Isha’s POV
“Isha sama ka samin mamaya! Chill tayo.”-Bernie
Napatingin si Adam sakin.
“Ha? A-ano.. pass muna ako! may date kasi kami ni Kent ngayon!”-palusot ko. Kahit pa ang totoo bawal na ako uminom because of my baby.
Nasa hallway kami ngayon. Naglalakad papuntang parking lot..
“Wow ha? Date? Ibig bang sabihin okay na kayo?”-Lauren
“Hmm. Parang ganun nanga!”-pasimpleng sagot ko.
“Hi Isha! May naghahanap sayo sa labas!”-salubong ng classmate ko.
“Huh? Sino?”
“Basta. Tingnan mo nalang!”
So pumunta nga kami sa labas ng gate. Pagdating ko..
“Hi babe?”-bati agad ni Kent habang nakasandal sa kotse niya na may hawak hawak na bulaklak.
“Uyy ang sweet naman ni Sir!”
“Sir walang forever!”
“Wow Isha. May pa-flowers flowers pa si Sir oh?”
Yan yung maririnig mo sa mga taong nakapaligid samin.
Napangiti ako habang nakatingin sa kanya. Lumapit siya sakin at hinawakan ang waist ko gamit ang right hand niya.
“Para sayo..”-sabay abot ng flowers
“Thankyou!”-pakipot kong sagot.
“Oh Isha.. ano pang hinihintay mo? Mamaya umiba pa ang ihip ng hangin at biglang di matuloy yang date niyo!”-Art
Natawa kaming dalawa..
“Lets go?”-paanyaya niya.. tumango lang ako tska niya ako pinasakay ng car.
“Namiss ko to babe..”-ani niya habang nagda-drive sabay hawak ng kamay ko.
“Saan ba tayo pupunta?”-tanong ko.
“Hmm. Hindi ko din alam eh!”-ngumiti lang siya.
“Ha? Niyaya mo akong mag-date pero hindi mo alam kung saan tayo pupunta?”
“Yeap. Hehehe! But first, may importante muna tayong pupuntahan..”
“Saan naman?”
“Basta..”-sagot niya.
After 10 mins.. “REST IN HEAVEN MEMORIAL PARK”
Bigla akong natahimik..
“Halika.. Samahan mo ako!”-pinababa niya ako sa kotse. Tska hawak kamay na naglakad..
Pagdating namin dun sa puntod.. sinindihan na muna niya yung candles tska umupo sa damuhan.
“Hi Dad.. I want you to meet my fiance, Isha! Isha.. daddy ko!”-tumingin ako kay Kent. Nakangiti siyang nakatitig sa puntod.
Almost 1 hour din kaming nandoon. Nag-kwento siya tungkol sa daddy niya..at kung ano ano pa na dapat kong malaman.
“Buong buhay ko lagi akong nakasunod sa kung anong sasabihin ni Dad sakin. Dapat laging mataas ang grades.. Dapat laging top 1 sa klase,, di pwedeng 2 kasi papaluin ka ng sinturon.. Dapat laging 1st sa lahat ng subjects.. bawal lumabas! Bawal makipag-laro. Ni hindi ko nga narasang makipag-habulan eh. Panay silip lang sa bintana ng bahay sa mga batang naglalaro sa labas.”-patawa tawa pa siya habang nagku-kwento.
“When I reached my high school. Pinangako ko sa sarili ko na E-engineer! But guess what? Eto ako ngayon. Isang Philosopher. Hahaha! Kasi nga yun yung sabi ni Dad.. dapat maging isang sikat na Philosopher ako kagaya niya. Yung iniidulo ng maraming tao.. nirerespeto at mataas ang tingin.”
Tahimik akong nakikinig habang nagku-kwento siya.
“Pero kahit ganun, sobrang mahal na mahal ko si Dad. Ni minsan hindi ako nagtanim sa galit sa kanya! Ni hindi ko nga alam kung bakit ko nagawa sa kanya yung bagay na yun eh!”-napapa-teary eyes na siya..kaya mas lalo ko siyang nilapitan at hinimas himas siya sa likod.
“Kaya siguro hanggang ngayon, di parin ako pinapatahimik ng konsensya ko. Kaya nga minsan ayaw ko ng patulan si Alfred eh.. kasi naiisip ko na tama naman siya! May karapatan siyang magalit sakin kasi napatay ko ang daddy niya.”-tumingala siya paraan para di tumulo mga luha niya.
“Wag mong sisihin ang sarili mo.. ayaw mo lang na nasasaktan ang mom mo kaya humantong sa ganun.”-sagot ko naman
“Tama nga! Ganun naman talaga sa buhay eh.. Kahit ano mang desisyon ang pipiliin mo, mayroon parin talagang isa na masasaktan, at may isang mangingibabaw!”
Tinitigan ko siya sa mga mata. Napaka seryoso niya sa mga pinagsasasabi niya
“Dad! Eto na ako oh? Lahat ng pangarap mo para sakin natupad ko na. Sayang nga lang kasi wala kana! Pati si mommy iniwan na rin ako. Pero dad masaya parin ako. Itutuloy ko pa rin ang buhay ko kahit wala na kayo.. Kasi dad, nahanap ko na..nahanap ko na yung taong magbibigay sakin ng saya habang buhay at yung rason ko para mabuhay..”-tumitig siya sakin.. hinawakan at hinalikan niya ang kamay ko ng matagal.
Ngayon lang ako nawalan ng doubt kay Kent. Masarap pala sa feeling pag alam kong wala siyang tinatago sakin. Napaka-swerte ko sa lalaking to.. siya yung tipo ng lalaking magugustuhan ng kahit na sino.
After 30 mins. Umalis na kami ng memorial park.
“San na tayo pupunta?”-tanong ko
“Hmm. Di ko alam eh! San mo ba gusto?”-tanong niya.
“Wala din akong alam eh!”-sagot ko.
“Alam ko na. May alam ako! Sigurado magugustuhan mo to.”
“Saan naman?”
“Basta! Pero may dadaanan muna tayo!”
Dumaan kami ng mall para bumili ng school supplies and foods. Hindi ko alam kung para saan to pero sumusunod nalang ako kay Kent.
“Andito na tayo.”-huminto kami sa harap ng isang orphanage..
“Anong gagawin natin dito?”-tanong ko.
“May bibisitahin tayo! Halika na!”-sagot naman niya habang pinapababa ako sa kotse.
Pagpasok palang namin..
“Hi Iho! Kamusta ka? Tagal mo ng di naggagawi dito ha?”-salubong ni sister samin.
“Pasensya na po Sister Faye. Hirap na rin po magka-oras simula nung mawala si Mommy eh. Mano po!”-ani ni Kent
“Ah by the way sister.. si Isha po! Mapapangasawa ko.”-sabay akbay sakin
“Mano po!”-sagot ko naman sabay mano kay sister.
“God bless you Iha! Uy teka, tawagin ko lang yung mga bata ha?”-nakangiti niyang sabi
“Mga bata.. ang kuya Kent niyo andito!”
After a while.. nagsilabasan ang napakaraming bata. More or less mga 20 ata sila.. nag-aagawan pa silang makayakap kay Kent.
“Oh mga bata dahan dahan lang!”-sigaw nung sister
“Kuya Kent miss na miss kana po namin. Kala ko po di kana babalik dito eh”-sabi nung isang bata
“Ano ba kayo.. medyo busy lang ang Kuya Kent niyo kaya di na muna ako nakakapasyal dito. Pero dahil andito na ako.. may pasalubong kayooo.”-sabay angat nung mga pinamili namin
“Yeeheeeeey!”-sigaw naman nung mga bata.
“Kuya Kent, sino po yung kasama niyo? Ang ganda niya po.”
Lumingon siya sakin..
“Siya ang Ate Isha niyo. Simula ngayon, lagi na siyang kasama ni Kuya Kent dito okay?”-sagot ni Kent
“Hi Ate Isha??”-sigaw nila
“Hi Kids.”-sabay kaway sa kanila.
More than 2 hours din kaming nandoon. Nakipag-laro si Kent sa mga bata. Habang ako nakikipag-kwentuhan kay Sister Faye
“Sobrang hilig talaga niyan sa mga bata. Kaya nga gustong gusto din siya ng mga bata dito eh! Minsan nga umiiyak sila pag matagal na na di nila nakikita ang Kuya Kent nila. Napaka-bait talagang bata niyan!”-sister
Nakatitig ako sa kanya habang nakikipag-laro sa mga bata. Mahilig pala siya sa bata? Ngayon ko lang nalaman to. Parang nagka-interest tuloy akong sabihin sa kanya about our little baby?
“Gusto pa sana kitang ipasyal eh kaso biglang sumakit naman ang ulo mo!”-sabi niya habang inaalalayan ako papasok ng condo..
Niyaya ko na kasi siyang umuwi matapos akong makaramdam ng pagkahilo..
“Napapadalas na ata yang pananakit ng ulo mo ah? Pa-check up na kaya tayo bukas?”-sabi niya habang naglalagay ng tubig sa baso..
“Oh! Inom ka muna..”-sabay abot ng tubig
“Ah babe.. actually may sasabihin ako sayo!”-eto na ba yung right time para malaman niya ang totoo? Kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya.
“Ha? Ano yun?”-tanong niya
“Eh kasi babe.. I’m”
*ringggg ringgg*
Ng biglang tumunog ang phone niya..
“Excuse me ha? Sandali lang to.”
Sh*t! Wrong timing..
After 5 mins..
“Sorry babe ha? Si Ronald tumawag.. ano nga ulit yung sasabihin mo?”
“Ha? A-ano.. kasi.. I’m so much tired na kasi babe! Pwede bang magpahinga na tayo? May review pa kasi kami tomorrow eh!”-paanyaya ko.
“Hmm sige. Ikaw! Halika ..”-sabay akbay sakin papuntang kwarto.
Gusto ko mang sabihin kay Kent ang totoo. This is not the right time for this.. God will always provide the perfect time. Basta ngayon ang alam ko, He will gonna be the best father in the whole world soon. 💕
*fast forward*
“Class Dismiss”-kakatapos lang ng klase namin kay Alfred..
“Guys, mauna na kayo ha? Susunod ako.”-sabi ko sa mga kasama ko..
Habang naglalakad si Alfred palabas..
“Alfred?”-tawag ko sa kanya.
“Isha?”-lumingon siya
“Pwede ba tayong mag-usap?”
“Wow ha? Niyayaya mo akong makipag-usap? Tungkol naman saan?”-pangisi ngisi pa siya.
“It’s about Kent.”
Biglang napalitan ng galit ang ngiti sa mukha niya.
“So alam mo na pala?”-tanong niya habang ngumunguya ng pagkain.. nasa canteen kami ngayon, nag-uusap!
Tumango lang ako signing na oo alam ko na.
“So ano naging reaksyon mo?”
Di ako sumagot.
“Ahngg.. mahal mo pa rin siya ganun? Kaya hindi mo siya iiwan?”
Napayuko ako.
“Ano magmamahal ka ng kriminal? Ng mamamatay tao?”
“Alfred, hindi ginusto ni Kent ang nangyari alam mo yan!”-sagot ko
“Hindi ginusto? Ginusto niya yun Isha! Ginusto niyang patayin si Dad dahil ayaw niyang maging masaya kami.”
“Alfred.. Dalawa nalang kayo ni Kent. Ganyan naba katigas ang puso mo para hindi mapatawad ang kapatid mo? Ilang taon na ang nakalipas Alfred.. wala kang mapapala sa galit mo. Oo alam ko na wala akong alam sa totoong nangyari pero Alfred magkapatid kayo. Magka-dugo kayo. Kayo nalang ang natitirang magkapamilya ni Kent.”
“So anong pinapalabas mo? Na papatawarin ko siya ng ganun ganun na lang? Hindi mangyayari yun Isha.. dahil bata palang ako wala akong ibang hinangad kundi matapatan si Kent.. dahil yun lang ang tanging paraan para mas piliin ako ni Dad. Pero anong ginawa niya? Pinatay niya si Daddy. Mamamatay tao siya!”-tumayo siya pero hinawakan ko siya sa kamay.
“Sandali lang.. Alam ko mahal mo ang Kuya mo! Ikaw mismo ang nakasaksi sa nangyari, kaya kung hindi siya mahalaga sayo. Matagal mo na sana siyang isinumbong sa mga pulis.”
“Tsss. Wala kang mapapala sa ginagawa mo Isha!”-tinanggal niya ang kamay ko tska naglakad paalis
“Isha.. anong nangyari?”-tamang tama dumating si Adam.
“Wala.. may pinag-usapan lang kami!”-sagot ko
“Ganunba? Ano uuwi kana ba? Tara hatid na kita.”
“Ahh. Sige!”
Habang nasa byahe…
“Adam! I think this is the right time para malaman na ni Kent ang totoo..”-sabi ko habang nakangiti..
“Hah? Anong ibig mong sabihin?”
“Sasabihin ko na kay Kent ang totoo.. I’m going to tell him na magkaka-baby na kami.”
Lumungkot ang itsura ni Adam.
“Ha? Si-sigurado kana ba jan?”
“Oo naman.. di na ako makapag-hintay kung anong magiging reaksyon niya.”-nakangiti kong sagot..
“Pero pano si Olivia?”-tanong niya
Bigla akong natahimik. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.
“Isha, hindi kita pipigilang sabihin kay Kent ang totoo, karapatan niya yun! But please, think wise.. ikaw lang ang inaalala ko.
Dahan dahan akong natapangiti.
“Salamat sa concern mo Adam! But I know kung gaano ako kamahal ni Kent sa kahit na ano o kahit na sino pa man.”-sagot ko
BINABASA MO ANG
I GOT YOU MR. PROFESSOR
RomanceA love story between a Professor and a Fragile Student that you will love. ❤