“Sigurado kana ba jan anak?”-Mom
“Yes Mom!”-simpleng sagot ko.
Nasa sala kami ngayon. Paalis ako papunta ng Pinas para mag attend ng wedding ni Ellaine and Kenneth.
“Kesha anak! Wag matigas ang ulo ha? Please be a good girl to everyone lalo na kay Mommy’La.”-bilin ko sabay kiss sa noo niya.
“Sandali lang mawawala si mommy ok? Pagbalik ko marami kang toys sakin.”-dagdag ko.
“Mommy I don’t want toys. I have a lot of toys in room.”-sagot niya
“Oh sige.. anong gusto ng baby ko?”-tanong ko
“I want Daddy.. sana po pagbalik niyo, you’re with Daddy na po.”
Nagkatinginan kami ni Mommy.
“Isaaang halika na! Male-late kana sa byahe.”-sigaw ni Kuya.. ihahatid niya kasi ako sa airport.
“Anak, you already know na pag bumalik ka ng Pinas. Maaaring may magbago pagbalik mo dito! Basta ang mapapayo ko lang sayo.. sundin mo kung ano ang sinasabi ng puso mo.”-Mom
Tumango lang ako.
“Oh siya.. umalis na kayo at baka ma-late kapa sa flight mo!”-dagdag niya.
“Bye Kesha! Mommy loves you so much okay? Lagi mong tatandaan yan anak! All I want is the best for you.”
“Okay Mommy. Iloveyou too.”-sagot naman niya sabay akap sakin.
“Mom.. ikaw nang bahala sa kanya ha?”-tumango lang si Mom.
Kent’s POV
“Woww! Gwapo ha? Parang ikaw yung ikakasal ha?”-biro ni Kenneth
Nasa dress shop kami ngayon. Nagsusuot ng kanya kanyang damit para sa kasal nila Kenneth. Ako kasi ang Best Man niya eh for their wedding.
“Malamang. Mas gwapo ako sayo eh kaya mas nagmukha akong groom! Hahaha.”-sagot ko.
“Hahaha. Baliw! Teka bro.. kilala mo naba kung sinong magiging partner mo?”-Kenneth
“Hindi panga eh! Sino ngaba?”
“Hindi ko sigurado. Pero I think magugustuhan mo siya. Sobrang ganda daw nun sabi ni Ellaine.”-dagdag niya
“Tss. Asa siya!”-kunot noo kong sagot
“Oops. Wag magsalita ng patapos..”
“Bro! Kailan ba ako nagandahan sa isang babae ha?”
“Hmm.. sabagay! Eh si Isha lang naman pala ang maganda sa paningin mo eh!”-patawa niyang sabi.
Umupo ako sa sofa tska nag cross feet.
“Kung andito lang sana siya.. edi sana siya ang partner ko sa araw ng kasal niyo. At kung kasama ko pa sana siya.. edi sana nauna pa kaming kinasal sa inyo”
“Pwede ba.. wag kang mag-drama jan? Baka mamaya malasin pa tong kasal ko eh!”-sabay tapik sakin.
Isha’s POV
Dumiretso ako sa isang hotel para mag-check in pagkatapos kung makarating sa airport. Dito na muna ako magse-stay for good. Hayys! Miss na miss ko na agad ang Kesha ko.. di naman kasi ako sanay na mahiwalay sa kanya eh.
Grabe! Kahit papano namiss ko rin dito sa pinas. Ilang taon din simula nong umalis ako dito. Nakakapanibago..
Asan kaya sila Ellaine ngayon?? Matawagan nga..
Kent’s POV
“Babe.. pwede ba lumabas kana muna?”-utos ni Ellaine kay Kenneth.
“Ha? Bakit naman?”-sagot naman ni Kenneth
“Eh.. Ano kasi eh. Bawal makita nung groom yung bride na naka-gown pag hindi pa araw ng kasal!”-Ellaine.
“Hayy naku! Pwede ba wag kang nagapapa-niwala sa mga ganyan! Eh hindi naman totoo yan eh.”-Kenneth
“Eh sige na kasi. Wala rin namang mawawala kung gagawin mo nalang diba?”-dagdag ni Ellaine.
“Oh siya siya. Sige na!”-Kenneth
Naglakad si Kenneth palabas ng shop. Tinanggal ko muna ang suit ko tsaka susunod.
Palabas na sana ako ng shop ng biglang tumunog ang phone ni Ellaine. Nasa loob kasi siya ng fitting room kasama yung designer ng gown niya.
“Aah.. Laine! Someone’s calling..”-sigaw ko
“Aah. Kent pwede bang pakisagot nalang pls? Nag-bibihis pa kasi ako dito!”-sigaw naman niya
“Hmm.. okay if you don’t mind!”-sagot ko.
“Hello??”-bati ko agad pero walang nag-response.
“Hello?? Are you there??”-walang sumasagot
“Hello?? Friend to ni Ellaine. Nasa loob pa kasi siya eh kaya sinagot ko na muna.. sino sila?”-wala paring response.
“Still there??”-hanggang sa nag-drop off ang call.
“Hmm. Sino kaya yun? Di naman nagsasalita eh!”-bulong ko sa sarili ko.
Isha’s POV
“Hello?? Friend to ni Ellaine. Nasa loob pa kasi siya eh kaya sinagot ko na muna.. sino sila?”
Hindi ako makasagot. Naninigas ang dila ko! Hindi ako pwedeng magkamali.. kilalang kilala ko ang boses na to! Si Kent to. Sigurado ako!
“Still there??”-huli niyang tanong ng patayin ko ang tawag
Napaupo ako sa kama.
Yug boses niya. Sa loob ng ilang taon ngayon ko lang narinig ulit ang boses niya. Yung boses niya na napaka-lambing..Yung mapang-akit niyang boses na laging bumubulong saking mga tainga.
Napangiti ako bigla. Nakaka-miss din pala siya! Ano kayang magiging reaksyon ko pag nakita ko siya? Kinakabahan ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.
**fast forward**
“Manong para po!”-utos ko sa driver ng taxing sinakyan ko.
Andito ako ngayon sa isang orphanage. Yung bahay ampunan na madalas naming puntahan ni Kent noon. Tatlong taon na simula nung huli akong makapunta dito.
Dahan dahan akong naglakad papasok sa loob.
“Oh dahan dahan. Dahan dahan! Mamaya madapa kayo jan!”-Sigaw ng isang madre sa mga batang naglalaro.
Patuloy akong naglakas papunta sa kanya.
“Ah.. excuse me po!”-mainahon kong sabi kaya napalingon naman siya at napatitig sakin.
“Isha??”-nanlaki ang mga mata niya.
“Sister Faye??”-nakangiti kong sagot.
Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa kamay.
“Ikaw nga! Kumusta kana? Ang tagal mo ng hindi dumadalaw dito ah?”
“Hehehe Mabuti naman po. pasensya na po kayo Sister ha? Bumalik na po ako kasi ako ng LA kaya po matagal akong di nakapunta dito.”
“Haay naku! Lagi kang hinahanap ng bata noon. Lagi kang tinatanong ng mga bata kay Kent.”
“Aah eh.. ano pong sinasagot niya?”
“Eh sabi niya lagi kang busy sa work kaya hindi ka niya nakakasama dito. Eh kaya naman pala! Kasi bumalik kana ng LA.”
“Lagi po ba siyang gumagawi dito?”-tanong ko
“Hmm oo. Minsan dalawang beses sa isang buwan!”-sagot niya.
Napayuko ako.
“Teka ha? Tawagin ko lang yung mga bata.”-dagdag niya
“Mga bataaaa. Ang Ate Isha niyo nandito!”-sigaw ni sister
Sabay nagtakbuhan ang mga bata papalapit sakin kaya napangiti naman ako.
“Hi Kids.. kumusta kayo? May dala akong pasalubong para sa inyo”
“Sino siya??”
“Kilala mo?”
“Sino kaya siya?”
Yan yung bulungan ng mga bata.
“Ate Isha??”-sabi naman nung isang batang nakakilala sakin.
“Si Ate Isha nga!”-sabi naman nung isa sabay yakap sakin.
Yumakap din naman ako sa kanila. Habang yung iba nakatingin lang na para bang naguguluhan kung sino ba talaga ako!
“Hmm. Akala ko di niyo na ako makikilala eh!”-sabi ko
“Hehehe pasensya kana Iha! Bago lang kasi dito yung iilan sa kanila. Kaya hindi kapa nila kilala. Yung iba namang bata na nakaka-kilala sayo noon. May kanya kanyang pamilya na ngayon!”-sister Faye
“Ate Isha! Namiss ka po namin! Ang tagal niyo na po kaming di dinadalaw dito eh!”
“Pasensya na kayo mga bata ha? Medyo busy lang kasi ang Ate Isha niyo.. pero don’t worry! Marami akong dalang pasalubong para sa inyo.”-nakangiti kong sabi.
“Yeheeeeeey!”-sagot naman nila.
Mahigit dalawang oras din akong nandoon. Nakipaglaro, nakipag-kwentuhan! Tska namigay ng bagong gamit para sa mga bata!
Kung andito lang sana ang Baby Kesha ko.. sigurado akong matutuwa yon! Marami siyang makakalaro.
“Sister Faye. Aalis na po ako! Salamat po sa oras na binigay niyo sa mga bata para makasama ako!”-pagpapalam ko
“Ano kaba. Walang anuman! Parang totoong kapamilya na rin ang turing sa iyo ng mga bata. Hindi ka narin iba samin Isha!”
Tumango’t ngumiti lang ako.
“Mga bata! Aalis na ang Ate Isha niyo ha? Wag kayong mag-alala. Makikita niyo parin ako ulit balang araw!”-sigaw ko
“Bye Ate Isha.. Ingat po kayo! Mamimiss ka po namin!”-sigaw nila
“Bye Sister Faye. Thankyou po ulit!”-sabay kaway sa kanila
“Sige Iha. Mag-iingat ka ha?”
Kent’s POV
I’m on my way papunta sa orphanage. Wala kasi akong magawa kaya naisip kong bisitahin na muna yung mga bata.
Pinark ko na muna ang car ko tska bumaba.
“Hi Sister Faye..Hi kids..”-bati ko agad pagpasok ko sa loob.
“Oh Iho. Ikaw pala! Bat di kapa sumabay kay Isha?”
“Po?”-kunot noo kong tanong
“Si Isha. Galing siya dito! Binisita niya ang mga bata. Kaka-alis nga lang eh!”
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako.
“Si-sigurado p-po ba kayo?”-pabulol kong tanong
“Aba syempre naman! Galing panga daw siya ng LA eh.”
Nanlaki ang mga mata ko.
“Eto nga Kuya Kent oh? Dinalan niya kami ng pagkain tsaka mga toys!”-sabi nung isang bata.
Nanlalamig ang buong katawan ko. Si Isha! Yung babaeng mahal na mahal ko. Andito siya..
“Sa-sandali lang po ha?”-mabilis akong tumakbo palabas ng orphanage.
“Isha????”-sigaw ko
Tingin sa kanan. Tingin sa kaliwa!
“Ishaaaa..?”-sigaw ko ulit.
Napapaluha na ang mga mata ko.
“Nasan ka Ishaaaa?”-sigaw ko ulit. Pero ni anino niya wala akong nakita.
Nakakalungkot pero nabuhayan ako ng pag-asa! Pag-asa na makita’t makasama ko siya ulit. Pero bakit ganon? Kung andito siya, bakit hindi niya ako pinuntahan? Bakit ayaw niyang magpakita sakin. Ano ang dahilan niya at tinataguan niya ako?
Kenneth’s POV
“Sigurado kaba jan Bro?”-tanong ko.
“Oo Bro! Hindi naman siguro magsisinungaling si Sister Faye diba?”-sagot naman niya sabay inom ng beer.
Nagka-tinginan kami ni Ellaine.
“Eh ano ng plano mo?”-tanong ko
“Hahanapin ko siya ulit.”-simpleng sagot niya
“Haaa? Seryoso? Hindi ka paba napapagod kakahanap mo kay Isha?”-tumayo ako at nagbukas ng beer.
“Hindi Bro! Hinding hindi ako mapapagod. Lalo na ngayong nalaman ko na andito siya sa Pilipinas. Mas lalo akong nabigyan ng lakas ng loob na hanapin siya!”-sagot niya
“Oh sige sige. Ikaw ang bahala! Pero pls lang Bro ha? Patapusin mo na muna tong kasal namin. Ayoko ng may nega sa wedding namin ha? Best Man pa naman kita.”-sabi ko naman.
Hindi siya sumagot. Sa halip ay dumiretso lang siya ng tingin sabay tagay!
Ininvite namin si Isha na umattend ng wedding namin tomorrow. Hindi namin sigurado kung darating siya pero dahil nga sabi ni Kent na nanggaling daw si Isha sa orphanage kanina.. I think aatend nga siya! Kent will be so happy pag nakita si Isha. We’re just hoping na ganun din sana si Isha sa kanya. Pinili din naming wag na munang banggitin kay Kent para i-surprise siya.

BINABASA MO ANG
I GOT YOU MR. PROFESSOR
RomanceA love story between a Professor and a Fragile Student that you will love. ❤