Chapter #26: Unforgettable Night with Adam

2K 33 0
                                    

Isha's POV



Pasukan na naman! Maikli lang ang bakasyon pero napakaraming nangyari. Una namatay ang mom ni Kent! Sunod naman bumalik si Olivia. But, Kent and I can still handle our relationship..



Nasa room kami ngayon. Waiting for our first subject..



"Good Morning class!"-bati ng lalaking pumasok sa room.



"Namiss niyo ba ako?"-dagdag niya



Paglingon ko si Alfred pala.



"Actually hindi ka namin namiss. At never ka din naming mamimiss!"-sabi ko sa sarili ko.



"Ah Sir.. bat ngayon lang kayo ulit nagpakita?"-tanong ng kaklase ko.



"May mga importanteng bagay lang akong inasikaso!"-sagot niya.



"So importanteng bagay pala sayo ang mang-rape ha?"-bulong ni Art sakin..



"Okay class.. Lets start our lesson today!"



Hindi ako nakinig buong klase. Wala akong gana! Ayokong makita ang pagmumukha ni Alfred..



Natapos ang klase ng wala manlang kahit isang word ang pumasok sa isip ko sa mga sinabi ni Alfred.



"Class dismiss"-Alfred.


Dire-diretso akong lumabas at sinundan naman na din niya ako.



"Isha??"-paghahabol niya sakin.



"Isha, please stop!"-hindi ko siya pinapansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.



"Isha? Ano ba?"-hinila niya ako sa braso kaya napalingon ako. Agad ko din namang tinanggal ang kamay niya sa pagkakahawak sakin.



"Ano na naman ba yun?"-kunot noo kong tanong



"Pwede ba kitang yayaing kumain sa labas?"



"My god Alfred! What comes to your mind para isiping papayag ako?"



"Isha.. kailangan nating mag-usap! May kailangan kang malaman."



"Please stop! Tigilan mo na ako please lang.. ayokong makarinig ng kahit na anong bagay mula sayo! Kaya please lang tama na.."



Iniwan ko siya tska nagpatuloy sa paglalakad. Walang hiyang yun! Sa kabila ng ginawa niya sakin nagawa niya pa akong yayaing lumabas! Napaka-walang hiya talaga..



*fast forward*



Nasa Retrograde kami ngayon na bar ni Kent. Lahat kami! 8PM na rin ng gabi.



"So pano yung bahay na pinapagawa mo bro?"-tanong ni Kenneth



Naka-akbay si Kent sakin habang nakayakap naman ako sa balakang niya



"Konti nalang matatapos na!"-tumingin siya sakin at nag smile habang kinakamot kamot ang braso ko.



"Eh pano naman yung bahay niyo ng mom mo? Ibebenta mona ba?"-Emerson



"Syempre hindi. Hinding hindi ko ibebenta yun..Tska andun din naman si Yaya Conchita and yung iba pang maid para magbantay."-sagot naman niya



Napansin namin na parang may nagkakagulo kaya napatayo si Kent..



"Babe wag.. baka mapa-away kapa!"-pagpipigil ko sa kanya



"Sandali lang to. Babalik ako okay?"-sagot naman niya sabay kiss sa noo



Sinundan ko si Kent. Hanggang sa makita namin yung babaeng binabastos ng isang lalaki.



Hinila ni Kent ang girl at tinabi sa likod niya. Napaka-protective talaga ng babe ko

I GOT YOU MR. PROFESSORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon