Kent’s POV
4:50 PM ng tumawag si Isha sakin.. tapos na din ang klase nila this day. Paligpit narin ako ng gamit para umuwi.
“Babe where are you?”-tanong niya
“I’m here at my car.. pauwi palang! Ikaw asan ka?”
“Andito ako sa labas. Pwede mo ba akong samahan?”
“Ha? Saan?”
“Basta! Hihintayin kita dito..”
Paglabas ko ng school nakita ko agad ang car niya so binaba naman niya ang window.
Tumango siya sakin.. sign na sundan ko daw siya! So sumunod naman ako..
“Saan kaya papunta to?”-bulong ko sa sarili ko.
After a minutes bigla siyang nag-park sa harap ng isang tattoo shop. Bumaba siya so bumaba naman din ako
“What are we doing here?”-tanong ko sa kanya.
“Tattoo shop to diba? So malamang magpapa-tattoo. Lika na!”
“Ha? Seryoso?”
So dumiretso nanga kami..
“Tattoo session for Isha Victoria”-sabi niya dun sa lalaki sa loob.
“Ah dito po Maam!”-sumunod naman kami
“Anong ipapa-tattoo mo?”-tanong ko sa kanya.
“Name mo..”-nakangiti niyang sagot
Napaka-swerte ko talaga sa babaeng to. Siya yung klase ng babae na hindi madaling magalit.. yung hindi mo na siya kailangan i-please sa lahat ng bagay. Yung kahit na alam niya sa sarili niya na may mga bagay siyang dapat malaman sakin, mas pinapairal pa din niya yung puso niya.. Mahal na mahal ko tong babaeng to.
“Ah ah-ouch..”-ungol niya habang tinatattoo’an siya sa kamay.
“Masakit?”-tanong ko
“Konti lang..”
Hinawakan ko ang isa niyang kamay at dahan dahang hinahalikan.. napangiti naman siya.
“Masakit pa din ba?”-tanong ko ulit
“Oo eh!”-napapatawa siya
Hinalikan ko naman ulit. Mas matagal na this time..
“Masakit pa rin ba?”
“Hahahaha. Oo”
Hinalikan ko ang kamay niya pataas sa braso papunta sa leeg..
“Hahaha anu ba.. nakikiliti ako!”
“Ano masakit pa rin?”
“Hindi na.. nakakahiya na kay Kuya oh?”
Hahaha pati tuloy yung nagta-tattoo natawa na din.
*fast forward*
@Isha’s Condo
Kent’s POV
“Huling tattoo mo na yan ha?”-sabi ko sa kanya.
“Ha? Bakit naman?”
“Masyado kang makinis. Ayokong nadudumihan ang katawan mo!”
“Hmm. Okay! Sabi mo eh.. pero dapat siguro mas nilakihan ko pa ano?”
“Okay na yan.. baka pag nagka-hiwalay tayo pagsisihan mo pa yan!”-nakangiting biro ko
Natahimik siya at akmang iiyak na.. kaya nilapitan ko siya at kiniliti.
“Ano kaba? Syempre biro lang yun noh? Hindi ko gagawin sayo yun. Hinding hindi kita iiwan promise!”-bulong ko sa kanya.
“Promise yan ha.. hindi ko kakayanin pag nawala ka. Baka nga ikamatay ko pa eh. Bala ka jan!”-sabay yakap sakin..
Hindi Isha! Hinding hindi ako mawawala sayo. I want you to be my last forever..
“Mag-iingat ka ha? Magsa-study lang ako sandali tska matutulog! Iloveyou”
“Iloveyou too.”
Nagda-drive ako ngayon pauwi..
Ito na siguro ang tamang panahon para kalimutan ko ang lahat at magsimula ulit kasama si Isha.. I don’t want her to feel bother pag kasama niya ako. Siguro kaya ko na this time. Kahit paunti unti pipilitin ko para kay Isha..
Hindi muna ako umuwi at dumaan muna kung saan kami galing ni Isha kanina..
“GoodEvening”
“GoodEvening po Sir! Bumalik po kayo?”
“Pwede pa ba?”
“Oo naman po. Tuloy po kayo..”

BINABASA MO ANG
I GOT YOU MR. PROFESSOR
RomanceA love story between a Professor and a Fragile Student that you will love. ❤