Isha’s POV
*Kringgg Kringgg!*
Haysss! 6AM na. Pero parang feeling ko 30mins. Lang yung natulugan ko!
Ang bigat ng ulo ko. May hang over pa ata ako!
Wag na kaya akong pumasok today?
Bigla kong naalala yung mga nangyari kagabi.
Arrhhgg! Parang gusto kong pumasok today.. Yes! Papasok ako today.. hahaha bakit ba?
Nag-coffee muna ako before naligo. Medyo antok pa ako but I need to go to school.
Kakasimula palang ng klase kaya di ako pwedeng umabsent.
*fast forward*
Nasa school na ako. Saan ko kaya hahanapin sila Art? Wala na nga din pala akong phone.
Alam ko na. Baka nasa C.E Park sila! Try ko nga..
And di nga ako nagkamali, andun nga sila..
“Look who’s here..”-Bernie
Umupo ako sa tabi nila..
“Saan ka pumunta kagabi? ‘Bat bigla ka nawala?”-Adam
“Ah eh.. kasi pumunta ako ng restroom. Bigla kasing sumama pakiramdam ko eh.” -palusot ko
“Buti naman at nakauwi ka mag-isa? I tried to call and text you pero wala ka namang response. Kaya umuwi nalang kami after nung brownout!”-Adam
“Yeah! Hindi naman kasi ako ganon ka-tipsy. Tska naka -silent kasi yung phone ko kaya hindi ko narinig yung call mo”-sagot ko
“Guys, 8:48 na. Tara na sa room?”-Lauren
“Alright..”- sabay sabay naming sagot..
Nagsitayuan na din kami papunta sa 1st subject namin..
While the classes are going.. ako tulala lang! Iniisip ko pa din yung mga nangyari kagabi. Bakit niya kaya ginawa yon? Lasing ba siya? Mukhang hindi naman..
Gusto niya kaya ako kaya niya yun ginawa? Arggh! Mas lalong hindi.
Hindi naman niya siguro ako magugustuhan ng ganun kadali!
Oh baka naman sinusubukan niya lang ako? Nakakainis.. feeling niya siguro ganun ko kadaling bumigay.
“Bringgggg!”
Ayy.. time na! Ang bilis naman.
Nagsi-alisan na mga ibang students habang kami nasa loob pa.
“Bern, ano nga next subject natin?”-Ellaine
“Profeth.. same room!”-Bernie
Profeth???? My God. Ano gagawin ko?
“Aah guys.. magsi-CR lang ako..”-tumayo ako para lumabas ng classroom.
“Make it fast, 5 mins. Nalang start na ng klase!!”-sigaw ni Adam
Di naman talaga ako nasi-CR eh..sadyang di ko lang alam ang reaction ko pag nagkita kami ni Sir Kent.
JuskoLord! Nakakahiya.. nakatingin lang ako sa salamin.
Kaya mo yan Isha! Wala ka namang nagawa na dapat mong ikahiya diba?- bulong ko sa sarili ko while staring myself in the mirror.
Sumilip muna ako bago pumasok..
Andun na pala si Sir. Di pa naman nagsisimula ang klase..
Todo kaway naman sakin sila Art..
BINABASA MO ANG
I GOT YOU MR. PROFESSOR
RomanceA love story between a Professor and a Fragile Student that you will love. ❤