Wakas
Plans
Minsan lang ikasal ang isang babae. Yan ang palagi kong naririnig kay Mommy simula pagkabata. Tumatak iyon sa isipan ko at nagsimulang mangarap na magkaroon ng engrandeng kasal.
Nagsimula ang preparations matapos ang isang linggo simula ng mag-propose si Marcus. We decided to do the wedding before the end of this month. Everyone was so busy becauseg that was two weeks from now. Marcus and I had to attend seminars for four weeks but since the lack of time, we hired a seminarian to do it at home.
Pinanguluhan ni Bethany, Mommy at Mommy Maica ang preparations. Mula sa location, reception, flowers, invitations and foods. Ako naman ay busy sa mga bata.
"Hey..." I looked up and saw Marcus. Kadarating niya lang galing trabaho at naka-puting polo long sleeves, black slacks at blavk shoes. He went to me and kissed my lips.
"Hi..." I said. "How's work?"
"Fine," he told me. Tumabi siya sa akin at agad na pinatong ang kanyang baba sa balikat ko.
"Mommy asked me what dress would I want from this..." I told him and showed him the magazine of wedding dresses. We don't have much time to let a designer sew my wedding dress so we decided to just pick from one of their latest design. Mga bagong labas at wala pang nakakasuot na kapareho.
"Everything will be fine as long as it's you who wear it..." Banat niya.
"Bolero ka talaga," I smacked his forehead. He just chuckled at continued leaning. Mukha talaga siyang pagod na pagod.
"Are you sure you are not draining yourself from work?" I asked.
"No..." He merely nodded.
"Marcus," I said with a warning look.
"I was just finishing everything that's due next month. Hindi ko gustong may tatawag sa akin tungkol sa trabaho sa honeymoon natin..."
"Really?" Tumango lang siya.
We were set to have one month honeymoon. Hindi ko alam kung bakit ganun katagal pero napagisip-isip ko din na okay iyon. We would be travelling to different countries. Iiwan raw muna namin ang mga bata kina Mom at Dad at sa mansion narin muna si Bethany para maging pansamantalang guardian ng mga bata.
"Ano ka ba! Hindi pa nga sapat ang isang buwan no!" Bethany said when I tried to question why it has to be a month.
"Pwede namang isang linggo, a."
"Gaga makareklamo ka kala mo hindi gusto."
Ako pa yung nagmukhang ginusto ang isang buwang honeymoon na yun.
"Are you excited?" Marcus asked.
"Very."
I chuckled. He chuckled, too. He planted a kiss on my forehead before we both looked at the magazine and picked the simplest but the most elegant wedding dress.
Naging abala ang lahat para sa kasal. Sa loob ng halos dalawang linggo ay natapos namin ang lahat ng preparations.
Everything was settled and two days before the wedding, my dress arrived. Talagang pinaaalis ni Bethany si Marcus sa bahay dahil bawal raw makita ng groom ang bride na suot ang dress except when it's the wedding itself.
"O, come on, kuya... Wala namang mawawala kapag ginawa natin, di'ba?" Si Bethany habang pinagtutulakan si Marcus sa labas ng sarili niyang bahay.
"Naniniwala ka sa mga ganun? Seriously, Beth..." Naiiling na sambit ni Marcus ngunit nagpa-ibaya naman sa gusto ng kapatid.
BINABASA MO ANG
Forbidden (COMPLETED)
RomanceShe was just twenty-three when she got pregnant. Gab Andrea Dela Calzada didn't know what to do. Ang tatay ng magiging anak niya ay nakatakda ng ipakasal sa iba. She was accused of being a cheater by the man he loved the most. Four years had passed...