“Haays! Ang sarap ng tulog ko”-bulong ko sa sarili ko habang naglalakad papunta sa terrace ng room.
2 days nalang babalik na ako ng LA. Hayy! Miss na miss ko na ang baby Kesha ko. Ano kayang ginagawa niya ngayon?
Nakapingit ako na naka-ngiti habang dinaramdam ang simoy ng hangin. Ang sarap!!
“Hi Babe..”-dahan dahan akong namulat at lumingon sa right side ng terrace ng makarinig ako ng boses..
Paglingon ko..
“Ikaw??”-nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siya.. Si Kent! Nasa katabi lang siya ng room ko.
“Oo ako nga! Nagulat ka noh?”-nakasandal lang siya habang may hawak hawak na coffee.”
Napalunok ako while staring at him.. He was shirtless. Yung six pack abs niya ngayon ko lang ulit nakita! Yung boxer short niya na bakat na bakat. I’m thinking about his 7inches and a half right now! Sht..ano ba tong nangyayari saken?
“Oh? Bat tulala ka jan? Anong meron sa baba?”-paawa tawa niyang sabi..
Shinake ko ang head ko at diniretso ang tingin sa kanya.
“Ba-bakit kaba kasi nandito?”-kunot noo kong tanong
“Eh nag-check in ako. Bakit ba? Inumaga na ako sa paghatid sayo eh”-palusot niya
“At dito pa talaga sa tabi ng room ko ha? Nananadya ka siguro ano? Atska isa pa! Hindi ko naman sinabi sayo na ihatid mo ako ah?”
“Eh ito nalang daw available room nila eh! Kaya hindi sadya yun noh? Sumasang-ayon lang talaga ang tadhana na mapalapit ako sayo.”-sagot niya.
Hindi ako sumagot at tiningnan nalang siya ng masama.
*tok tok tok*-may kumakatok sa pinto. Sino kaya to?
Iniwan ko siya at naglakad papunta sa pinto para makita kung sinong nandoon.
Pagbukas ko..
"GoodMorning Maam! Breakfast niyo po.."
"Ha? Hindi pa ako nagpapa-send ng breakfast eh.. baka mali ka ng room na napuntahan?"-tanong ko
"Eh dito po talaga yung nakalagay eh! Room #24 for Ms. Isha Victoria daw po"
"Aah. Eh.. ako nga yun! Kanino daw galing?"
"Wait lang po Maam ha?"-tumingin siya sa maliit na paper na kasama nung dishes..
"From Mr. Kent Xander Javier daw po Maam!"
Biglang napalitan ang face expression ko.
"Paki-sabi sa kanya..hindi ako tumatanggap niyan! May pera akong pambili ng pagkain ko!"
"Aah eh Maam. Sayang naman po!"-mainahon niyang sabi
"It’s all yours.."-pasimpleng sagot ko sabay sara ng pinto.
Mabilis akong naglakad pabalik sa terrace.
"You like it?"-sabi niya agad
"Hindi. Actually pinagod mo lang yung staff ng hotel eh."
"Babe.. trabaho nila yun! Ako trabaho kong alagaan ka."-patawa tawa pa siya
Kent’s POV
"Hindi ako bata para alagaan mo!"-sigaw niya
"Hayys! Mag-aaway nalang ba tayo palagi? Bakit di mo subukang maging nice sakin minsan?"
Nag-snob lang siya.
"Alam mo! Magbihis kana at may pupuntuhan pa tayo."-sabi ko
"Huh. And do you think na sasama ako sayo? Never!"-suplada niyang sagot.
Kinuha ko ang phone ko tsaka tinawagan si Art.
"Hello Art?? Here’s Isha.."-ni-loudspeak ko ang phone ko para marinig ni Isha yung call
"Hello Isha?? Are you there? We’re on our way papunta sa resort nila Kenneth. Pasensya kana kung hindi na namin nasabi sayo ha? Biglaan kasi. Hindi kana din namin dinaanan kasi sabi ni Kent sa kanya kana lang daw sasabay..sumunod nalang kayo ha?"
"Ha? Pep-pero.."
"Aasahan ka namin dun Isha! Wag kang mawawala ha? See you.."-Art. Sabay patay ng call
Sinadya at pinlano talaga namin yun. Gusto kong makasama si Isha eh. Gusto kong makita niya na I will do anything just to win her back. Kahit pa inis na inis na siya! Hindi pa din ako titigil na hanapin yung kiliti niya.. Alam ko hindi ako mabibigo because I know that she still loves me too.
Nakangiti akong nakatitig sa kanya.
"Hindi ako sasabay sayo!"-she said
"So saan ka sasabay? Eh nakaalis nanga sila Art diba?"
"Magko-commute ako!"
"Magko-commute? Hahahahaha!"-tinawanan ko lang siya ng napaka-lakas
"Magko-commute ka eh ang layo layo nun?"-dagdag ko
"Arrrrrrgggh!"-padabog siyang pumasok sa loob. Hahaha! Ang kyut niya talaga.
After 1 hour..
"Ready kana?"-salubong ko sa kanya pagkalabas niya ng pinto
"Mukha bang hindi?"-mabilis niyang sagot
Suplada talaga neto kahit kailan..
"Ako na.."-sabi ko sabay bitbit ng gamit niya.
Buong byahe siyang walang imik.. di rin siya tumitingin sa akin. Alam ko gustong gusto niya akong kausapin eh! Kaso pakipot pa tong babe ko..
After 2 hours of roadtrip..
"Hi Isha.. buti nalang at nandito ka! Akala ko di kana sasama eh."-salubong ni Art
"Syempre naman! Matitiis ko ba naman kayo?"-sagot ni Isha
"Oh.. eto nga pala yung susi ng kwarto niyo ni Kent"-sabay abot ng susi sa kanya.
Biglang nanlaki ang mga mata niya. Hahaha
"Tek-teka.. niyo? Means kami? Kaming dalawa? Lang?"-pabulol niyang sabi
"Yeap.. kaming dalawa ni Emer sa isang kwarto. Si Adam at Daryl naman sa isa pa.. then si Lauren at Bernie naman sa isang kwarto.. tig dalawang bed lang kasi ang meron sa isang room eh kaya by two nalang tayo."-Art
"Pep-pero teka.. bat dalawa kami ni Kent? Eh pwede rin naman kaming dalawa ni Lauren ah?"-Isha.
Patago akong tumingin sa kanila..
"Kayo ni Lauren? So pano si Bernie? Wala siyang kasama. Ayokong makasama yan noh? Baka mamaya rape’in pa ako niyan."-Daryl
"Ha? Eh si Ad-Adam.. pwede naman kayong magkasama ni Bernie diba?"
Natahimik silang lahat. Tumingin ako kay Adam..
"Ha? Eh kasi Isha ano.. malakas kasing humilik yan si Bernie eh kaya ayokong makatabi yan! Ang hirap matulog pag anjan siya!"-palusot naman ni Adam
"Huyyy. Grabe kayo sakin ah?"-Bernie
"Eh ako.. pwede ako! Kami nalang ni Bernie."-Isha.
"Naku naku! Wag na bess. Mamaya di kapa makatulog niyan eh! Sayang beauty mo pag nagka-eye bag ka sige ka.. tsaka isa pa! Mag-uusap pa kami nitong si Bernie about dun sa bussiness na gusto naming pag-usapan eh! Diba Bess?"-Lauren
"O-oo.. oo nga!"-patango tangong sagot ni Bernie
Di na nakapag-salita si Isha.. napangiti naman ako dahil Yes! Sa wakas. Makakasama ko nadin siya..
"Oh ano pang hinihintay natin? Nasasayang na ang oras natin oh? Let’s goo na guyss!"-sigaw ni Bernie
Pumunta muna kami sa kanya kanya naming kwarto para makapag-palit.
"Alam ko.. pakulo mo lahat to eh!"-inis na sabi ni Isha habang papasok sa kwarto.
Hindi ko siya pinansin, sa halip ay humiga nalang ako sa kama without removing my shoes.
"Ayaw mo?"-mahina kong sabi
"Malamang! Tinanong mo pa.."-sagot naman niya
Dahan dahan akong tumayo at lumapit sa kanya.. Tinitigan ko siya sa mga mata!
"Wag mo nga kong tingnan ng ganyan!"-sabi niya..
Lumapit ako sa kanya.. as in malapit na malapit! Dahilan para mapaatras at mapa-sandal siya sa pader..
"Bakit. Natatakot kaba?"-bulong ko sa kanya habang magka-harap ang mga mukha namin.
Napalunok siya at napatitig sa mga labi ko. Alam ko! Alam kong gusto niya akong halikan.. simulan ko kaya?
Pinikit niya ang mga mata niya. Dahilan para mapaisip ako na gusto niya to! Hahalikan ko na siya.. wala ng dahilan para humindi pa!
*tok tok tok*-biglang may kumatok sa pinto
Sht! Ang malas naman.
"E-excuse me.."-mainahon niyang sabi sabay lusot sa tagiliran ko
Pagbukas niya ng pinto..
"Maam, towel niyo po tsaka comforter."-sabay abot nung roomboy kay Isha.
"Aah sige po Kuya.. salamat!"-sagot niya sabay sara ng pinto at binalikan ako.
"Lumabas kana muna!"-sabi niya habang nakatingin sakin.
"Hah? Bakit?"
"Magpapalit ako.."-simpleng sagot ko.
"Edi magpalit kana.. dito lang ako!"-humiga ulit ako sa kama.
"Baliw kaba? Magpapalit ako ng damit! Magbibihis.."-inis niyang sabi
"Eh bakit ba? Nakita ko naman yan dati ah? Hinalikan ko panga eh.. ayy wait, hindi lang pala hinalikan."-patawa tawa kong sabi.
"Arrggggggh!"-sigaw niya.
"Pwede ba wag kang nagku-kwento ng ganyan? That’s nonsense. Mabuti pa umalis kana muna!"-dagdag niya
"Oo na. Eto na! Hahahaha. Kukuha lang po ng damit."-kumuha ako ng damit sa bag tsaka umalis ng kwarto. Hayy! Isha talaga masyadong pakipot.
Dumiretso ako sa kwarto nila Daryl. Tamang tama andun din si Emer.
"Oh bro.. bat hindi kapa nagbibihis?"-salubong ni Daryl pagpasok ko ng pinto.
"Eto nga oh? Magbibihis na.."-sagot ko naman sabay angat ng short tsaka sando ko
"Eh kamusta naman sa kwarto niyo?"-nakangiting sabi ni Emer
"Wala eh! Mainit ang ulo. Di ko nga alam dun eh.. parang buntis. Ayaw akong makita!"-sagot ko
Si Adam ayaw magsalita, naka-higa lang siya sa kama habang nagla-laptop
"Bro! Diba nga sabi nila.. pag hindi mo makuha sa santong dasalan. Daanin mo sa santong paspasan!"-Daryl
"Gago.. syempre ayoko naman gawin yun kay Isha noh? Gusto kong daanin siya sa magalang na paraan!"-sagot ko
"Pwera nalang siguro kung tigang ba tigang kana ano?"-Emer
"Hahahahaha!"-natawa silang lahat
"Baliw.."-pa-snob kong sagot.
"Oh Adam? Di kapa ba magbibihis?"-dagdag ko.
"Ah mamaya nalang! May tinatapos pa kasi ako eh. Susunod nalang ako."-sagot niya.. napaka-weirdo talaga nito kahit kailan. Gustong gusto lagi na mapag-isa.
Nasa isang malaking tent kami sa gilid ng beach.. Asan naba si Isha? Bat ang tagal nun? Lumulubog na din ang araw.
"Oh bro.."-si Daryl. Umupo siya sa tabi ko sabay abot ng barbeque.
"Ready kana mamayang gabi?"-dagdag niya
"Matagal na akong ready!"-patawa kong sagot.
"Hahahaha! Sigurado yan ha?"-sagot naman niya..
"Oh! Anjan na pala siya?"-
Isha’s POV
Nasa labas ako ng hotel lumilingon lingon.. hinahanap ko sila Art. Saan kaya sila?
Naka-swim suit na din ako. Pero nagsuot muna ako ng long cardigan..
"Ishaaaaa. We’re here."-sigaw ni Bernie habang kumakaway kaway sakin
Nag-smile lang ako tsaka naglakad.. malayo layo din sila sa kinaroroonan ko.
"Hayys! Ang lamig.."-bulong ko sa sarili ko.
"Hi Miss.."-napahinto ako ng makasalubong ako ng dalawang lalaki. Huminto din sila sa harapan ko..
"Who’s with you?"-tanong nung isa.
Nakayuko lang ako at ayaw sumagot. Mga amoy alak sila.
"I like you. You’re so hot!"-pangiti ngiting sabi nung isa
Tinakpan ko ang katawan ko gamit ang cardigan na suot ko..
"Excuse me.."-sagot ko sabay naglakad palayo sa kanila. Pero hinawakan ako nung isa sa braso dahilan para mabilis akong mapaharap sa kanila.
"Ano ba.. bitiwan mo nga ako!"-sigaw ko
"Wait.. wag ka munang umalis! Why don’t you join us?"-sagot naman niya.
"Ano ba! Sabi ng bitiwan mo ako eh.."-pagpupumiglas ko. Pero ayaw niya akong bitawan. Lalo niyang nilalakasan ang hawak niya sakin.. nagtatawanan pa sila.
"Ayaw mo kong bitawan ha?"-sinampal ko siya ng napakalakas dahilan para mapahawak siya sa pinge niya. Habang nakahawak pa din ang isang kamay niya sa braso ko
"Oh.. that was hurt!"-sabi niya
Nanlaki ang mga mata ko nung bigla lang siyang ngumiti..
"But it’s okay.. ganyan naman talaga ang gusto ko sa mga babae eh! Yung palaban."-dagdag niya.
Humawak din sakin yung isang guy na kasama niya..
"Ano ba. Bitiwan niyo ako!"-sigaw ko
"Wag kanang pakipot Miss.. sandali lang naman to eh! Samahan mo muna kami.."
My tears was starting to fall..
"Hoyy.. Tarantado kayo ha! Bitiwan niyo siya"-sigaw ng isang lalaki kaya napalingon kaming tatlo..
Si Kent. Nilapitan niya kami!
"At sino ka naman?"-tanong nung isa
"Baka nagpapaka-night and shining armour"-sabi naman nung isa sabay tawanan.
"I said let her go.."-mainahong sabi ni Kent.
Binitawan ako ng isang guy tsaka dahan dahang lumapit kay Kent.
"Ang tapang mo ha? Bakit, sino kaba?"-tanong niya
“I’m her boyfriend. Kaya bitawan niyo siya kung ayaw niyong masaktan!”-nagsasalubong ang kilay ni Kent. Alam ko ang kalalabasan ng mga tingin na to.
“Aaaah. Kaya naman pala!”-sagot nung guy..
"Edi pahiram na muna.."-dagdag niya sabay talikod at naglakad pabalik samin..
"Eh gago ka pala eh!"-pinaharap siya ni Kent sabay binigyan ng napaka-lakas na suntok.
"Kent.. wag!"-sigaw ko
"Walang hiya ka!! Hindi for hire si Isha tanga!"-napahiga ang guy tsaka siya binigyan ni Kent ng sunod sunod na suntok..
Binitawan ako ng kasama niya at akmang tutulungan yung kasama niya pero biglang dumating sila Emer..
"Sige. Subukan mo at tatlo kaming gugulpi sayo!"-Daryl
Nanlaki ang mga mata nung guy tsaka tumakbo papalayo..
Dito na ako tumakbo papunta kay Kent..
"Tama na yan!"-awat ko sa kanya at agad din naman siyang bumitaw.
"Umalis kana dito at hindi lang yan ang aabutin mo sakin.."-sigaw niya sabay turo dun sa guy..
Dahan dahang bumangon yung guy at pagewang gewang na umalis.. tsaka ako niyakap ni Kent, napayakap na din ako sa kanya.
"Are you okay?"-tanong niya habang hawak hawak ang mukha ko. Tumango lang ako tsaka niya ako niyakap ulit..
*fast forward*
Kent’s POV
"Sayang naman tong pakulo mo Bro! Okay na sana eh kaso wala! Nawalan na ng gana si Isha.."-Daryl
Gabi na din kasi kaya mas minabuti nalang ni Isha na magpahinga nalang daw. Feel ko nasira yung gabi niya dahil sa nangyari kanina kaya hinayaan ko na muna siya sa kwarto.
Andito kami sa tent namin sa gilid ng beach. Umiinom!
"Okay lang! Sa ibang araw nalang siguro. Ayoko siyang pwersahin at baka lalo lang siyang ma-stress."-sagot ko
"Pero Bro you are running out of time! Babalik na si Isha sa L.A!"-Emer
"Syempre hindi naman ako papayag na umalis siya noh? Magunaw man ang mundo hindi pwedeng hindi kami magkasama ulit ni Isha!"-sagot ko
Tumango lang sila..
"But Bro! Remember.. just dont expect too much okay? At baka ikaw lang ang masasaktan sa huli."-Daryl
Hindi ko siya sinagot.. sa halip ay uminom nalang ako.
"Sige na! Magpapahinga na ako.. bahala na kayo dito ha?"-sabi ko sabay tayo sa pagkaka-upo.
"Sige Bro!"-sagot naman nila
Pumunta ako sa hotel at dumiretso sa room namin. Pagpasok ko! Nakatalikod si Isha..
Nilapitan ko siya at hinawakan sa braso. Mukhang tulog na siya! Awang awa ako sa kanya habang tinititigan siya. Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko napaka-laki ng kasalanan ko sa kanya.
Hindi ko naman siya masisisi kung bakit ganito nalang ang galit niya sakin. Kahit wala naman talagang nangyari samin ni Olivia, kasalanan ko pa din kung bakit kami umabot sa ganito. Dahil nagpadala ako kay Olivia! At yun ang bagay na pinagsisihan ko hanggang ngayon.
"I love you so much Isha!"-bulong ko sa kanya sabay halik sa noo niya. Tsaka siya kinumutan ng maayos..
Dahan dahan akong humiga sa isa pang kama tsaka ko pinikit ko ang mga mata ko.
Isha’s POV
Dahan dahang namulat ang mga mata ko ng makarinig ako ng ingay mula sa labas. Yung tunog ng sound system mula doon sa party sa may beach side dinig na dinig hanggang dito.
Inabot ko ang phone ko tsaka tiningnan ang oras.. 2:37 AM na!
Bumangon ako at sinuot ang slipper ko. Pagtayo ko! Nakita ko si Kent sa isa pang kama.. andito na din pala siya!
Lumapit ako tsaka tinanggal ang slipper niya. Kinumutan ko nadin siya! Mukhang tulog na tulog na.
Dahan dahan kong nilapit ang mukha ko sa kanya. Tsaka ko siya hinalikan sa noo!
"Thankyou for protecting me as always!"-bulong ko sa kanya. Yung mga promises niya sakin noon, pilit niya pa ding ginagawa hanggang ngayon. Kahit na pilit ko siyang tinataboy, gumagawa pa din siya ng paraan para maging okay kami.
Hanggang kailan ako magkukunwari na hindi ko na siya mahal? Hanggang kailan ako magpapadala sa mga sakit na nararamdaman ko? May chance paba para maibalik ang dating kami? Kahit mahal ko siya, pilit paring sinasabi ng utak ko na hindi na pwede.
Kinuha ko ang jacket ko sa bag tsaka lumabas.
Marami rami pa din ang mga tao.. may umiinom! Nagpa-party. May fire dancing! Lahat sila dito masaya.. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makita ko ang isang guy na naka-upo sa may buhangin.. umiinom mag-isa!
Nasa isang side lang siya. Malayo layo sa mga tao.. kaya nilapitan ko siya.
"Ad-Adam?"-mahina kong sabi.
"Isha? Bat gising kapa?"-tanong niya
"Ah ano.. ang ingay kasi eh! Kaya nagising ako."-sagot ko
"Ganunba? Si Kent?"-mainahon niyang tanong
"Nasa kwarto.. natutulog na!"-sagot ko
Hindi siya nagsalita. Hindi na din niya ako nilingon kaya umupo ako sa tabi niya.
"Are you okay?"-tanong ko..
"Ha? Of course. Lagi naman eh!"-sagot niya.
Diretso lang ang tingin niya habang umiinom ng beer.
"You’re not okay!"-sabi ko.
Ngumiti siya sabay yumuko..
"Bakit, may magbabago ba pag sinabi kong hindi?"-sabi niya
"Sanay na akong mag kunwari Isha! Sanay na akong magpanggap kahit ang sakit na sakit na!"-dagdag niya. Ngumingiti ngiti pa siya.
"Alam mo, simula noon hanggang ngayon lagi ko pa din hinihiling na sana naging ako nalang si Kent."-napatingin ako sa kanya.
"Adam! Hindi mo kailangang hilingin yon! Magkaiba kayo ni Kent. Hindi mo kailangang i-compare ang sarili mo sa kanya."-sagot ko
"Yun nanga eh! Magka-iba kami. Kaya hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit mahal na mahal mo pa din siya."
Nag-iiba na ang boses niya. Yung tunog na para bang iiyak na siya? Kinuha ko ang alak na hawak hawak niya.
"Tama na yan! Marami kanang nainom."-sabay tapon ng bote.
"I still loved you Isha!"-yumuko siya kasabay ng pagtulo ng luha niya.
"Adam.."-bulong ko
Niyakap ko siya. Sinandal niya ang ulo niya sa dibdib ko at dahan dahan kong hinimas ang ulo niya.
"I would choose to let you go kahit pa masakit! Because between me and Kent. Alam kong siya at siya pa din ang pipiliin mo!"-hagulgol niya.
Humarap siya sakin at tinitigan ako sa mata. Kinakabahan ako.
Hinawakan niya ko sa ulo at dahan dahang hinalikan ang pinge ko na malapit sa labi ko
"Just please let me do this."-umiiyak siya. Yung iyak na lalaking lalaki? Mas hinigpitan niya pa ang pagkakahalik sakin. Yung mga luha niya na dumidikit sa mukha ko ramdam na ramdam ko.
Hinayaan ko siyang humalik sakin habang umiiyak kasabay ng pagyakap niya sakin. di ako kumibo.
"Ang sakit Isha.. ang sakit!"-hagulgol niya.
Awang awa ako kay Adam. Wala akong magawa para maibsan ang sakit sa puso niya, sobrang laki ng utang na loob ko sakanya, simula noon hanggang ngayon hindi siya nawala sa tabi ko. Kung hindi ko man nakilala si Kent noon, malamang siya yung taong minamahal ko ngayon.
Gustuhin ko man na maging masaya siya, kulang pa din yun dahil hindi ko maibibigay sa kanya ang tunay nakaligayahan na hinahangad niya.
Kent’s POV
"San ba yun pumunta?"-tanong ko sa sarili ko habang hinahanap si Isha.. nagising ako sa ingay na nagmumula sa labas, pag-gising ko.. wala na sa kama si Isha. Pinuntahan ko na din ang mga kwarto ng mga kasama namin pero wala siya don. Tulog na din sila..
"Hayys! Saan kaba pumunta Isha??"-bulong ko sa sarili ko habang lumilingon lingon.
Pumunta ako sa may fire dancing pero wala pa din siya don. Lumingon lingon ako ulit hanggang sa..
"Isha??"-malayo layo ako sa kanila pero alam kong silang dalawa yun.
Si Adam at si Isha magkasama! Nakayakap pa si Adam sa kanya. Anong ibig sabihin nito? Napabuntong hininga ako. Ngunit mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko ng biglang halikan ni Adam si Isha sa labi.
Pilit kong pinakalma ang sarili ko.. inipon ko ng galit sa mga palad ko at kinimkim to!
BINABASA MO ANG
I GOT YOU MR. PROFESSOR
RomanceA love story between a Professor and a Fragile Student that you will love. ❤