Kabanata 12

970 12 0
                                    

Kabanata 12

Liar

"You know what? Hindi naman sa kumakampi ako kay kuya pero, Gab. Hindi nga talaga sila kasal ni Kassandra." Bumuntong hininga ako sa sinabi ni Bethany.

Isinandal ko ang ulo ko sa sofa at tinakpan ng unan ang mukha ko. I feel so frustrated. Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko. Kung hindi nga sila kasal ni Kassandra, bakit Montero ang apilyedo nito? Kung hindi niya anak si Drew, bakit siya ang pumunta noong nag-away sina Scott?

"Hindi ko na alam ang dapat paniwalaan, Beth." Patuloy parin ako sa pagtakip ng mukha ko.

Matapos ng nangyaring komprontasyon kahapon ay nagulo na ng tuluyan ang pag-iisip ko. Hindi narin naman nagsalita pa ang mga bata tungkol kay Marcus noong makauwi kami pero parang hindi ako mapanatag.

"Anak ni Kassandra si Drew pero hindi ni kuya. I'm not telling this kasi kapatid ko si Marcus pero totoo, Gab, ang lahat ng sinabi ni kuya." Umupo siya sa tabi ko. Kakabalik ko lang galing sa paghatid sa mga bata sa school. Tinawagan ko si Bethany dahil gusto kong magpasama sa kanya. Ngayon kasi kami bibisita sa venue ng birthday ni Marcus. Bukas na iyon at ngayon namin ipa-finalize ang lahat.

Hindi ko kayang mag-isa lang akong pumunta. Malamang nandun si Kassandra at kung ano pa ang matanong ko. Knowing myself baka lapitan ko lang si Kassandra at tanunging, "Uyy, hi! Hindi ba talaga kayo kasal ni Marcus? Hindi niya anak si Drew?" Ipinilig ko nalang ang ulo ko sa lahat ng iniisip Shit! Mababaliw na ata ako.

"Bakit Montero ang apilyedo ni Kassandra, aber?" Inalis ko ang unan na nakatakip sa mukha ko. "Alangan namang si Mikael ang pinakasalan nun." Dagdag ko pa, tinutukoy ang kambal ni Marcus na—shit! Nanlaki ang  mga mata ko. Napatingin ako kay Bethany na malaki ang ngisi sa akin.

"Uh-uh." Si Bethany na tumango-tango pa.

"P-pero pap-paanong? Pinagloloko mo ba ako Bethany?!" I looked at her accusingly. Alam kong malaki ang posibilidad na si Mikael nga pinakasalan ni Kassandra pero alam ko, tinuloy ni Marcus yung kasal nila!

"Kahapon ko lang din naman nalaman, sinabi sakin lahat ni Kuya Marcus." Sabi niya. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "May nangyari nung araw ng kasal nila. Pero di ko sasabihin sayo, Gab. It's not my story to tell." Aniya at kumalas sa yakap.

Wala akong maintindihan sa lahat ng nangyayari. Hanggang sa makarating kami sa venue ay lutang parin ako.

"Ayos kalang ba, Gab?" Tanong ni Bethany. Lutang man at walang maintindihan ay tumango lang ako.

Papasok na kasi kami ngayon sa pagdadarausan ng birthday ni Marcus. Isa ito sa pinakasikat na hotel dito sa Pilipinas at masasabi kong mga VVIP lang talaga ang mga nakakapunta rito. Hindi din naman lingid sa kaalaman ko ang tagumpay na nakamit bi Marcus. Isa siya sa mga pinakabata at pinaka-successful na business man sa Pilipinas. Maging sa ibang bansa ay kilala rin siya. He's just turning thirty tomorrow but he already owned big businesses and chains of hotels na talaga naman kilalang-kilala sa mundo ng business.

"Hindi lang pala birthday ni Marcus ito." Bulong ko sa sarili ko. Kung nandito si Mikael—na kakambal niya ay birthday nilang dalawa ito.

"Oo. Kuya Mikael's coming. Balak nga naming sorpresahin si kuya Marcus. Ang alam niya hindi makakarating si kuya Kael para i-celebrate ang birthday nila." Bulong din ni Bethany sakin. Hearing her calling Marcus and Mikael 'kuya' is kind of a refreshing. Matagal ng walang pamilyang nag-aaruga kay Bethany kaya naman nakakagaan ng loob ang makita siyang ganito ngayon.

Hindi ko nakita si Marcus o kahit na si Kassandra dito. Natapos na namin ang lahat-lahat ay wala parin sila.

Matapos kami sa venue  na pagdarausan ng birthday ni Marcus ay dumiretso kami kaagad ni Bethany venue ng party nina Shara at Scott. As expected, tapos na lahat ng mga kakailanganin. Bethany's expertise is superb when it comes to preparing and other stuffs.

Forbidden (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon