Chapter #38: Olivia's Child Is Not Mine -Kent

1.9K 18 0
                                    

Kent’s POV

Magdidilim na. Asan na kaya yung babe ko? Sabi ko naman eh sunduin ko nalang. Kaso ang tigas ng ulo. Ayaw magpasundo.

Nasa sofa ako. naka-upo! Umiinom ng beer habang nanonood ng movie..

“Hayys. Ang tagal naman!”-sabay tingin sa relo ko.. Humanda sakin yun paguwi. Ipa-punish ko talaga yun sa kwarto. Hahaha! Mamaya ka sakin ha..

*Dinggg donggg*

Hayy buti naman at dumating din. Naglakad ako papunta sa pinto para buksan.

Pagbukas ko..

“Ikaw?? What are you doing here?”

Nagpagewang-geewang siyang naglakad papunta sa loob.

“Wala. Gusto ko lang makita ang soon to be daddy ng baby ko.”

Lumapit ako sa kanya.

“Olivia hindi ka dapat naglalasing. Hindi ka dapat umiinom dahil makakasama yan sa bata!”-sigaw ko.

“Kung ito lang ang paraan para pansinin mo ako. Pwes, gagawin ko to sa ayaw at sa gusto mo.”-sigaw niya

“Olivia ano ba? Are you crazy? Anak ko pa rin yang dinadala mo. Hindi mo dapat ginagawa yan.”

“Concern ka sa bata pero sakin hindi? Kent ako dapat yung kasama mo! Ako dapat yung inaalagan mo dahil anak mo ang dinadala ko.”-umiiyak siya

“Pag-uusapan natin ang tungkol sa bata. Pero hindi ngayon! Lasing ka Olivia. Umalis kana at baka madatnan kapa ni Isha dito.”

“Isha Isha.. puro ka nalang Isha.. wala ka ng bukambibig kundi ang Ishang yan! pano naman kami ng anak mo Kent?”-hagulgol niya.

“Liv please.. umalis kana!”

Isha’s POV

“Salamat sa paghatid Adam ha?”-nasa kotse palang ako ni Adam. Naka park sa labas ng tower..

“Walang anuman. Kaw talaga!”

Tinitigan ko siya sa mga mata.

“Thankyou for always being their for me Adam. Lagi kang nanjan para sakin. I hope one day masuklian ko lahat ng kabaitan mo.”

“Sus. Ano kaba? Maliit na bagay. Sabi ko naman sayo diba? Basta pagdating sayo.. I’m one call away.”-nakangiti niyang sagot.

“Oh sige.. aalis na ako. Mag-iingat ka ha?”-tska ako bumaba ng kotse.

“Wait..”

Napalingon ako.

“Goodluck..”-dagdag niya.

Ngumiti at tumango lang ako. Sinabi ko kasi sa kanya na aaminim ko na kay Kent ang totoo. Napapangiti ako tuwing naiisip ko kung anong magiging reaksyon niya. But I hope everything will be fine. Excited na may halong kaba ang nararamdaman ko sa ngayon.

Kent’s POV

“Liv please.. umalis ka nalang!”

Patuloy pa din siya sa pag-iyak..

“Umalis kana bago pa dumating si Isha. Nagugulo ang relasyon namin pag anjan ka! Wag kang mag-alala! Magpapaka-ama ako sa bata. Pag-usapan natin yan pero hindi sa ganitong sitwasyon.”

Tumingin siya sakin at hindi sumagot habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Dahan dahan niyang tinanggal ang damit niya.

“Olivia ano bang ginagawa mo? Pwede bang tumigil kana sabi!!”-hinatak niya ako payakap sa kanya sabay halik sa mga labi ko dahilan para matumba kami sa sofa.

Napaka-bilis ng pangyayari ni hindi manlang ako naka-iwas.

“Kent?”-bigla akong napatayo sa maamong boses na narinig ko.

“What the f*ck did you do?”-sabay sa pagtulo ng mga luha niya.

Napalunok ako at mabilis na tinulak si Olivia at lumapit sa kanya.

“Babe.. I’m sorry. Mali ka ng iniisip.”-ngunit isang napakalakas na sampal ang natamo ko muna sa kanya.

“Hayop ka! Walang hiya ka! Ang bababoy niyong dalawa.. umalis kayo dito! Mga walang hiya kayo! Mga babooy.”-pinagsasapak niya ako habang sinabunutan naman niya si Olivia sabay kaladkad palabas ng pinto.

“Babe. I’m sorry please let me explain.”-pakiusap ko sa kanya.

Lumalakas ang hagulgol niya habang napapahawak sa dibdib.
Wala akong magawa. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Tila naninigas ang dila ko..

“Binigyan kita ng chance Kent. But what the hell did you do ha? Tinanggap kita kahit pa may anak ka sa iba. Pero anong nangyari? Paano mo nagawa sakin to?”

“Babe, mali ang iniisip mo. Wala kaming ginagawa. Hinatak niya ako papunta sa kanya yun lang yun!”

“My god Kent! She was undressed. Sa tingin mo ba maniniwala pa ako sayo? Well not this time. It’s over! We’re done this shit Kent.”

Naglakad siya papunta sa kwarto tska nagligpit ng mga gamit niya. Sabay ng pagpigil at pagmamaka-awa ko sa kanya.

“Nagmamaka-awa ako sayo Isha. Wag mong gawin sakin to.”-niyakap ko siya patalikod ng napaka-higpit. Pareho kaming naiiyak ng sobra

“We should stop this. Sobra sobra mo na akong nasaktan!”-kumawala siya tska naglakad palabas ng condo.

“Isha please. Don’t do this. Hindi ko kakayanin pag nawala ka sakin..”

Naiwan akong umiiyak sa kwarto.. Hindi ko alam kung anong hakbang ang gagawin ko.

Huminto siya sa harap ni Olivia at akmang sasampalin pero hininto niya ang palad niya at sinabing..

“Maswerte at hindi ako nanakit ng bata!”-tsaka nagpatuloy sa paglalakad.

“Isha please..”-sigaw ko

Hindi ako makapaniwala! Bakit nangyari to? Si Isha. Yung babaeng mahal ko. Iniwan na ako!

Isha’s POV

Mabilis akong nag-drive ng kotse paalis ng condo. Hindi ko alam kung san to patungo. Pero isa lang ang alam ko! Sobra sobrang sakit ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

Mabilis kong na force break ang kotse ko kasabay ng pagsandal ng ulo ko sa manobela.

“Paano mo nagawa sakin to Kent! Paano mo nagawa sakin to.”-hagulgol ko.

Hindi ako makahinga. Naninikip ang dibdib ko! Dala nito ang lungkot at sakit na nararamdaman ko.

Hindi ko na kaya. Pagod na ako! Akala ko magiging okay na ang lahat! Akala ko magiging masaya kami ni Kent. Pero pano kami humantong sa ganito?

Napahawak ako sa tyan..

“Lord. Ikaw na pong bahala samin ng anak ko. Please wag niyo po kaming pababayaan.”-bulong ko sa sarili ko.

Kenneth’s POV

“Bro. Gusto mo bang ihatid ka namin sa bahay mo?”

“Ayoko. Hindi ako aalis dito.. Maghihintay ako. Babalikan ako ni Isha!”

Hindi na ako sumagot, sa halip ay iniwan ko nalang siyang naglalasing sa kwarto niya. Tulala at laging wala sa sarili.

Andito kasi kami ngayon sa condo ni Isha. Isang linggo na din ang nakalipas ng huli siyang magpakita. Ni walang text o tawag!

Pumunta ako ng sala para puntahan sila Art. Andito kaming lahat ngayon!

“Adam kamusta? May balita na ba?”-tanong ko

“Wala panga eh. Di parin ma reach ang phone niya. I tried to reach her thru email pero maging sa social media di na rin siya active.”-Adam

“Hayy. Nasan na kaya si Isha?”-Art

“Guys. We have to find Isha. Kailangan natin siyang mahanap. Pero habang ginagawa natin yun. Dapat di tayo mawala sa tabi ni Kent. Di natin alam kung anong pwede niyang gawin sa sarili niya.”-sabi ko naman

“Aaaaaaaahhh!”-bigla kaming napatakbo sa kwarrto ng biglang sumigaw si Kent.

“Kent, ano ba.. tama na yan!”-napaupo siya sa sahig habang hawak hawak ang boteng binasag niya.

Umiiyak siya. Masyado siyang depressed sa mga oras na to. Nakaka-awa siyang tingnan! Ni ilang araw na din siyang hindi kumakain at lagi nalang nakakulong sa kwarto.

“Isha, asan kana ba?? bumalik kana... para munang awa!”-hagulol niya

“Kent ano ba. Hindi na babalik si Isha. Iniwan kana niya! Umayos ka! Hindi ka dapat nagkaka-ganyan. Ayusin mong sarili mo.”-sigaw ni Emerson habang hawak hawak ang kwelyo ng damit ni Kent.

“Bro, tama na yan!”-sabay awat sa kanila

“Bakit?? Bakit lahat nalang sila iniiwan ako? Bakit kailangan kong maranasan ang mga bagay na to?”-sigaw naman ni Kent habang humahagulgol sa pag-iyak.

“Bro andito kami. Mga kaibigan mo! Hinding hindi ka namin iiwan. ”-niyakap ko si Kent. Nakaka-awa siya. Para siyang puslit na iniwan lang sa kalye. Kailangan namin siyang tulungan, hindi kami pwedeng umalis sa tabi niya.

Isha’s POV

“Sabi ko nanga ba eh! Walang magandang maidudulot sayo yang pagse-stay mo sa pilipinas.. So anong napala mo ngayon ha? Kung hindi kapa umuwing buntis dito edi sana hindi pa namin malalaman na may kinakasama kana pala! I’m so dissapointed on you Isha.”-sigaw ni daddy habang sinesermonan ako.

Naka-upo lang ako sa sofa katabi si mommy. Humahagulgol sa iyak!

“I-im s-so sorry Dad!”

“Sorry? Ano pang magagawa ng sorry mo Isha? Paano na yung mga pangarap namin ng mommy mo para sayo ha? Hindi ka namin pinalaking ganyan. I thought you’re professional enough para malaman ang tama at hindi tama!”-sigaw niya

“Hon tama na yan! Isha is pregnant. Makakasama sa kanya yang ginagawa mo!”-si mom habang hinihimas himas ang buhok ko.

“Ano kukunsintihin mo na naman yang anak mo ha? Kaya nga nabuntis yan eh dahil jan sa pangungunsinti mo!”

Tumayo akong umiiyak tska yumakap kay Dad.

“I’m so sorry Dad! Patawarin niyo po ako..”-hagulgol ko.

Natahimik si Dad habang niyayakap ko siya.

Inalis niya ang kamay ko tska naglakad paalis..

Lumapit sakin si Mommy..

“Tahan na anak! Matatanggap rin yan ng daddy mo. Just give him enough time para makapag-isip!”

Lumingon ako kay Kuya.. nakatayo’t nakatingin lang siya sakin..

“Kuya... I’m sorry”-pero umalis siya na para bang walang narinig.

Dito na ako naiyak ng sobra.. niyakap ako ni Mom tska rin siya naiyak.

“I’m sorry mom. I’m so sorry!”-bulong ko.

“Shhhhh.. you don’t have to say sorry okay? Wag kanang umiyak.. makakasama sa baby mo yan.”-pinaupo niya ako ulit sa sofa.

“Nak alam ko may dahilan ka kung bakit ka bumalik dito.. What’s wrong? Alam ba niya na buntis ka? Tell.me.. makikinig ako!”-dagdag niya

“No Mom. Hindi niya alam ang tungkol dito! And I don’t want him to know about this.”

“Then why? Karapatan niyang malaman yun anak because he is the father. Hindi mo pwedeng ipagkait sa kanya yun!”

“Sinaktan niya ako Mom.. I gave everything to him! Ni nakalimutan ko nangang mahalin ang sarili ko ng dahil sa kanya eh!”-hagulgol ko

Pinasandal ni Mom ang ulo ko sa shoulder niya.

“Anak, bata kapa! Marami kapang dapat matutunan.. gaya nito! This is the best lesson na matututunan mo sa buhay.”-sabay yakap sakin.

“Pag nagmahal ka. Makikipag-sugal ka kung kinakailangan! Kahit pa masakit. Kailangan mong tanggapin! But always remember.. Love will always leave you in a stronger heart Anak!”-humahagulgol ako sa iyak habang nakayakap kay Mom.

Hindi ko alam kung tama ba tong naging desisyon ko. Mahal na mahal ko si Kent pero mas pinairal ko pa rin ang galit sa puso’t isip ko. Pero sabi nga nila, kung kami talaga ang para sa isa’t isa.. God will provide the perfect time in a perfect place for us..

I GOT YOU MR. PROFESSORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon