

Kabanata 16

Start

Just like what I always say to myself. Happiness is what a person needed to have. Aanhin mo ang career mo kung hindi ka masaya? Para saan pa't marami kang pera kung hindi ka naman masaya?

The answer to everything is happiness. Yun lang. I opened my eyes when I felt the room lit up because of the rising sun. Nasa kalagitnaan ako ng pagtulog at paggising ng may naramdaman akong malambot na bagay na dumapo sa aking noo.

"Good morning..." Iminulat ko ng husto ang aking mga mata.

Marcus in his so handsome morning look is staring at me intensely. Bigla naman akong nakaramdam ng hiya. Tinabunan ko ng comforter ang aking mukha. I checked if may muta ba ako. Ng masiguro kong wala na ay inalis ko ang kumot na nakatabon sa mukha ko.

"Good morning." I said in a small tone.

I still clearly remember what happened last night. Naliwanagan ako ng kaonti sa kung anong nangyayari sa aming dalawa. We were crying then the next thing I remembered, we ended up kissing. Nakatulog kami sa kama ko.

"How's your sleep?" Tanong niya.

"Fine. Yours?" I asked back.

"The best sleep I had." He smiled. Muli ay hinalikan niya ang aking noo. This feels right. Kumalabog ang puso ko na parang tambol. Sa sobrang tagal na ng huli kong naramdaman ang bagay na ito ay tila naninibago ako. Naninibago ako sa lahat. Hindi ko alam kung bakit nagawa kong pagkaitan ng ganitong kasayahan ang  sarili. Kung hindi siguro ako naging duwag.

Dahan-dahan akong bumangon. Sinundan niya ng tingin ang  bawat galaw ko. Pinasadahan ko ang buhok ko at nakaramdam ng hiya dahil alam kong magulo ang ayos ng buhok ko.

Nilingon ko ang orasan malapit sa kama ko. Five forty-five na ng umaga. Tuluyan na akong tumayo sa kama. Kailangan ko pang magluto ng almusal. Hinanda ko rin ang sarili sa mga katanungan na malamang ay itatanong ng mga anak ko.

"Gawa lang akong breakfast." Paalam ko sa kanya. Tumango siya at bumangon na rin.

"Tutulungan na kita." Sabi niya. Nabaling ang paningin ko sa kanyang katawan. Suot niya parin naman ang suot niya kagabi pero hindi ko alam kung bakit napapalunok ako sa simpleng pagpasada lang ng paningin ko mula sa kanyang mukga pababa sa kanyang katawan.

"Sige..." Tanging nasabi ko. Tumango naman siya.

Nauna akong lumabas sa kwarto at tumungo sa kusina. Malaki ang kusina ko kasi medyo malikot ang mga bata kaya kailangan ko ng mas malakings space. Nilingon ko siya na tahimik na nakasunod sa akin. Totoong malaki ang kusina pero with him, parang lumiit ito tingnan.

"Ahhh.. Mag-sasaing lang ako. Anong gusto mong almusal?" Naiilang kong tanong sa kanya.

"Anything's fine." He said.

Tumango lang ako at nagsimula ng magluto. Habang nagsasaing ako sa rice cooker ay nagprito naman ako ng bacon, hotdog at itlog. Masyado naman akong na-willy sa pagluluto kaya hindi ko na siya masyadong na-alala. There is really something about cooking that I like. That...I love. Saka ko lang napansin ang titig  niya ng inilapag ko na lahat ng niluto ko.

"Coffee?" He offered. I smiled then nodded. He made our coffee when I remembered my children.

"Scott and Shara love hot chocolate. Kung okay lang sayo...ikaw na ang gumawa para sa kanila?" I smiled. I pretended to be busy at the sink kahit na wala naman akong magawa.

"O-okay," sagot niya naman.

I smiled widely. Little things like this makes me really happy. If feels like step-by-step, things are falling into place.

It was six thirty when we heard a little thug from the children's room. Sabay pa kaming napalingon roon. Sumilay naman ang ulo ng mga bata.

"Daddy?" Shara asked, her eyes wide.

"I thought it was a dream!" Scott exclaimed. They both looked at Marcus and I. I could see confusion and disbelief in their eyes.

I chuckled. Marcus chuckled too. Para naman naestatwa ang mga bata at hindi nagawang nakalapit sa amin.

"Daddy?" Tinuro ni Scott si Marcus. I looked at Marcus. He nodded. He looked so happy as he watched our children walking towards him.

"Is it really true?" Si Shara na hanggang ngayon ay hindi parin makapaniwala. Marcus nodded again.

They walked slowly. Still looking at Marcus. Kinukusot-kusot pa nilang dalawa ang mga mata nila. Shara is wearing her night dress. Her slightly curly hair were a mess. Si Scott naman ay nakapantulog na pajama at t-shirt. Magulo rin ang buhok niya. And they're so cute.

"I uhh.. made your hot choco." Marcus offered to them. Sabay silang tumango.

"Morning babies." I greeted them. Saka lang nila ako napansin ng nagsalita ako. Masyado ata silang mangha na nandito ang daddy nila.

"Morning, mommy." Anila at gaya ng palagi nilang ginagawa ay hinalikan nila ako sa labi. I always chuckle when they do that. Unang humalik si Shara tapos si Scott.

"Give your daddy a morning kiss too." I said to them. With hesitations, they walked to their father.

"Good morning, daddy." Naunang bumati si Scott. Lumapit siya kay Marcus. Hindi na hinintay ni Marcus na makalapit pa ng husto si Scott, sinikop niya sa Scott at niyakap.

"Morning, Scott." Mahina niyang tugon. Nakakunot ang noo niya at mariing nakapikit ang mga mata. Mahigpit ang yakap niya kay Scott pero alam kung maingat na yakap yun.

"Daddy..." Suminghap ako sa hikbing narinig kay Scott. "Daddy... I was scared that it was just a dream... I... I thought..." He cried.

"Hush now, baby." Ani Marcus at inangat ang anak para magkatinginan sila.

"Please don't leave us again, daddy." Si Scott habang pinupunasan ang kanyang mata.

"I won't, baby. Never again." Muli ay niyakap niya si Scott. Nakita kong tumango si Scott habang nakahilig siya sa dibdib ng tatay niya.

"Mommy? You're crying." Hinila ni Shara ang damit ko. Wala sa isip na hinawakan ko ang basa kong pisngi. I'm crying.

"Ahh... Aren't you going to greet your daddy, too?" Tumingin ako sa kanya.

"I want to but kuya Scott is crying." She said. Her expression is confused.

"Go to him, baby." Sabi ko.

Tumango siya at agad na tinungo ang dalawa na nagyayakapan parin. Nabaling ang tingin ni Marcus kay Shara. "Come here, Shara."

Kumawala sa yakap si Scott. Umalis siya sa kandungan ni Marcus. Pinupunasan niya ang kanyang luhang inalalayan si Shara papunta sa daddy nila. Bago makalapit ng husto si Shara ay niyakap muna siya ni Scott at may kung anong binulong.

Gaya ng nangyari sa kanila ni Scott ay napuno rin ng iyakan ang pagbati lang ng good morning nila ni Shara. Ng maka-recover kami sa drama ay nagsimula na silang kumain. From being shy, it seemed like my childreb were already comfortable with Marcus around. Naging madaldal na silang dalawa.

Sa isang lamesa, apat kaming naka-upo. Habang nagk-kwentuhan silang tatlo ay tahimik lang ako. Nangingiti sa tuwing may nakakatawang silang pinag-uusapan.

"Can we, mommy?" Nawala ako sa pag-iisip ng tanungin ako ni Shara.

Nilingon ko si Marcus. Asking him kung anong pinag-uusapan nila.

"They wanted to go to the park later. Ito-tour raw nila ako." He answered na para bang naintindihan ang tingin ko.

"Yes." I answered. "Why not?"

"YES!" sabay pa silang dalawa ni Shara at Scott. That made us chuckle. Nagkatinginan kaming dalawa.

"I'm so happy." He whispered. Napangiti ako.

"Me, too." I told him. Well I guess, this is the real start.

****

Thank you po ryllkimm for the new cover!😘 Hope po that you'll continue to support hanggang sa matapos ko ang story na ito(hopefully)😍💜

Forbidden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon