Chapter #43: Isha Is Finally Back

2.3K 34 0
                                    

Isha’s POV

“Kuya, para po!”-sabi ko dun sa taxi driver.

Nandito ako ngayon sa labas ng hotel kung nasan sila Ellaine.

Dumiretso ako sa loob tska sumakay ng elevator. Nasa 6th floor daw sila.

*Dingggg Donggg*-Nag-door bell na muna ako.

Pagbukas ng pinto..

“Ishaaa. You’re here!!”-nakangiting salubong ni Bernie sakin sabay yakap.

“Hi Isha..”-lahat sila lumapit sa akin. Maliban kay Ellaine.. mine-make up-an kasi siya.

“Baklaaaa. Namiss kita sobra!”-dagdag ni Bernie

“Buti nalang at umattend ka. Akala ko bibiguin mo’ko eh!”-Ellaine.

“Alam mo namang importante kayo sakin eh!”-sagot ko.

“Isha.. namiss kita sobra!”-si Art sabay yakap sakin.

“Ako din bess.”-si Lauren din habang hawak hawak ako sa kamay.

“Oh siya siya. Umupo kana dito ng ma-make over na yang beauty mo to the highest level!”-Bernie. Pinaupo niya ako sa upuan

“Hoy Bakla. Ikaw ng bahala sa bestfriend ko ha?”-sabi niya don sa make up artist na magme-make up sakin.

Kent’s POV

“Huuu! Kinakabahan ako Bro.”-pabuntong hininga ni Kenneth.

“Ngayon kapa kakabahan ha? Eh ilang taon na kayong mag-on ni Ellaine ah?”-Adam

Tahimik lang akong naka-sandal sa kama.. nasa isang hotel kami ngayon. Naghihintay ng utos na pumunta na sa church..

“Eh syempre iba parin naman ang feeling pag ikakasal noh? Excited na may halong kaba! Damn. Nanginginig ako Bro! Hahaha”-Kenneth

“Gago! Ang OA mo Bro promise!”-Emerson

“HAHAHAHA!”-nagsitawanan sila

“Uyy Bro!”-si Daryl sabay tapik sakin.

“Oh bakit?”-simpleng sagot ko

“Bat tahimik ka jan?”-tanong niya

“Alam niyo mga Bro! Hindi na yan makapag-hintay na matapos tong wedding ko eh. Pano kasi! Sabik na yan na mahanap si Isha!”-patawa tawang sabi ni Kenneth

“Aaaah. Kaya naman pala!”-sagot naman ng tatlo

Lumapit si Emer sakin at inakbayan ako.

“Alam mo Bro! Wag kana munang mag-isip ng kung ano ano ngayon.. Mag-focus ka nalang sa partner mo mamaya! Ano kayang itsura niya??”-pabiro ni Emer

“Siguro mala Kylie Jenner yung beauty nun!”-Daryl

“Siguro mala Pia Wurtzbach ang katawan niya ano? Damn! Astig nun Bro! Ano sa tingin mo?”-patawa tawang sabi ni Kenneth.

“Mga baliw! Tigil tigilan niyo nga ako! Hindi ako interesado dun!”-sagot ko sabay tayo sa kinauupuan ko

“HAHAHA!”-tinawanan lang nila ako

“Mabuti pa! Mag-groufie nalang tayo.”-sabi ko sabay hablot ng phone ko

“Para sa kalayaan ng isang sugo ni satanas. 1 2 3 smile”-sabay capture sa phone

“HAHAHA!”-tawanan namin.

“Goodluck sa bago mong journey Bro!”-sabi ko

“Thanks Bro!”-sagot niya sabay yakap sakin.

“Aah Sir! Ready na po kayo? Aalis na po tayo papuntang simbahan!”-sabi nung driver nila Kenneth

“Ah sige Kuya! Susunod na po kami!”-sagot naman niya.

Isha’s POV

“Naku lagot!”-pabigla kong sabi.

“Oh bess. What happened?”-Bernie

“Wala kasi dito yung isang high heel ko. I think naiwan ko sa hotel na pinag-check inan ko.”-sagot ko

“Naah! Anong gagawin natin? We’re running out of time!”-Bernie

“Don’t worry bess. I have one! Try mo nalang kung kasya. Bern pa-check naman jan sa maleta ko oh pls?”-Ellaine

“Ah ok ok!”-Bernie

“Yung mga brides maid tska maid of honor mauna ng sumakay sa car. Susunod na lang bride natin!”-sigaw nung isang nag-aasikaso sa wed.

Kent’s POV

We’re here at the wedding venue. Si Kenneth nasa loob na! Habang kami andito pa sa labas.

“Asan na ba sila? Bat ang tagal?”-sabi nung Mom ni Kenneth

“Malapit na daw po Madam!”-sagot naman nung assistant ng mommy ni Ellaine.

Ilang minuto lang ang nakalipas ng biglang may dumating na car.

“Oh Bro! Yung partner mo nanjan na!”-kalabit ni Daryl sakin.

“Oh tapos? Ano naman ngayon?”-di ko siya pinansin. Sa halip ay tumutok nalang ako sa phone ko.

“So ano.. kumpleto naba kayo? Tatawagin ko kayo ha? Para malaman natin kung sinong wala pa dito.”-sigaw nung wedding organizer.

“Saan si Daryl?”-dagdag niya
“Ako po!”-sagot naman ni Daryl

“Emerson?”
“I’m here!”

“Adam?”
“Yes!”

“Kent Xander?”
Tinaas ko lang ang kamay ko habang nakatutok sa phone ko

“Oh girls naman..where’s Lauren?”
“Here..”

“Art?”
“Andito po.”

“Faith? (cousin ni Laine)”
“Ako po..”

“Isha Victoria?”

Biglang nanlaki ang mga mata ko. Tama ba ang narinig ko?

“I’m here..”-sagot niya kaya dahan dahan akong lumingon. Ang boses na yon! Ang boses na matagal ko ng gustong marinig.

“Babeee?”

Tila tumigil ang mundo ko nung makita ko siya. Yung feeling na biglang nag slomo yung buong paligid maliban saming dalawa?

Si Isha.. yung babaeng mahal ko. Yung babaeng ang tagal kong hinanap. Nakita ko na siya! Nasa harapan ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Parang nilagyan ng semento ang mga paa ko..

Napaka-ganda niya! Napaka-ganda parin ng mahal ko. Walang nagbago sa kanya. Bagkus ay lalo pa siyang gumanda. Naiiyak ako! Naiiyak ako sa sobrang saya.

“Oh ano? Ayaw mo parin ba jan sa partner mo? Hahaha!”-biro ni Emer sabay tapik sakin.

“Oh sige na! Pumunta na kayo sa mga partners niyo at magsisimula na tayo.”-sigaw ng wed. organizer

Nakatitig ako sa kanya habang papalapit siya sakin.

Di ko na napigilan ang sarili ko. Niyakap ko siya ng mahigpit.  Napaka-higpit..sabay sa pagtulo ng luha ko.

“Namiss kita babe.. ang tagal kitang hinanap.”-bulong ko.

Hindi siya sumagot. Nakatayo lang siya habang yakap yakap ko siya.

“Oyy ano bayan? Mamaya na yang landian magsisimula na tayo.”-sigaw nung wed. Organizer

“E-excuse m-me!”-pabulong niyang sabi habang dahan dahang tinatanggal ang kamay.

“A-a-I’m sorry. Hehe pasensya na! Napaka-saya ko lang talaga na nakita kita!”-patawa tawa kong sabi habang pinupunasan ang mga luha ko.

Nag fake smile naman siya.

Hindi ko alam kung nasisiyahan rin ba siya na makita ako o hindi.. ngunit isa lang ang nasisigurado ko sa mga oras na to! Yun ay ang sobra sobrang kaligayahan ang nadarama ko.

“Tat-tara na?”-paanyaya ko sa kanya sabay hawak ng kamay niya.

Nakatingin ako sa kanya habang naglalakad kami. Naka-smile lang siya! Hindi ko alam kung anong nasa isip niya..

Napakaganda niya. Feeling ko kami yung kinakasal.

Hanggang sa natapos yung kasal. Di nawala ang tingin ko sa kanya. Lagi akong nakasunod kahit saan siya magpunta.

Gabi na.. nasa reception venue na kami! Kasama niya sila Art habang sila Emer naman kasama ko. Nagsisi-uwian na din yung ibang bisita kakaunti nalang din ang tao.

