Chapter #13: Savage Kent

2.8K 46 0
                                    

Chapter no. 13


We’re on our way papunta sa canteen. Shaaksh! Hindi pa rin ako maka-move on sa nangyari kanina.. Ano bang problema ng Alfred na yun? Nakakatakot siya. Parang ayoko na tuloy siyang makita ulit..

“Huyy Isha! Bili kana..”-Lauren

“Aah eh. Sige!”-kinuha ko ang wallet ko sa loob ng bag tska bumili ng iced tea..

“Tara! Upo na tayo.”-Bernie

Nasa table na kami ng canteen. Yung mga kasama ko nagtatawanan habang ako tulala lang..

“Isha, may problema ba? Kanina kapa tahimik ah!”-Art

“Ah kasi. Ano, parang masama kasi pakiramdam ko eh!”-ayan na naman palusot ko. Lagi nalang masama ang pakiramdam! Hahaha

*Ringggg ringggg* ng biglang tumunog ang phone ko..

Si Babe pala.. sinagot ko naman agad.

“Hi Babe.. how’s your day?”-tanong niya

“I’m okay.”-sagot ko naman

“Well, I don’t think so.”-Kent

“Bakit na naman?”

“Eh napapakunot noo ka eh tska yung nguso mo humahaba na kaya alam ko hindi ka okay.”-he said. Patawa tawa pa

“Paano mo naman nalaman?”

“Siguro kasi nakikita ko sa mahiwagang baul ko. Hahahaha! Malamang kasi nakikita kita!”-patawa niyang sabi

“Ha? Andito ka din?”-lumingon lingon ako sa paligid.. tska ko siya nakita sa isang table di kalayuan samin. Nagme-meryenda siya kasama yung mga ibang prof...

“Ikaw ha? Kung san san ka talaga sumusulpot.”-dagdag ko tska ko napa-ngiti

“Ayan yung gusto ko eh. Dapat lagi ka naka-smile! Lalo kang gumaganda dyan eh.”

“Bulero ka talaga! Wag kangang maingay jan at baka marinig ka nila!”

Tingin siya ng tingin sakin. Siraulo ata to eh! Di niya ba naisip na may mga kasama siya?

“I miss you babe. I want to hug and kiss you so badly.”-with his sweet voice

“Pwede ba.. yesterday lang tayo magkasama ah!”

“Eh ano naman ngayon? Basta pupuntahan kita mamaya ha?”

“Hmm.. ikaw bahala!”

“I love you so much babe!”

“I love you too.”-pabulong ko naman..

“Oh sige na. I’ll call you when I get home okay?”-dagdag ko tska baba ng phone

Nakaw tinginan lang kaming dalawa sa canteen. With matching smile pa! Ang seductive ng mga titig niya. May pa kagat labi ba! Kainis na babe to eh. Hahaha

“Oh. Adam! Saan ka galing? Lika samahan mo kami”-sabi ni Bernie kaya napalingon ako

“No thanks!”-Adam. habang papalapit siya sakin

“Ah Isha, for you!”-dagdag niya sabay abot ng flowers and a box of cupcakes sakin.

Napanganga naman ako. Sh*t! Anong ginagawa niya?

“Ayieeee Adam. Don’t tell me na crush mo si Isha ha?”-Bernie

Nagsitinginan kami nila Art at Ellaine.. pati sila nanlaki ang mga mata!

“Ah para saan to?”-tanong ko

“Wala lang. Hindi mo ba nagustuhan? Masarap yang cupcakes. Ate ko nag-bake niyan from her cake shop.. yan ang best seller nila! I hope magustuhan mo”-pinagtitinginan na kami ng mga tao.

Lumingon ako kay Kent at yung kilay niya nagco-collab. Mukha na siyang Angry Bird. Patay! Ano gagawin ko?

“Ah Adam. I really appreciate this but..”

Napatigil ako sa pagsasalita ng biglang tumunog ang phone ko.

“Sandali lang ha?”-kinuha ko ulit ang phone ko sa bag at inopen ang text ni Kent.

*1message received: BABE*

“FUCK” yan lang naman ang laman ng text niya.. paglingon ko sa kanya, tumayo siya at umalis palabas ng canteen..Naku! Nagalit na tuloy siya.

“Isha.. are you okay?”-Adam

“Ah o-oo.. thanks for this by the way!”-sagot ko naman sabay balik sa pagkaka-upo

JuskoLord. Bakit ba nagkaka-ganito ang mga lalaki sakin? Umupo si Adam sa tabi ko. Pero yung sarili ko di ko mapakali.. iniisip ko si Kent! Nagalit kaya siya?

Adam’s POV

I like Isha.. wala din naman sigurong masama don diba? Pareho din naman kaming single! I like her not only because she’s pretty.. mabait siya at sobrang talino pa.. marami ang nagkaka-gusto sa kanya sa school kaya hindi ko na palalagpasin ang pagkakataon.

Liligawan ko siya.. I’ll make her fall inlove with me in the way na hindi pa nagagawa ng iba sa kanya at hindi ako papayag na hindi siya sa kin mapunta..

*fast forward*

Isha’s POV

We’re on our way papunta sa parking lot. Magkatabi kami ni Adam na naglalakad habang sa unahan naman ang mga kasama namin.

“Isha, I liked you..”-huminto si Adam sa paglalakad, nalagpasan ko na din siya ng konti kaya napahinto na din ako.

Naglakad siya papunta sa harapan ko..

“I said I liked you..”

Nakayuko lang ako..

“Please give me a chance na ligawan ka”-dagdag niya

“Adam.. I want to be honest to you. You’re one of a kind. Kahit sinong babae magkaka-gusto sayo. But Adam, this is not the best time.. ayokong i-dissapoint ka dahil hindi ito ang priority ko sa ngayon!”-sagot ko…

Kahit sino naman talaga magkaka-gusto kay Adam.. Gwapo, mabait at gentleman pa! But I’m sorry.. may nagmamay-ari na ng puso ko Adam!

“Oh guys.. bat napahinto kayo? Bilisan niyo nang paglalakad!”-Lauren

“I’m sorry Adam! I hope you’ll understand.”- dagdag ko tska naglakad papunta kila Art..

Naiwan si Adam na nakatayo at tahimik lang.. Kawawa naman siya! I’m sure marami pa naman dyang mas deserve sa love niya.

“Ishaaa..”-tinawag niya ako kaya napalingon ako..

“Rejected na agad? Sorry.. but I’ll never give up on you”-sigaw niya kaya nagsitinginan ang mga tao.

“Baliw!! Halika nanga..”-sagot ko naman..

Dumiretso na ako sa kotse ko.. habang ang mga kasama ko pasakay na din! Pero si Adam at Bernie mukhang may problema.. nakatingin sila sa isang gulong ng car ni Adam. Kaya binaba ko ang window ko..

“Oh! What happened?”-sigaw ko.

“Flat!”-sagot naman ni Bernie kaya bumaba na muna ako para puntahan sila.

“Bat di mo pinaayos kanina Adam?”-tanong ko

“Eh hindi naman to flat kanina nung pinark ko eh. Hindi ko nga alam bakit biglang nagka-ganto.”

Hindi daw flat kanina.. so pano naging flat ngayon? Teka, parang I smell something ha?

“Hatid ko na kayo.”-paanyaya ko

“Naku hindi na.. kaya na namin to! Si Bernie kapa, eh ang laki ng katawan oh! Kayang kaya nito magtulak hanggang auto shop. Diba cous?”-biro ni Adam.

“Excuse me.. ako patutulakin mo ng car? No way, magta-taxi nalang ako! Umuwi ka mag-isa mo!”-Bernie

“HAHAHAHA!”-sabay sabay naming tawanan..

“Oh siya sige.. uuwi nalang ako!”-dagdag ko

“Ingat ka...”-Adam

“Kayo din.”

Nang makarating ako sa bahay, phone ko agad pinagka-abalahan ko.. tinatawagan ko si Kent pero ayaw sumagot, kahit text ayaw mag-reply..

Naligo’t kumain na ako pero wala parin talaga siyang response..

“Babe, sorry na please??”-last text ko sa kanya sabay sent ng selfie ko na naka puppy eyes at naka nguso..

Pag di pa siya nagreply.. matutulog na talaga ako!

After 10 mins of waiting..

*Dingggg donggg*

Napatalon ako sa tuwa. I’m sure siya na to.

Pagbukas ko ng pinto..

“Pizza delivery!”-sabay angat ng pizza

Napakunot noo ko.

“Ayokong kumain ng pizza.. at hindi din ako nagpa-deliver ng pizza”-sabi ko

“Eh yung delivery boy ayaw mo?”

“Syempre gusto, love ko panga eh!”-sagot ko kaya natawa kaming dalawa..

Ayieeee ang Kentot ko pinuntahan  ako. 😚😚

Sa terrace kami tumambay.. favorite place nadin siguro naming dalawa to.

“So bakit ayaw mong sagutin mga tawag ko kung hindi ka rin naman pala galit?”

“Syempre gusto kong i-surprise ka!”

“Talaga? Eh kung hindi ka talaga galit, sinong bumutas ng gulong ni Adam?”

“Ha? Bakit ako ang tinatanong mo? Malamang hindi ko alam!”-nag snob siya sakin..

“Weeeeh? Talaga? Sige nga tumingin ka sakin ska mo sabihing hindi ikaw yon?”

“Ayoko nga..”-diretso lang ang tingin niya habang ngumunguya ng pizza

“So ikaw nga talaga?”-napatawa ako ng malakas..

“Hindi nga..”-pagde-deny niya

“Promise?”

“Oo”

“Mamatay man?”

“Oo nga!”

“Mamatay man ako?”

“Ayoko nga. Oo na..Ako na! Kulit neto!”

“Ikaw ang sama mo talaga..”-sabay suntok sa braso niya.

“Aray ko aray..”-pang iiwas naman niya

“Sa tingin mo gagawin ko talaga yun? Syempre hindi noh? Ako lang ang nag-utos pero hindi ako ang gumawa..”

“Kahit na.. hindi pa din tama yun! Hindi mo dapat ginawa yun. Ang bait kaya ni Adam!”

“Dapat lang yun sa kanya noh? Masyado syang ma-epal! Kala mo naman kung gwapo. Pakain ko sa kanya yang flowers niya eh!”

“So nagseselos ka?”

“Syempre.. eh kung hindi lang naman ikaw ang inaalala ko matagal ko ng pinagsigawan sa buong school na girlfriend kita eh! Para malaman nila na akin kana at hindi kana pwedeng mapunta sa iba. Ng wala ng umaaligid aligid sayo dun..”

Oh kita niyo? Haba ng hair ko noh? Hahaha kilig to the bones ang lola niyo.

Hayys! Firstime kong ma-inlove ng ganito.. May mga naging boyfriend naman ako na mas ma-effort pa compared sa kanya pero why? Bakit sa kanya ang dali kong bumigay sa lahat ng bagay?

Lumaki ako with a perfect family. Magara, masaya kahit minsan may mga tampuhan between me and my dad. Pero feeling ko mas na-kumpleto ang buhay ko nung dumating si Kent. Sana lang walang magbago.. Sana lang!

I GOT YOU MR. PROFESSORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon