Chapter #45: Going Back To Lantaw Syudad

2K 26 0
                                    

Isha’s POV

Hinatid ko na muna si Adam sa kwarto niya bago ako bumalik sa kwarto ko.

Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa to pero alam kong nasasaktan siya. Mahal ko si Adam! Pero hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya..

Ayokong paasahin siya! Gusto ko lang magpaka-totoo sa nararamdaman ko. Kung mahuhulog man ang loob ko sa kanya.. yun ay dahil siya si Adam! hindi dahil naaawa ako sa kanya. Ayokong maging unfair sa kanya in the first place pero mas mabuti nang maging honest ako sa kanya kaysa paasahin siya.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto.. pagbukas ko! Si Kent nakatayo sa harap ng bintana.

"Saan ka galing?"-tanong niya habang nakatalikod sakin.

"Ah.. naglakad lakad lang sa labas!"-mainahon kong sagot.

"Liar!"-sigaw niya sabay harap sakin dahilan para magulat ako.

Napakasama ng tingin niya sakin. Hindi ko alam kung bakit siya nagagalit ng ganito.

"Bakit kaba sumisigaw? At bakit kaba nagagalit ha?"-sagot ko

"Sinungaling ka! Napaka-sinungaling mo Isha!"-sigaw niya

"Teka, ano bang sinasabi mo ha? Hindi ako sinungaling Kent."-sagot ko

"Sinong kasama mo ha? Si Adam diba? Nasa labas kayo. Magkasama! Nakikipag-landian ka kay Adam.. nakikipag-landian ka sa kanya! So don’t make me a fool."-sigaw niya habang papalapit sakin.

"What the hell Kent! Naririnig mo bang mga sinasabi mo? Wala kaming ginagawang masama."-sagot ko

"Wala? Bakit, okay lang ba sayo na halikan kanya ha? Okay lang ba sayo na bastusin ka ng ibang mga lalaki ha? Ano, ganyan kana ba talaga ngayon Isha??"

Napatigil siya sa pagsasalita ng bigla ko siyang bigyan ng napakalakas na sampal kasabay ng pagtulo ng luha ko..

"Wag na wag mo akong pagsasalitaan ng ganyan Kent! Dahil hindi mo alam kung ano ang mga pinagdaanan ko nung mga araw na wala ka sa tabi ko! Wala kang alam Kent! Wala kang alam!"-hagulgol ko.

"Atsaka bakit kaba nagkaka-ganyan ha? Kaibigan natin si Adam. Bakit ganyan ka mag-isip sa kanya ha? Ano bang nangyayari sayo?"-dagdag ko.

"Isha.. iba ang tingin ni Adam sayo! Hindi lang kaibigan. Gusto ka niyang kunin sakin.. Ayaw niyang magkabati tayo kasi gusto niyang angkinin ka! Matagal mo ng alam yan."-umiiyak na siya.

"Alam mo! Sana nga minahal ko na din si Adam eh. Para tuluyan kanang mawala sa buhay ko.. hindi na kita kilala! Hindi na ikaw yung dating Kent na minahal ko.."-sagot ko sabay talikod sa kanya..

Balak ko siyang iwan sa lagay na yun ngunit bigla niya akong hinila at hinawakan sa mukha..

"Ano ba.. bitawan mo ako!"-sigaw ko

"You’re mine Isha! Walang pwedeng umangkin sayo.. akin kalang."-mabilis niya akong binagsak sa kama at hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Keeeent! Anoooo ba!"-sigaw ko.

"Hindi ka pwedeng mapunta sa iba. Sakin kalang Isha!"-pwersa niya akong hinahalikan sa leeg sabay punit ng damit ko dahilan para mapaiyak ako.

"Kent please. Wag mong gawin to! Para munang awa.."-pakiusap ko habang umiiyak.

Bigla siyang natahimik at tinitigan ako.

"A-am-I’m sorry Isha. I didn’t mean to!"-dahan dahan siyang umalis sa pagkakapatong sakin. Inabot ko ang kumot at tinakpan ang katawan ko..

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko! Ilang beses na na may nangyari samin ni Kent.. nagka-anak na kami. Pero bakit feeling ko hiyang hiya ako sa sarili ko? Feeling ko napaka-dumi kong babae..

Tinititigan niya ako habang nakahiga sa kama. Patuloy lang ako sa pag-iyak! Hindi ko lubos akalain na kaya niyang gawin sakin to.

"I’m sorry babe. Please I’m sorry. Nadala lang ako ng galit ko babe.. sobrang mahal lang kasi kita. I’m sorry"-hinawakan niya ako sa kamay pero tinutulak ko siya palayo sakin. Umiiyak siya..

"Don’t touch me.. please! Wag mo akong hahawakan!"-pakiusap ko.

Napahawak ang dalawa niyang kamay sa buhok na para bang gulong gulo ang isip.. habang patuloy sa pag-iyak.

Nag-lakad siya papunta sa pinto..

"Arrrrrrgggh!"-sigaw niya

"F*cccck! Anong ginawa mo Kent. Anong ginawa mo."-dagdag niya habang pinagsusuntok ang pader.

Di siya tumigil hanggang sa dumugo ang kamay niya. Mabilis siyang umalis palabas ng kwarto..

Kent’s POV

Hindi ko na-control ang sarili ko.. Hinayaan ko na namang kainin ako ng galit ko. Hinablot ko ang gamot ko sa car habang nagda-drive.. Hindi ko alam kung saan papunta to! Mabilis kong nilunok ang gamot na dapat lagi kong iniinom.

Pero wala na! Huli na ang lahat.. nasaktan ko na si Isha.. tinapon ko ang gamot at pinagsusuntok ko ang manobela.

"Ahrrrrrrggg!"-sigaw ko.. eto na nga yung kinatatakutan ko. Ang masaktan ko yung taong pinakamamahal ko.

Pinatakbo ko ang sasakyan ng napaka-bilis. Wala na. Gumawa ako ng dahilan para tuluyang mawala na sakin si Isha.. anong gagawin ko? Paano ko haharapin to?

Bernie’s POV

"GoodMorning Guys.."-sigaw ko sabay bukas ng pinto ng room nila Isha.

Kanina pa kasi kami tapos magbihis. Ready na para mag-breakfast sa baba.. kaso kanina na din sila ayaw lumabas sa kwarto kaya minabuti ko nalang na puntahan sila.

Pero bakit ganon? Si Isha lang ang nandito. Asan si Kent?

"Huyy Bess. Bakit nakahiga kapa jan? Bangon na.. mag-aalmusal na tayo. Tsaka asan ba si Kent?"-tanong ko

Nakahiga lang siya at ayaw magsalita. Diretso lang ang tingin niya kaya dito na ako nakaramdam ng something.

Pumunta ako sa mga room ng mgs kasama namin..

"Guyss. Dali.."-mainahon kong sabi.

"Bakit? Anong nangyari?"-sagot naman nila sabay sunod sakin.

Lahat kami nasa kwarto nila Isha. Sinusubukan naming tawagan si Kent pero hindi siya sumasagot.

Lumapit si Art kay Isha at hinimas himas niya ang braso ni Isha habang nakahiga.

"Bess, what happened?"-mainahong tanong ni Art

Dito na naiyak si Isha. Humagulgol siya kaya pina-upo siya ni Art at niyakap.

"What’s wrong? Anong nangyari?"-Art

Hindi sumagot si Isha.. sa halip ay mas umiyak pa siya.

"Guys, tumawag ako kay Yaya Conchita. Sabi niya nasa bahay na daw si Kent!"-Daryl

"Mabuti pa umuwi nalang tayo.. Bern, paki-ligpit naman ng gamit ni Isha oh?"-Art

"Osige sige . Ako ng bahala!"-sagot ko naman.

Isha’s POV

Nasa hotel na ako ngayon. Hinatid ako nila Art! Gusto nilang samahan muna ako ngunit mas minabuti ko nalang na iwan muna nila ako. Gusto kong mapag-isa! Buong araw akong nagkulong sa apat na sulok ng kwarto. Walang ibang ginawa kundi umiyak at mag-isip ng kung ano anong bagay.

Hanggang ngayon di pa rin mawala sa isip ko yung mga nangyari kagabi. After all that we have been through.. Sa ganitong sitwasyon lang din pala mauuwi ang lahat!

Masyado niyang pinairal ang galit niya. Masyado siyang seloso! Paano pa kaya pag nakasama ko siya ng matagal? Baka lalo lang lumala ang sitwasyon.

*ringggg ringggg*-biglang nag-ring ang phone ko so sinagot ko naman agad.

"Hi Mommy. How are you?"

"Kesha, anak?"-sagot ko

"Yes Mommy! I’m using my Tito Sac’s phone.. how are you mommy?"

"Ah.. I’m good anak! Ikaw how are you? Mommy miss you so much."

"I miss you too mommy! I’m doing well here. I’m so excited to see you soon.. when you will return here?"

"Ahm.. Tomorrow anak! Uuwi na si mommy."

"Yeheeey! You know mommy.. I told my friends that Daddy will be here with you so soon.."

Bigla akong  natahimik. Yung luha ko tutulo na naman!

"Ah ano kasi anak.."

"They said they were gonna play with me when my Daddy is here na.."-dagdag niya

Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko..

"Mommy, tell Daddy to be here on time okay? I want to make my friends jealous. You said my Daddy is so gwapo.. so I’m very sure that Daddy is much better than their Dad.. Hahahaha!"

Walang salita ang lumalabas sa bibig ko. Napakasaya ng anak ko! Paano ko sasabihin na hindi ko makakasama ang Daddy niya sa pag-uwi ko?

"Mommy are you crying?"-tanong niya

"Ha.. no no! No anak. Happy lang si Mommy kasi nakausap kita.. miss na miss kana ni Mommy."

"I miss you so much Mommy! Mommy, Tito Sac will leaving the house na."

"Hmm. Ganunba? Osige sige. Just turn off the call okay? I will be there tomorrow. I love you baby.."

"Okay Mommy..I love you too. Babye!"

"Bye.."-nakangiti kong sagot.

Ano ang dapat kong gawin? Paano ko sasabihin kay Kesha ang lahat? Natatakot ako, natatakot ako na baka lumayo ang loob ng anak ko sakin dahil hindi ko siya napag-bigyan sa gusto niya..

Habang buhay nalang ba siyang maghahanap ng aruga ng isang ama?

Kent’s POV

"Bro..  bukas na ang alis ni Isha! Hindi mo manlang ba siya pipigilan?"-Emer

Nasa bahay kami ngayon. Andito silang lahat maliban kay Adam at yung mga girls.

"Bro, gumawa ka ng paraan! Mahal mo siya diba? Pigilan mo si Isha."-Daryl.

"Hindi na niya ako kailangan!"-simpleng sagot ko habang nakatalikod sa kanila..

Hindi sila sumagot!

"Bro, kahit saang panig ka pumunta. Masasaktan at masasaktan ka pa din.. bakit di mo subukang pigilan siya? Sayang lang lahat ng efforts mo for a years kung babalewalain mo lang ang lahat!"-Daryl

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Naguguluhan ako! Gusto kong sumigaw ng malakas. Gusto kong ilabas lahat ng emotion sa dibdib ko.

Hindi ko sila sinagot. Umalis nalang ako ng walang imik sabay sakay sa kotse ko..

"Bro..."-sigaw ni Emer at Daryl

"Bro wag! Hayaan niyo na muna siya.."-pigil naman ni Kenneth.

Nag-drive ako ng napaka-bilis. Di ko alam kung saan papunta to. Bahala na rin kung ano ang kalalabasan nito.

Isha’s POV

"Manong.. please wait for me until I came back."-sabi ko dun sa driver ng taxing sinakyan ko.

"Okay po Maam!"-sagot naman niya..

Andito ako ngayon sa Lantaw Syudad. Yung lugar na lagi naming pinupuntahan ni Kent! Dito kami madalas pumasyal noon. Napakarami naming memories dito together.. Hindi ko alam kung bakit  ako nandito. Ang alam ko lang, dito ako dinala ng mga emosyon na nararamdaman ko sa ngayon..

Sarado ang resto. Wala kang ingay na maririnig! Napaka-tahimik ng paligid, napakalakas ng hangin..

"I hate youuuuuu! I hate you so much Kent!"-sigaw ko.

Yung mga mata ko nagsisimula na namang maluha.

"Napakasama mo!! Ayoko na sayoooo."-dagdag ko habang pinakikinggan yung boses kong nage-echo.

"Ikaw ang pinaka-worst na professor na nakilala ko!! So please wag kanang babalik sa buhay kooo.."-hagulgol ko.

Kent’s POV

Pinahinto ko ang sasakyan ng makarating ako sa Lantaw Syudad.. hindi ko alam kung bat ako nandito! Para bang may bumubulong sakin na dapat dito ako pumunta.

Dahil ba naiisip ko si Isha?? O dahil dito ko pwedeng ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa ngayon?

Nagtaka ako ng makita ko ang taxing naka-park sa gilid. Sino kayang nandito? 1 week pang sarado ang resto dahil vacation leave ng mga staffs ko.

Naglakad ako papunta sa taxi.. pero tulog ang driver sa loob.. kinatok ko ang window ng car kaya agad din namang nagising ang driver..

"Magandang araw po.. ano pong kailangan nila? Ako pong may-ari ng resto. Sarado pa po kami eh."-tanong ko agad.

"Ah Sir pasensya na po.. hinihintay ko po kasi yung pasahero ko! Sabi hintayin ko daw hanggang bumalik. Kanina pa yun eh kaya di ko na po namalayan na nakatulog na ako."

Bigla akong nakaramdam ng kaba..

"Kik-kilala niyo po ba yung pasahero niyo?"

"Hindi po eh. Pero babae po siya! Ewan ko nga kung san na yun pumunta eh. Lumulubog na ang araw pero di padin siya bumabalik."

Si Isha yon. Sigurado ako si Isha yung tinutukoy niya..

"Si-sige po.. salamat!"-sabi ko sabay takbo papunta sa taas.

Pagdating ko.. kita ko agad si Isha! Lumapit ako sa kanya. Nakatalikod siya pero dinig na dinig ko ang hagulgol niya.

Tahimik akong lumapit sa kanya.

"Isha??"

I GOT YOU MR. PROFESSORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon