Chapter no. 22
Kent’s POV
“Oh anak. Si Isha anjan naba?”-Si Mom habang tinutulak ni Yaya ang wheel chair niya papasok sa kwarto ko.
“Malapit na daw Mom!”-ako naman itong nagsusuot ng polo sa harap ng salamin.
Nag-request kasi si mom na mag-bonding kaming tatlo dito sa bahay.
“Ang gwapo talaga ng anak ko!”-nakangiting sabi ni Mommy
“Nakuuuu! Nambola kapa.”-lumapit at lumuhod ako sa kanya.
“Totoo naman ah!”-inayos niya ang bow tie ko
“Sobrang proud ako sayo anak! Wala akong ibang hinangad kundi ang kaligayahan mo. Mahal na mahal kita at kaya kong isakripisyo lahat para sayo.”
“I want you to marry Isha.. She loves you so much and I feel that! She was the one who can save you from your past.”
“Don’t let your emotion take over you. Wag mong hahayaang mawala siya sayo. It’s been a long time since you fell in love. You can find your true happiness with Isha.”-hawak hawak niya ako sa pisnge..
“Mom naman! Wag kangang magsalita ng ganyan..feeling ko iiwan mo na ako eh!”
“Kailan ba kita iniwan? I’ll never leave you anak. I’m always here by your side..”
“I loved you so much Mom!”
“I loved you too very much anak ko!”
“Excuse me Sir! Nasa baba na po si Maam Isha.”-Yaya
“OK OK. Susunod kami”
Bumaba kami ni Mommy para puntahan si Isha..
“Hi babe”-hinalikan ko siya sa cheeck
“Hello babe. Hello po Tita!”-nagmano siya kay mom.
“God bless you iha! You’re so beautiful in that dress.”
“Hehehe thankyou po Tita!”
“Mom. Mommy nalang! Try to call me mommy kahit paunti unti.”
“Ha? Eh.. nakakahiya po!”-napa smile siya tska tumingin sakin.
“It’s okay. Tinuturing kita bilang anak ko Isha!”
“Hehehe Salamat po Tita.. I mean mommy!”
Nilapitan ko si Isha tska inakbayan..
“Iloveyou mahal ko..”-bulong ko sa kanya. Nag-smile lang siya.
Buong araw lang kaming nasa bahay. Pinag-luto ni Isha si Mom ng masasarap na pagkain. Nag heart to heart talks. Nanood ng movies together and so many more. Lastly, nasa KTV room kami ni Mom. kumakanta siya habang nakaupo naman si Isha sa tabi ko. Naka-akbay ako sa kanya tska nakayap siya sakin.”
Kumakanta si Mom ng favorite song niya..
“TWO LESS LONELY PEOPLE IN THE WORLD, AND ITS GONNA BE FINE.. OUT OF ALL THE PEOPLE IN THE WORLD,I JUST CANT BELIEVE THAT YOU’RE MINE.. 🎶”
“Ang kulit ng mommy mo noh?”-Isha
“Ganyan talaga siya. Eh wala naman kasi siyang pwedeng gawin dito sa bahay eh!”
“Sana gumaling na siya agad ano? Para kapag nag travel tayo kasama natin siya.”-ani Isha
“Konting panahon nalang, makakalakad na din siya ng tuluyan!”-sagot ko
7:30 PM ng nagpa-alam si Isha kay mommy.
“Isha anak..”-palabas na sana kami ng pintuan ng bigla siyang tawagin ni Mommy
Huminto kami tska humarap sa kanya.
“Pwede bang dito kana muna matulog? Samahan mo muna ang anak ko.”
“Po?”-tumingin si Isha sakin so tumango naman ako.
“Sige na.. malulungkot yang anak ko, wala siyang kasama matutulog.”
“Ha? Eh. Sige po!”-sagot naman niya.
So dito nga natulog si Isha ngayon. Hinatid muna namin si Mom sa kwarto niya!
“Claire???”
“Po? Ano po yun Sir?”
“Napainom mo naba ng gamot si Mommy?”
“Papainumin palang po Sir..”
“O sige sige..Matulog kana pagkatapos mong inumin ang gamot mo ha?”
“OK anak. Goodnight and I love you..”
“Goodnight po Mommy Helena!”-sabi naman ni Isha.
Andito kami ngayon sa kwarto ko. Magkatabi kami ni Isha!
“Alam mo parang naninibago ako sa mommy mo.”-sabi niya habang kinakamot kamot ko ang braso niya
“Ha? Bakit naman?”-sagot ko
“Parang ang sweet niya ngayong araw eh”
“Ano kaba? Hindi kapaba nasanay kay mommy? Eh talaga namang sweet yan eh.”
“Kung sabagay!”
“Humarap kanga dito!”-pinaharap ko siya sakin..
“Mas sweet kaya ako dun?”-sabay halik sa lips niya.. itinaas ko ang damit niya at pinagapang ang kamay ko sa legs niya..
“Ooops! Bawal”-pinalo niya ang kamay ko
“Ha? Bakit naman?”
“Meron ako ngayon!”
“Hindi nga?”-kumunot noo ko
“Oo nga!”
“Sh*t! Ang malas naman oh!”
“HAHAHAHA bleeee.”-tinawanan lang ako..
“Edi ikikiss nalang kita.”
Natulog kaming magkasama! Hayys. Napaka-saya.. Thankyou Lord sa buhay na binigay mo. Wala na akong ibang hiling pa kundi makasama lang ang dalawang babaeng pinaka-importante sa buhay ko.
*fast forward*
“Good morning babe!”-gising ko sa kanya sabay kiss sa noo niya.
Namulat ang mata niya ng dahan dahan..
“Goodmorning! Kanina kapa gising? Sorry napa-sarap tulog ko.”
“Okay lang. Ngayon lang din ako nagising. Mag-prepare kana! Ready na daw ang breakfast sa baba”
“Hmm. Okay!”
Hinintay ko munang makapag-ayos si Isha bago kami bumaba..
“Good morning Yaya!”-bati ko habang bumababa sa hagdan
“GoodMorning po Sir.. GoodMorning Maam!”
GoodMorning din po!”-sagot naman ni Isha.
“Oh? Si Mommy asan na?”-sabi ko habang pinapa-upo si Isha.
“Ah. Di pa po gumigising Sir! Wait lang po ha? Gisingin ko po.”
“Ahh No Yaya.. ako nalang po! Babe, wait here ha? Puntahan ko lang si mommy sa taas..”
“Hmm okay.”-sagot naman ni Isha
“Mom? Are you awake?”-tanong ko habang kumakatok sa pinto.. open naman na din kaya binuksan ko.
Nakahiga si Mommy..
“Mom. Gising na dyan! Ready na ang breakfast sa baba.”-dumiretso ako sa salamin at hinihimas himas ang mukha ko..
“Mom? Mage-8 na. You have to take your medicine pa!”
Dumiretso ako sa tabi niya at inayos ang wheel chair niya..
“Mom? Ikaw ha? Gusto mo talagang pinipilit ka..”
Umupo ako sa kama at hinawakan siya sa braso. Nakatalikod siya sakin! Napakalamig niya! As in sobrang lamig. Kaya pinatay ko muna ang aircon..
“Mommy talaga oh! Sabi ko sayo bago umalis si yaya sabihin sa kanyang pahinaan tong aircon mo!”-bumalik ako sa pag-upo sa tabi niya.. hinawakan ko siya ulit sa braso habang pilit siyang ginigising.
“Mom? Gising na! Naka handa na ang breakfast sa baba.”-pa smile smile pa ako.
“Mommy naman oh! Gising na.. halika na.”-naputol ang mga ngiti ko’t napalitan ng kaba at takot ang nararamdaman ko.
Nanlalamig ang buong katawan ko.. yung dibdib ko mukhang sasabog na sa sobrang lakas ng heartbeat ko.
Dahan dahan kong pinaharap si mommy sakin.. Dito na ako napaiyak. Walang tunog na lumalabas sa bibig ko.. tanging luha ko lang ang tuloy na tuloy sa pagpatak.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Maputla si Mommy. Hindi siya dapat ganito..
“Mom. Wala namang ganyanan! Gising na oh! Maga-almusal pa tayo please..”
Napayuko ako sa dibdib niya..
“Wag namang ganito mom! Hindi ko kakayanin please gumising kana”-mainahon kong sabi habang patuloy sa pagpatak ang mga luha ko.
“Babe?”-boses ni Isha..
Lumingon ako sa kanya..
“What happened?”-tumingin siya kay mommy.
Wala siyang ibang naging reaksyon. Napatakip siya ng bibig tska naiyak..
“Iloveyou so much Mom!”-bulong ko kay mommy.
BINABASA MO ANG
I GOT YOU MR. PROFESSOR
RomanceA love story between a Professor and a Fragile Student that you will love. ❤