Kabanata 10

1K 10 0
                                    

Kabanata 10

I want you back

"How about we hire a clown?" Bethany said. Tumango lang ako. Nasa opisina ulit ako ngayon. Boss duties. Kanina pang alas otso dumating si Bethany dito sa opisina ko at halos matapos niya na ang pagp-plano para sa birthday ng mga bata. She already finalized the menus, the invitations, the program, etc. Mabilis talaga ang utak niya pagdating sa mga ganitong bagay. Ako naman ay tumitingin tingin sa aking schedule para sa susunod na linggo. It turned out na ang birthday celebration lang pala ng mga bata at ni Marcus ang nakatala sa schedule ko sa linggong iyon.

Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng office ko. Kakalinis ko lang nito kanina. Wala kasi akong ginagawa kanina kundi ang tumango ng tumango sa kung anong pinagsasabi ni Bethany.

"And of course! Dapat mag-costume tayo like princes and princesses! Wahh I'm so excited!" Patuloy pa ani Bethany.

"Okay okay, kahit anong gusto mo." Sinabi ko nalang para matahimik siya.

It was another exhausting day. Wala man akong masyadong ginawa pero napagod parin ako. Sa dami ba naman ng iniisip ko. Una, birthday ni Marcus. Pangalawa, birthday party ng mga bata (na si Bethany ang nagplano). Huli, ay ang natuklasan ko. Bethany's a Montero. Kapatid siya ni Marcus sa ama at hindi ko man gustong isipin ay natatakot ako. Bethany's my best friend at inaanak niya ang mga anak ko. Kapatid siya ni Marcus. Nagkakalapit na ang mundo ni Marcus at ng mga bata.

Napasinghap ako sa mga naiisip ko. Pero...

Paano kung dumating ang panahon na maging mas malapit sina Marcus at ng mga anak ko? Anong gagawin ko?

"Mommy!" Nabalik ako sa tamang muwang marinig ang boses ni Shara. Nasa labas ako ng classroom nila. Matapos kasi ng mga ginawa ko kanina sa office ay dumeritso ako dito para sunduin sila. Ginagawa ko ito kapag hindi ako masyadong busy. Si Bethany naman ay umalis na pagtakatapos niyang lano. She said my family dinner siyang pupuntahan.

"Babies!" I exclaimed. Patakbong lumapit si Shara sakin at niyakap ako. Nakasunod sa kanya si Scott na dala-dala ang bag nilang dalawa. He was smiling.

"Mommy." Ano Scott at lumapit sa amin.

"Bakit mo dala ang bag ni Shara?" I asked him. Humiwalay naman sa yakap si Shara at tumingin sa akin ng may malawak na ngiti sa labi.

"Kuya insisted to carry my bag, mommy. I told him not because I could do it but he grabbed my bag." Pagsusumbong ni Shara. She wasn't mad, she's enjoying it! Talagang maalaga si Scott sa kakambal niya.

"I don't want her to be tired." Pasimpleng sagot ni Scott. He was just looking so cool when he said that. Wait? When did he grew up like this?

Naantig ang puso ko kaya hinila ko silang dalawa at kinulong sa aking bisig. Niyakap din nila ako pabalik.

"Let's go." I said after minutes of hugging each other. Tumango naman silang dalawa. Sabay kaming naglakad papuntang parking lot. Shara's holding my right hand. Si Scott naman ay nasa kaliwang gilid ko. Hindi siya nakahawak sa kamay ko dahil dalawa ang bag na dala niya. It wasn't that heavy but I told him na ako na ang magdala but as hardheaded as he was he didn't gave me the bags. Ngumiti na lamang ako.

Nang nakarating kami sa kotse ko ay kaagad ko iyong pinatunog. I was about to open my car door when I noticed a man's physic standing not far from us. Kumunot ang noo ko.

"Babies?"

"Yes, mommy." Si Shara. Tumingin lang si Scott sa akin.

"Pumasok na kayo sa loob. I'll just talk to someone." Sabi ko. Sabay silang tumayo. "And there's a sour patch inside, you can eat it but not too much, okay?"

"Okay, mommy." Si Scott naman ngayon ang sumagot. I smiled. I gave them kisses on their forehead before I let them enter the car. Sinarado ko agad ang pintuan ng makapasok sila.

I sighed before turning to the man I was talking about....Marcus.

I know he's here for us. Kanina ko pa kasi siya napapansin pero binalewala ko lang. Akala ko susunduin niya si Drew pero ng dumating ako kanina, kinausap ako ng teacher ng mga bata. She said that Drew transferred to other school kaya nagtaka ako kung bakit siya nandito.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Hindi man lang siya gumalaw hanggang sa halos ilang dangkal nalang ang layo ko sa kanya.

"What do you want?" Yun agad ang bungad ko sa kanya. I saw his adam's apple moved into a big gulp. It seems like he wanted to say something but was forbidding himself to do so.

He's wearing a navy blue branded tee and black maong ba pantalon. He looked taller than before and more manly. Hindi mapagkakaila na sa loob ng apat na taong hindi kami nagkita ay mas gumwapo siya. He changed a lot.

"I... I know I've done many mistakes to you. I know I've hurt you. Pinagsisisihan ko na ang lahat ng iyon. I know it was...it was all my fault." He loss his cool after saying that. Kung kanina ay straight ang kanyang tayo, ngayon nakayuko na siya. It gave me much access to see his perfectly carved nose and his eyelashes that were so curly. Binasa niya ang kanyang mapupulang labi na nagpalunok sa akin. Those were the things that made me fell for him.

Napakurap ako ng ilang beses. Malinaw kong narinig ang lahat ng sinabi niya pero parang wala akong maintindihan.

He's telling it was his fault!

"Wait... What are you trying to say?" I raised my brows at him.

"I'm saying it was my fault. Kung pinakinggan sana kita noon, kung hinayaan kitang mag-explain, hindi sana nalayo sakin ang mga anak ko. Hindi ka sana nawala sakin." Marahang niyang inangat ang nakayuko niyang ulo. I was still processing everything that I've heard.

"I know it is too late but I'm really sorry. I was so immature back then. Nagpadala ako sa galit ko pero Gab, maniwala ka...mahal kita." He continued and whispered the last two words.

I was so shocked. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ito naba ang kinakatakutan ko? Is he telling me this dahil gusto niyang kunin sakin ang mga anak ko?

Isang malakas na sampal ang ginawad ko sa kanya. Kulang pa iyon sa lahat ng mga paghihirap na dinanas ko dahil sa pagtanggi niya sa akin at sa mga anak ko.

I was trembling not because of fear but because of too much anger. Kumuyom ang kamay ko.

I looked at him. He's not even shocked that I slapped him. Nakaharap lang sa kaliwang direksyon ang mukha niya. Hindi siya nakagalaw dahil sa lakas ng sampal na ginawad ko sa kanya.

"Ang kapal kapal ng mukha mo para humingi ng tawad sa akin!" I bursted out. Mabuti nalang at wala ng gaanong tao sa palagid. I could freely express my feelings. Those feelings were hatred, agony and pain.

"Ano, ha?! Akala mo ganun lang kadali ang lahat? Na sorry lang, okay na ako?"

"N-no.." Tumingin siya sa akin.

"Then what?!" Wala akong pakialam kung mamaos ako sa kakasigaw dito. Gusto ko lang iparamdam sa kanya kung gaano ako kagalit. Kung gaano ako nasaktan.

"I-im sorry..." Again?! Puro nalang sorry sorry hindi ko naman maramdaman! I hate him! I hate every inches of him!

Nagbalak na tumulo ang mga luha ko pero hindi ko hinayaang pangunahan ako ng emosyon ko. This wasn't the right time.

"Walang patutunguhan ang pag-uusap na 'to." I said. Pumihit ako para bumalik sa mga anak ko. Tinalikuran ko siya at nagsimulang maglakad. Alam kong hindi ito ang huling pagkakataon na mag-uusap kami pero I hope this would be the last time na mags-sorry siya. Seriously? An apology wasn't enough to heal me. It wasn't enough to make me feel better.

"I want you back, Gab. I want you...back." Nahinto ako sa paglalakad. Wait, what?

Forbidden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon