Isha’s POV
4 days since umalis ang babe ko. Pauwi na din ako from school..
Pagpark ko sa parking lot ng condo..
“Hi Isha..”-boses babae.. paglingon ko..
“Olivia?”
“Yeap.”
“What are you doing here?”-simpleng tanong ko.
“Si Kent? Where is he?”
“Bakit mo ba tinatanong ha?”
“Isha naman! Wag ka namang madamot! Nagtatanong lang eh..”
“Olivia pwede ba.. tigilan mo kami! Tigilan mo si Kent.”
“Eh pano kung ayaw ko?”-patatawa tawa pa ang bruha
“MAPAPATAY KITA!”-simpleng sagot ko
“Oh come on! Alam nating pareho na Kent still loves me! Kaya ikaw ayus ayusin mo na yang buhay mo cause anytime iiwan kana ni Kent because of me.”
“Oh talaga? What makes you so sure? Kung mahal ka talaga edi sana binalikan ka! Edi sana kayo parin hanggang ngayon! Kinalimutan kana ni Kent Olivia. Yes, you’re a part of his past.. Past na hindi na pwedeng balikan! Past na matagal na niyang binaon sa limot.. Kaya kung pwede isaksak mo na jan sa kokote mo na he will never come back to you.. dahil hindi kana nga niya talaga mahal!”-pasigaw ko
“Hayoop ka!”-she’s about to slap me kaya mabilis kong inilagan. Tska ako bumawi ng napaka-lakas na sampal.. Hihilain niya ang hair ko kaya inunahan ko na siya.
Binuhos ko ang buong lakas ko dahilan para masubsob siya sa sahig..
“Walang hiya ka! Tigilan mo na kame”-sigaw ko habang pinagsasampal siya. Pumatong na din ako sa kanya.
“Ano ba.. bitawan mo ako!”-sagot naman niya habang iniilagan ang sarili niya.
“Babe?”-ng bigla akong makarinig ng boses..
“Babeeee?”-sigaw niya ulit. si Kent pala na mabilis na bumaba sa kotse niya..
Hinatak niya ako palayo kay Olivia..
“Are you okay ha? Okay kalang? Nasaktan kaba?”-tanong niya habang hinihimas himas ang katawan ko.
“Yeah I’m okay..”-sagot ko naman habang inaayos ayos ang buhok ko
Tumayo si Olivia at inayos ang sarili niya..
Nilapitan siya ni Kent at hinawakan sa braso ng napaka-higpit.
“Walang hiya ka! Wag na wag mong sasaktan ulit si Isha dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko Olivia!!”-galit na galit si Kent. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Nanlilisik ang mga mata niya! Hindi ko alam pero parang bigla akong nakaramdam ng takot.
“Ouch! Kent ano ba! nasasaktan ako..”-pakiusap naman ni Olivia
Kinakabahan ako. Parang hindi si Kent ang nasa harapan ko! Hindi ko pa siya nakitang nagalit ng ganito.
“Babe tama na yan!”-pakiusap ko..
“Wag na wag mo nang lalapitan si Isha naiintindihan mo?”-dagdag niya
“Babe! I said enough!”-sigaw ko kaya binitawan niya si Olivia
“You will regret this Kent.. magsisisi ka na ginawa mo sa kin to! At ikaw babae ka? Hindi pa tayo tapos.”-huling salita na lumabas sa bibig ni Olivia bago umalis..
Lumapit si Kent sakin tska ako niyakap ng napaka-higpit..
Pagkatapos nun. Pinark na muna ni Kent ng mabuti ang car niya tska niya ako inalalayan papunta sa condo..
“Walang hiya talaga yang Oliviang yan eh! Excited pa naman akong makita ka tapos eto pa madadatnan ko.”-si Kent habang sinusuklayan ang buhok ko.
“Okay lang yun! Di rin naman ako masyadong nasaktan eh.”-sagot ko
“Kahit na.. ayokong may umaapi sayo. Dapat talaga ipa-blotter na natin yang si Olivia eh para di na makalapit sayo..”
“Ano kaba? Okay lang talaga ako. infact, di rin naman ako magpapa-api noh?”-pinaharap niya ako sa kanya tska nagsmile.
“Sobra kitang namiss mahal ko!”-tska niya ako niyakap ng mahigpit. Napaka-higpit! Yumakap din naman ako sa kanya..
“Namiss din kita babe!”-bulong ko
“Oops teka.. asan ang regalo ko?”-sabay tulak sa kanya..
“Ha ano kasi. Amm.. bukas pa eh!”
“Bukas? Bakit bukas pa?”
“Eh ano kasi.. sobrang na-busy ako kaya hindi ko na naisingit.. pero bukas promise. Magugustuhan mo hinanda ko para sayo.”-sagot niya
“Hmmm.. sige! Sabi mo eh.”
*fast forward*
Kent’s POV
7PM umalis ako ng condo at pumunta kila Art. Niyaya ko silang lahat maliban kay Isha.. sinabi kong may appointment kaming dadaluhan nila Kenneth so hindi siya sumama.
“Masyado naman atang maaga para jan Kent?”-Ellaine
“Hindi sa pinangungunahan kita Kent ha? But Isha’s age is not suitable for marriage. Marami pang goals si Isha na gusto niyang matupad, hindi lang niya kundi pati narin yung parents niya.”- Bernie
Si Adam naka hiwalay samin, nasa terrace siya! Nakikinig din naman siya kaso ayaw nga lang lumapit.
“Guys.. alam niyo kung gano ko kamahal si Isha.. She’s my life. Unang kita ko palang sa kanya I know siya na ang babaeng papakasalan ko.”
“Eh kung yan talaga ang gusto mo hindi kana namin pipigilan! Basta ang importante, andito kaming lahat para sa inyong dalawa ni Isha! No matter what happens.”-Art
“Thanks guys!”-sagot ko. Sabay hug sa kanila isa isa..
“Oh cheers na muna tayo..”-Kenneth habang inaangat ang bote ng beer
“Cheers!”-sagot naman namin..
Tumalikod si Adam kaya nilapitan ko siya..
“Hindi ka naba mapipigilan?”-pakalma niyang sabi ng makalapit ako, diretso lang ang tingin niya
Tumango lang ako sign na hindi na talaga..
“Grabe noh? Mahal mo talaga si Isha..”-nag smirk siya.
“Alam mo nung nalaman kong kayo.. lagi kong hinihiling na maghiwalay kayo. Kasi gusto ko sakin mapunta si Isha! Tssss. Napaka-selfish ko diba?”-sabay inom ng beer
“But then I realized mahal kanya talaga! She loves you more than anything..”-dagdag niya
“Mahal ka din ni Isha Adam.. you know that!”-sagot ko
“Mahal nga! Pero hanggang kaibigan lang. Mapagmahal kasi talaga si Isha. Lahat ng taong nakapaligid sa kanya mahalaga sa kanya..”
Napatingin ako sa kanya..
“Ingatan mo si Isha Kent.. dahil hindi porket hindi naging kami, eh sumuko na ako sa kanya. Oras na sinaktan mo siya.. kukunin ko siya sayo! Itaga mo yan sa bato.”-dagdag niya
Napaka-seryoso niya sa mga pinagsasabi niya. Diretso ang tingin niya habang ako nakatitig sa kanya..
“Thanks Bro! Salamat para sa pagmamahal mo kay Isha. I promise I will protect her for the rest of my life.”-humarap siya sakin tska nag smile..
“Cheers?”-alok ko sa kanya..
“Cheers..”-sagot maman niy

BINABASA MO ANG
I GOT YOU MR. PROFESSOR
RomanceA love story between a Professor and a Fragile Student that you will love. ❤