Adam’s POV
Nasa isang hotel kami ngayon, dito ko pinatuloy si Isha para makapag-pahinga
“Sige! Susubukan ko”-sagot ko matapos siyang humingi ng tulong saking makabalik ng LA.
“Mag-iingat ka dito ha? Babalikan nalang kita bukas.”-dagdag ko
“Sige. Adam! Maraming salamat ha?”-sagot naman niya
Paglabas ko ng hotel. Hinablot ko agad ang phone ko..
“Hello Art? Alam ko na kung nasan si Isha..”
I’m sorry Isha.. pero hindi ko mabibigay ang gusto mo. Gusto man kitang tulungan but not this time! Ayokong lumaki ang baby mo na walang kinikilalang ama..
Nasa labas ako ng hotel hinihintay sila Art.
After 30 mims..
“Oh asan si Isha?”-Emerson
“Nasa loob. Tara samahan niyo ako.”-paanyaya ko
“Paano mo siya nakita?”-Art
“Papasok na sana ako sa condo niya when I saw her. Tumatakbo siya at umiiyak kaya sinundan ko.”-kwento ko habang naglalakad sa room kung nasan si Isha. ayoko munang sabihin ang about sa pagbubuntis ni Isha. I want to keep it private.. kahit yun nalang muna ang maitutulong ko sa kanya.
“Nandito na tayo!”-dagdag ko..
Pagpasok namin..
“Isha??”-hanap ko agad
“Oh nasan siya?”-Bernie
“Andito lang siya kanina eh. Dito ko lang siya iniwan..”-sagot ko habang nlilibot ang buong kwarto.
“Adam naman! Dapat hindi mo siya iniwan.. dapat di ka umalis sa tabi niya..”-sigaw ni Emerson
“She want me to not tell anyone na andito siya. Gusto niyang umalis! Gusto niyang magpaka-layo-layo.”
“Alam ko pinatakas mo si Isha! Alam ko pinaalis mo siya dahil ayaw mong maging maayos sila ni Kent. Diba Adam? Kasi gusto mo siyang makuha kay Kent.”-sigaw ni Emerson habang pinagtututuro ako
“Eh gago ka pala eh! Hindi ko gagawin yun. Oo mahal ko si Isha! Pero hinding hindi ako gagawa ng dahilan na ikakapahamak niya.”-sagot ko naman.
“Guys, pwede ba wag na kayong mag-away? Andito tayo para hanapin si Isha! Hindi para magtalo.”-Bernie
Natahimik kaming lahat.
“I’m sorry. Pasensya na!”-mahinahong sabi ni Emer
“Pasensya na din.”-sagot ko naman!
“Teka, kung umalis si Isha dito! Saan naman siya pupunta?”-Art
Napapa-isip kaming lahat.
“Sa condo..sigurado ako dun siya didiretso! “-sabi ko
“Ha? Malamang hindi yun pupunta don dahil alam niyang dun siya hahanapin.”-Lauren
“Before ko siya iniwan. Nakiusap siyang kunin ko yung ibang mga gamit niya pati na rin yung passport niya. Kaya sigurado akong dun siya pupunta!”
“Oh edi ano pang hinihintay natin? Pumunta na tayo dun at baka makalayo pa siya.”-Bernie
“Tara bilis.”
Nag-drive kami ng napakabilis papunta sa condo ni Isha! Umaasang madatnan pa namin siya.
Isha’s POV
“Sige. Susubukan ko!”-sagot ni Adam sakin after kung makiusap sa kanya.
Dun palang nagkaroon na ako ng doubt na Adam will not gonna help me about this.
Kaya nung umalis siya ng hotel. Dun na ako nagkaroon ng pagkakataon para umalis.
I’m sorry Adam. I know gustong gusto mo akong tulungan in the way na hindi ako masaksaktan.. but I cant be with Kent again knowing na magkaka-anak na sila ni Olivia.
Nasa condo ako ngayon packing my things up. Kailangan kong bilisan at sigurado akong pupuntuhan nila ako dito..
Aalis na ako pero pagbukas ko ng pinto..
andun na silang lahat.
“I’m sorry Isha.. this is for your own good!”-salubong agad ni Adam
“Pabayaan niyo na ako.”-nilagpasan ko lang sila dala dala ang mga gamit ko..
“Isha tama na! Wag kang umalis. Pag-usapan niyo ni Kent kung ano man ang problema niyo.”-Emerson habang hawak hawak ako sa braso
“Pwede ba.. pabayaan niyo nalang ako. Wala kayong alam sa nangyari kaya bitiwan mo ako!”-pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa pagkakahawak sakin.
“Oo Isha. Wala kaming alam sa nangyari! Pero hayaan mo munang makapag-usap kayo ni Kent.”-Daryl
“Wala akong paki-alam! Ayoko siyang makita! Ayoko siyang makausap..Ano ba.. bitiwan niyo ako! Pabayaan niyo nalang ako pwede ba??”
“Isha tama naaaa!!”-sigaw ni Emer
“Alam mo kung anong nangyari kay Kent noon.. Gusto mo bang mangyari sa kanya ulit yon ha Isha? Kent is not a cheater.. He loves you more than anything Isha alam mo sa sarili mo yan! He lied to you but it doesn’t mean na hindi kanya mahal. Ano, susuko ka nalang ba ng ganun ganun nalang ha? Without hearing his explaination? Ano?”-dagdag niya
Natahimik ako. Napasandal sa pader at dahan dahang napaupo. Dito muling tumulo ang luha ko..
“Ang sakit.. napaka-sakit ng ginawa niya sakin!”-hagulgol ko.
Lumapit si Adam sakin at pinunasan mga luha ko..
“Don’t let your emotion take over you.. wag kang umalis ng hindi mo naririnig ang side niya.”-Adam
Kahit pa ayaw ko. Pilit nila akong pinasama sa bahay ng mom ni Kent.. Pagdating namin don! Nandoon na din sina Kenneth at Ellaine.
“Nasa taas siya.. kanina pa namin siya pinapababa kaso ayaw niya. Kaya di na muna namin siya inabala.”-Kenneth
“Ah Yaya Conchita.. anjan po ba yung duplicate ng susi ng kwarto ni Kent?”-Daryl
“Opo Sir meron po ako.”-Yaya
“Pwede po bang mahiram?”-Daryl
“Sige po Sir. Sandali lang po ha?”
Pumunta nga kami sa taas at dahan dahang binuksan ang room ni Kent.. pagbukas ng kwarto! Nakatalikod si Kent at nakaharap lang sa bintana habang umiinom ng alak.
“Umalis na kayo. Iwan niyo na ako dito!”-salubong niya agad ng hindi manlang humarap samin.
“Kent. Andito…”
“I SAID LEAVE ME ALONE!!”-hindi na natapos ni Emer ang sinasabi niya ng biglang sumigaw si Kent at tinapon ang bote ng beer na hawak hawak niya..
“Kent??”-mainahon kong bigkas.
Bigla siyang napalingon at tinitigan ako. Namamaga ang mata niya sa kakaiyak
“Babe??”-dahan dahan siyang lumapit sakin.
“Ikaw nga..”-tska niya ako niyakap ng napaka-higpit.
“Salamat at bumalik ka.. akala ko iniwan mo na ako!”-umiiyak siya habang nakayakap sakin.
Hindi ko siya niyakap. Nakatayo lang ako!
“Wag na wag kanang aalis ulit ha? Hindi ko kakayanin pag nawala ka sakin Isha.. mababaliw ako!”-umiiyak siya na parang bata habang nakayakap sakin.
Mahal na mahal ko si Kent! Hindi ko alam kung ano ang magiging resulta nito. Kahit pa pilit kong itatak sa isip ko na mahal niya ako. Di parin mababago ang katotohanan na nagsinungaling siya sakin at kahit kailan hinding hindi na yun mabubura sa puso’t isip ko.
BINABASA MO ANG
I GOT YOU MR. PROFESSOR
RomantikA love story between a Professor and a Fragile Student that you will love. ❤