Nakita kong lumabas si Isha mag-isa kaya sinundan ko siya.

Paglabas ko.. hinanap ko siya agad! Nasa isang upuan pala siya naka-upo. Tinatanggal yung sandals niya.

Isha’s POV

“Aaah-aray..”-bulong ko babang tinatanggal ang high heel na gamit ko.

Lumabas muna ako para tanggalin to! Sht.. Nagka-sugat na pala ang paa ko. Kanina ko pa to tinitiis eh! Bakit ba naman kasi sa dinami dami ng makakalimutan ko eh yung sandals ko pa.

“Ish-Isha??”-papalapit na boses na narinig ko

Bigla akong nanigas. Eto nanga bang sinasabi ko eh! Kanina pa siya nagpapa-pansin sakin. Habang ako todo iwas naman sa kanya.

Umupo siya sa tabi ko.

Anong gagawin ko? Dalawa nalang kaming nandidito.

“What happened?”-tanong niya

“Aah. Ano.. wala! Yung paa ko nagka-sugat lang.”-simpleng sagot ko

“Patingin nga!”-lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ang paa ko.

“Ah hindi na. Okay lang naman ako eh! Di rin naman masakit!”-pagpipigil ko

“Ano ba! Dumudugo nanga oh?”-nilapit niya ang paa ko sa mukha niya at dahan dahang inihipan.

Bigla akong natahimik at patagong ngumiti.

Kent’s POV

Iba ang nararamdaman ko habang inihipan ang paa niya. Palapit ng palapit sa labi ko. Napaka-kinis pa din niya. Napaka-puti! Naaalala ko yung mga araw na hinahalikan ko to pataas sa katawan niya.

Tinaas ko ang tingin ko sa mga mata niya. Tinitigan ko siya habang nakadikit ang labi ko sa napaka-kinis niyang paa.

“Aah.. ok-okay na!”-binaba niya ang paa niya at pinulot ang sandals niya.

“Sige.. uuwi na ako!”-dagdag niya sabay tayo.

“Ihahatid na kita!”-paanyaya ko.

“Hi-hindi na! Kaya ko naman eh!”-naglakad siya habang naka-paa. Habang ako naiwang naka-upo lang.

Tumayo ako tsaka naglakad papunta sa kanya. Binuhat ko siya sa balikat ko.

“Ad-ano ba!! Ibaba mo nga ako..”-sigaw niya habang pinagpapalo ako sa likod.

“Pag sinabi kong ihahatid kita, Ihahatid na kita!”-simpleng sagot ko.

Pinasakay ko siya sa kotse tska pina-seat belt.

“Saan kita ihahatid?”-tanong ko sa kanya.. habang siya nakatingin lang sa bintana ng kotse..

“Sa hotel na pinag-check inan nila Ellaine. Kukunin ko lang mga gamit ko tska uuwi na din ako.”-nakatalikod niyang sagot.

“San ka uuwi? Hatid na kita don.”-tanong ko habang di maputol putol mga ngiti ko.

Hindi niya ako sinagot. Sa halip ay sumandal nalang siya sa bintana ng car.

Gusto ko siyang kausapin. Gusto ko siyang tanungin! Maraming bagay ang bumabagabag sakin. Isa na don ang tanong na.. “bakit mo ako iniwan?” isa dapat yan sa mga tanong na itatanong ko sa kanya sa oras na makita ko siya. Pero bakit ganon? Bakit parang pinutulan ako ng dila? Ni wala akong mabigkas ni isa sa mga plano kong itanong sa kanya. Siguro kasi natatakot ako! Natatakot ako na baka pag tinanong ko siya.. e baka umalis na naman siya! Baka iwan na naman niya ako.

Isha’s POV

“Sa-salamat! Pwede kanang umalis. Kaya ko ng umuwi mag-isa!”-sabi ko habang kumakatok sa pintuan.

Naiilang ako. I mean! Kahit pa gusto ko siyang makita ng matagal.. nag-iiba ang paningin ko pag naaalala ko yung mga bagay na kinagalit ko sa kanya noon. Kahit pa hindi naman talaga sila nag-kaanak ni Olivia.. iba pa rin ang epekto sakin pag naalala ko yung mga times na magkasama sila.

Nakatalikod ako sa kanya habang kumakatok sa pinto.

“Hintayin na kita!”-sagot niya.

“Pwede ba. Kaya ko na!”-nakatalikod kong sagot.

Tamang tama bumukas na din ang pinto.

“Oh Isha? Anjan kana pala? Bat bigla ka nawala kanina?”-si Art. Nauna na pala silang umuwi.

“Oh Bro? Anjan ka din pala.”-Emer

“Yeah! Hinatid ko lang si Isha!”-sagot naman niya.

“Aah.. kukunin ko lang yung gamit ko! Uuwi na din ako.”-sagot ko habang naglakad papasok.

“As in? Chill muna tayo bes. Ang tagal ka kaya naming di nakasama!”-Bernie

“Ha? Eh.. ilang araw pa naman akong magse-stay dito eh! Sa ibang araw nalang siguro”-palusot ko

“Ano kaba naman Isha! Mukhang hindi mo naman kami namiss eh!”-Daryl

“Isha??”-si Adam. Kaya napalingon ak

“Stay here please!”-dagdag niya.

Lahat sila nagsitahimikan. Hinihintay na sumagot ako.

“Aah..eh.. ok-okay!”-mahina kong sagot. Hindi na ako pumalag lalo pa’t si Adam na ang nagyayaya. Mahirap siyang tanggihan dahil malaki ang utang na loob ko sa kanya. I’m just returning the favor.

“Yeheeeey!”-sigaw nila

“Oh Bro! Join us.. para kang statue jan eh. Hahaha!”-sigaw ni Emer kay Kent.

Uminom kami buong gabi. Kumpleto kami maliban lang kay Ellaine at Kenneth. Gabing puno ng tawanan at asaran! Namiss ko yung ganitong moment. Yung makipag-chill sa kanila buong gabi.

Inabot na din kami ng madaling araw. Hanggang sa nagyaya si Emer na mag laro ng spin the bottle.

“Isha, naaalala niyo ba yung first bonding natin noon sa resort nila Kenneth? Firstime din nating mag spin the bottle nun. Ang saya nun diba? Diba Kent?”-patawa tawang sabi ni Art

Nagka-tinginan kami ni Kent. Sht! Yung bath tub moment namin noon, biglang sumagi sa isip ko.

“Aah.. o-oo!”-sagot ni Kent.

“Oh! Ito na.. iikot ko na ha?”-sabi ni Lauren

Inikot niya ang bote. Tamang tama kay Adam humarap.

“Hahaha! Adam..so pano yan? Truth o Dare?”-Lauren

“Hahaha Osige. Truth!”-patawang sagot ni Adam.

“Hmm.. may girlfriend kana ba ngayon? Or nililigawan?”-Lauren

Dahan dahang lumingon si Adam sakin. Pero iniwasan ko siya ng tingin!

“Actually wala pa rin!”-simpleng sagot niya

“Ha? Seriously? Bakit naman?”-Lauren

“Because I still love someone.. Someone I wish to love me the same way I did.”

Napayuko ako. Alam kong ako ang tinutukoy niya!

“Ayy ano ba yan! Move on din pag may time cous!”-Bernie. Sabay tapik kay Adam

“Oh sige na sige na.. Iikot ko na ulit.”-Lauren

“Ishaaaa.”-sigaw nila ng matapat sakin ang bottle. Napangiti naman ako!

“Truth or Dare?”-tanong ni Daryl

“Hmm. Sige truth!”-nakangiti kong sagot.

“Hmm.. sige! This is the question..”-napatigil si Daryl sa pagsasalita ng biglang sumingit si Kent.

“Bro wait!”-sabi niya agad.

“Oh bakit bro?”-Daryl

“Pwede bang ako nalang ang magtanong?”-mainahon niyang sabi

Sht! Anong ginagawa niya? Kinakabahan ako.

Tumingin si Daryl sakin.

“Si-sige..”-sagot ni Daryl kaya napayuko nalang ako

“Bakit mo ako iniwan?”-tanong ni Kent.

Biglang nanlamig ang buong katawan ko. Dahan dahan akong lumingon sa kanya

Napaka-tahimik ng lahat. Ni walang gustong magsalita..

“Ahh! Ano bayan parang ang init. Palamig muna ako sa labas ha?”-Si Art sabay tayo sa kinauupuan niya

“Samahan na kita!”-sabi naman ni Emer

“Aah! Wala na pala tayong drinks. Bili lang ako sa labas ha?”-si Bernie.. sabay tayo sa pagkaka-upo

“Bess, sama ako!”-sigaw naman ni Lauren

“Aah Bro! Yosi lang ako ha?”-sabi naman ni Daryl.

Tatlo nalang kaming natitira. Si Adam, Kent at ako.

Nakayuko lang ako. Habang si Kent nakatingin sakin. Si Adam naman nakatingin kay Kent.

Dahan dahang tumayo si Adam at umalis ng walang imik.

Dalawa nalang kaming natira ni Kent. Nanginginig ako! Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto kong tumayo at umalis pero hindi ko magawa.

Uminom si Kent ng beer tska ako tinanong ulit.

“So bakit mo nga ako iniwan?”-paulit na sabi niya.

Di ko siya nilingon. Nakayuko pa din ako!

“Alam mo ang sagot sa tanong mo Kent.”-pasimpleng sagot ko

“Dahil hindi mo ako hinayaang magpaliwanag Isha!”-pasigaw niya

Lumingon ako sa kanya.

“Kent binigyan kita ng chance! Pero sinayang mo yon.”-sagot ko

“Hindi ko gusto ang nangyari Isha! Hindi ko ginusto yon!”

“Sige. Sabihin na nating hindi mo gusto! Pero Kent lalaki ka! Kung iiwasan mo siya maiiwasan mo! Hindi yung hahayaan mo siyang landiin ka.”

“Isha. Iniwasan ko siya! Hindi ako nagpalandi. Walang nangyari! Hindi kami nag-kaanak.”-mainahon niyang sabi.

“Alam ko.. pero yung sakit na naidulot niyo sakin andito pa din! (sabay turo sa puso) Everytime na naaalala ko na you slept with her. Nasasaktan ako! Lalo na pag iniisip ko na you and Olivia had kiss. But it’s okay Kent. It’s been a years din naman! I already have a peace of mind. Napatawad ko naman na din kayo!”-tumayo ako tska naglakad papalabas ng pinto.

“Babe please..”-niyakap niya ako patalikod tsaka siya naiyak.

“Bumalik na tayo sa dati.. para mo ng awa!”-hagulgol niya.

Dito na din ako naiyak.

“I still loved you Isha! From now and then. Hindi yun nagbago..”-pumunta siya sa harap ko at hinawakan ang dalawang kamay ko.

“Please! Bumalik na tayo sa dati. Hindi ko kakayanin pag nawala kapa ulit..”-dagdag niya

Hindi ko siya sinagot. Sa halip ay inalis ko ang kamay niya tska naglakad palagpas sa kanya.

Hinawakan niya ako sa braso at mabilis na pinaharap sa kanya. He pulled me papunta sa kanya sabay halik sa mga labi ko.

Hindi na ako nakapag-salita. Dahan dahan ko siyang tinutulak pero mas lalo niyang nilalakasan ang pagkakahawak sa balakang at ulo ko.

Namiss ko to. Yung halik niya! Yung halik niya na gustong gusto ko.. ganun parin ka soft ang lips niya. Yung amoy na nagmumula sa ilong niya pag humihinga siya habang hinahalikan ako ang mas lalong nagbibigay sakin ng dahilan para wag kumawala.

Hindi ko namamalayan na bumabawi na din ako sa mga halik niya. Hindi to pwede! Hindi ka pwedeng bumigay ulit sa kanya Isha.

Tinulak ko siya dahilan para kumawala ako sa kanya.

“Stop! Please stop.”-mainahon kong sabi tsaka mabilis na lumabas ng pinto.

“Isha saan ka pupunta?”-sigaw ni Art ng madaanan ko sila sa labas ng room.

“Isha.. stop!”-sigaw naman ni Kent habang hinahabol ako.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa labas hotel. Huminto ako sa gilid ng kalsada para mag-abang ng taxi.

“Babe please. Mag-usap naman tayo ng maayos”-bulong niya habang nakahawak sa braso ko.

“Pwede ba.. wag mo akong tawaging babe. At pwede ba! Lubayan mo na ako..”

“Alam mong hindi ko gagawin yan Isha..”-sagot niya.

Kent’s POV

“At bakit hindi?”-sigaw niya.

“Dahil mahal kita. At ayokong mawala ka pa.”-pasimpleng sagot ko sabay yakap sa kanya.

“Ano ba? Bitiwan mo nga ako!”-pagpupumiglas niya.

“Hindi. Hindi ka pwedeng umalis!”-sinubukan kong buhatin siya ng bigla siyang sumigaw.

“Tulong.. tulong.. Mamang pulis! Tulungan niyo ako!”-sigaw niya.

Paglingon ko nakatingin na samin yung mga pulis na nakatambay sa kanto.

“Patay!”-bulong ko sa sarili ko.

“Mamang pulis please tulungan niyo po ako. He was trying to rape me!”-sigaw niya

“Hoy anong rape rape ka jan?”-kunot noo kong tanong sabay takip sa bibig niya.

“Pwede ba Isha tumigil kana”-bulong ko

“Hoy hoy hoy.. ano yan ha?”-sabi ng dalawang pulis na lumapit samin.

Tumakbo si Isha papalapit sa kanila.

“Sir.. ito kasing lalaking to! Hoholdapin daw po ako. Tapos sinubukan niya pa akong gahasain.”-maamo niyang sabi.

Nanlaki ang mga mata ko.

“Tek-teka. Seriously Isha?”-curious kong tanong

“Anong Isha? Hindi Isha ang pangalan ko noh?”-damn! Seryoso ba siya sa ginagawa niya? Gusto niya ata akong makulong eh.

“Hoy.. totoo ba tong sinasabi ni Miss Beautiful ha?”-sabi nung isang pulis. Miss Beautiful Miss Beautiful ka jan. Barilin ko ulo mo eh!

“Sir, mukha ba akong holdaper at rapist?”-tanong ko

“Ah s-sir.. kita niyo naman kanina diba? Binuhat niya ako. Tinakpan pa yung bibig ko.. eh kung di ko pa kayo nakita malamang nagahasa nanga ako! Huhuhu. Kaya mamang pulis please po hulihin niyo na yang lalaking yan.”-nagda-drama pa siya. Sht! Naku Isha ha? Pag ako nakabawi sayo makikita mo. Makasama lang kita sa kwarto patay ka sakin.

“Halika na! Sumama kana samin!”-sabi nung isang pulis sabay hawak sa braso ko

“Pero Sir.. wala po akong ginagawang masama!”-pagpupumiglas ko

“Beeee bee beebe be..Hahaha buti nga sayo.”-pang-iinis ni Isha.

“Sa prisinto ka nalang magpaliwanag.”-dagdag nila.

“Pero Sir..”

“Hahaha!”-patawa tawa pa si Isha.

“Maam! Sumama na din po kayo.”-sabi nung isang pulis

“Ha? B-but why?”-gulat na sabi ni Isha.

“Para mahingan narin po kayo ng statement.”-sabay hawak sa braso ni Isha

“Pep-pero Sir..”

Bigla akong natawa habang tinitingnan siya.

“Hahaha buti nga sayo.”-sabi ko naman.

@Police Station

“Sir! Wala nga po akong ginagawang masama eh. Ilang beses ko po bang sasabihin sa inyo yun?”

Nasa Chief’s Office kami ngayon. Magkaharap kami ni Isha ng upuan.

“Sir! Ilang beses ko din ba dapat sabihin sa inyo na gusto akong gahasain ng lalaking to? Witness nga yung dalawang police jan eh.”-taas kilay na sabi ni Isha.

Lumingon sakin si Chief.

“Eh Sir meron lang po kaming maliit na hindi pagkaka-intindihan. LQ kumbaga! Ganyan naman talaga ang mag-partner diba?”-patawa tawa kong sabi.

Napanganga si Isha habang nakatingin sakin. Yung kilay niya nagco-collab na din.

“Hoy! Anong LQ ang pinagsasabi mo jan ha? Kapal naman ng mukha mo.. Sir, wag po kayong maniniwala sa lalaking to dahil napaka-sinungaling niya.”-sagot naman niya habang pinagtuturo ako.

Dito ko napansin ang singsing na nasa kamay niya. Hindi ako pwedeng magkamali. Ito yung singsing na binigay ko sa kanya nung nag-propose ako.

Andito pa pala sa kanya to? Ibig sabihin tinago pa rin niya. Bigla akong nabuhayan at nabigyan ng pag-asa. Mahal pa rin ako ni Isha! Oo nararamdaman ko yun. Dahil kung hindi niya na ako mahal malamang matagal na niyang inalis ang engagement ring niya.

“Oh Sir? Bat di ka makasagot?”-sabi nung chief. Paano kasi titig na titig ako kay Isha habang nakangiti.

“Aah Sir.. actually fiance ko po siya!”-nakangiti kong sabi

“Haa? Fiance??”-sabi nung chief.

“Yes Sir.. actually eto nga po yung engagement ring na bigay ko sa kanya oh?”-hinawakan ko ang kamay niya at inangat.

“S-sir.. wag po kayong maniniwala jan! Nagpapalusot lang po yan para hindi niyo siya ikulong.. ni wala nga siyang ebidensya na kilala niya ako eh!”-palusot niya

“Eh sir.. meron po ba kayong patunay na totoo lahat ng mga sinasabi niyo?”-tanong ng chief.

Napapaisip ako. Sht!

“Oh ano? Wala diba? Tss. Ikulong niyo na po yan!”-patawa tawang sabi ni Isha.

Tumango yung chief paharap sa mga kasama niya. Sign na hulihin na dapat ako.

“S-sir.. wait po! Meron po akong evidence.”-sabi ko agad

Nanlaki ang mga mata ni Isha.

“Eto po.”-sabay pakita ng mga picture namin sa phone ko.

“Oh diba? Ang sweet sweet namin..”-patawa kong sabi..

“Oh ito.. ayan.. ayan pa!”-habang nagso-scroll sa gallery.

“Ah sir.. may mas malupet pa po jan!”-dagdag ko sabay hubad ng polo ko.

“Ayaaan!”-pinakita ko ang tattoo ko sa chest na may mukha ni Isha.

Di na nakapag-salita ang chief sabay lingon kay Isha. Napakamot ng ulo si Isha at nag- iwas tingin.

“Maam! Sa susunod po na mag-aaway kayo.. pwede bang sa kwarto niyo nalang po? Hindi yung dinadamay niyo pa po kami.. Marami pa po kaming mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin.”

“Hahaha. Sabi ko naman kasi sa inyo eh! Kaso ayaw niyong maniwala.. alam niyo kasi Sir! May pagka-topakin po talaga tong fiance ko eh. Kaya intindihin niyo nalang po! Ako na pong humihingi sa inyo ng pasensya”-pabiro ko habang sinusuot ang polo ko

Lumingon si Isha sakin. Yung mata niya mukhang nag-aapoy na sa sobrang inis. Hahaha! Napaka-cute niya pa din kahit galit.

“Osige na! Umalis na kayo at may gagawin pa kami. Wag na kayong babalik dito ha?”-Chief.

“Tara na babe?”-bulong ko sabay akbay sa kanya.

Hahaha tawang tawa pa din ako sa reaksyon niya. Sarap niyang kurutin sa pisnge.. Lalo tuloy akong naiinlove pag nagagalit siya ng ganito.

“Umalis ka nga jan!”-tinanggal niya ang kamay ko mula sa pagkaka-akbay sa kanya nung makalabas na kami ng police station.

“Oh ano ka ngayon ha? Di gumana yang pakulo mo noh? Hahaha. Balak mo talaga akong ipakulong ha? Di bagay sakin babe. Masyado akong gwapo.”-biro ko sa kanya.

Nagsasalubong ang kilay niya..pumunta ako sa harap niya pero iniiwasan niya ako ng tingin.

“Pero yung totoo.. bakit anjan pa din sayo yung singsing?”-nakangiti kong tanong.

Hindi siya sumagot. Binaling niya ang tingin niya sa iba at ayaw akong pansinin.

“Love mo pa din ako noh?”-dagdag ko

“Yuccck!”-pa snob niyang sagot.

“Hahaha! Eh bakit nga anjan pa din sayo yan?”-tanong ko ulit

“Baba-bakit.. masama ba? Eh sa nasasayangan ako eh.. yun lang yun!”-palusot niya

“Sus.. nasasayangan? Eh barya lang yan sayo eh… Ang totoo. Mahal mo pa din ako kaya hindi mo yan matapon tapon!”-pang-inis ko

“Tss.. Napaka-feeling mo naman! tumabi ka nga jan!”-tinulak niya ako palayo sa kanya.. hayys! Kanina pa to nanunulak ha?

“Taxi??”-sigaw niya sabay para ng taxi.

Sumakay siya at mabilis na sinara ang pinto. Pero sinundan ko siya kaya mabilis ko din namang nahila ang pinto dahilan para maghilaan kami. Hahaha!

“Ano ba.. lubayan mo ako!”-sigaw niya habang hinihila ang pinto pasara

“Buksan mo nga to! Ihahatid kita sa inyo..”-sigaw ko naman habang hinihila ang pinto pabukas.

“Hindi na kailangan! Kaya kong umuwi mag-isa kaya pwede ba. Layuan mo na ako!”-sigaw niya

“Sabi ng ihahatid na kita eh!”-sagot ko

“Hoy ano ba??”-sigaw nung driver kaya pareho kaming natahimik at napalingon sa kanya

“Sasakay ba kayo o hindi? Sinasayang niyong oras ko eh.. ang tatanda niyo na mga isip bata parin kayo!”-dagdag niya

Dahan dahang binitawan ni Isha ang pinto ng taxi dahilan para makasakay ako.

“Ganyan nga! So ano, saan ko kayo ihahatid?”-tanong ni manong driver.

“Villamor Hotel po ako manong..”-mainahong sabi ni Isha.

“Ikaw Sir?”-tanong naman niya habang tinitingnan ako sa salamin.

“Aah.. Villamore Hotel din po Sir..”

“Whaaaaat?”-napanganga siyang lumingon sakin.

Nginitian ko lang siya dahilan para madagdagan ang inis niya.

“Such an idiot!”-bulong niya sa sarili niya.

@hotel

Isha’s POV

“Bakit kaba sunod ng sunod ha?”-inis na sabi ko habang naglalakad papunta sa room ko

“Ihahatid kita!”-pasimpleng sagot naman niya habang nakasunod sakin.

“Hindi mo ba nakikita? Andito nanga ako sa hotel diba?”-pasigaw ko.

“Ihahatid kita sa room mo!”-sagot naman niya.

Napahinto ako at dahan dahang lumingon sa kanya.. paglingon ko, nakangiti lang siya sakin!

“Arrrrrgggh!”-sigaw ko habang kinikimkim ang dalawang palad ko sa harap ng mukha niya..

Dumiretso ako sa loob at mabilis na sinara ang pinto pero mabilis din niya itong hinarangan gamit ang kamay niya.

“Ano na naman ba? Don’t tell me na ihahatid mo pa ako hanggang kwarto?”-tanong ko. Sumandal lang siya sa sa pinto at hinarap ang mukha sakin.

“Bakit.. ayaw mo ba?”-bulong niya

“Baliw..”-tulak ko sa kanya..

Sinara ko ang pinto at hinarangan niya ito ulit.
Dahilan para mapabuntong hininga ako.

“Pwede ba kitang yayain bukas? For a date?”-patawa tawa niyang sabi.

“Ayoko. Hindi pwede! Kaya baka pwede.. umalis kana? Bago pa ako tumawag ng guard dito.”-sinara ko ulit ang pinto at hinarangan na naman niya to sa huling pagkakataon.

“Last na to.”-sabi niya

Kunot noo akong tumingin sa kanya.

“Iloveyou..”-bulong niya kaya natahimik ako.

“U-umuwi ka-kana.”-pabulol kong sabi sabay sara ng pinto.

Sh***t! Napapa-smile ako. Hindi ko maiwasang di kiligin. Ano ba tong nangyayari sakin? Bibigay naba ako? Feeling ko nililigawan niya ako ulit. Arrgggh! Nakakainissss.

Nag-half bath na muna ako tsaka humiga sa kama. 2:45 AM na rin. Pagod na pagod ako pero bat hindi ako makatulog??

Asan na kaya si Kent? Umuwi na kaya siya? Teka, bat naman ako concern sa kanya? Bahala siya sa buhay niya noh..

Napapaisip ako. Di kaya nasa labas pa din siya? Silipin ko kaya? Wala rin naman atang masama diba? Sisilip lang naman eh.

Naglakad ako papunta sa pinto at dahan dahan tong binuksan..

Pagbukas ko..

“Ayy.. wala na siya! Umuwi nanga siguro.”

I GOT YOU MR. PROFESSORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon