Chapter #49: ROAD TO FOREVER 💖 (EPILOGUE)

3.6K 64 14
                                    

"Sorry babe kung dito lang kita nadala ha? Lahat kasi ng magagandang resto dito na may VIP room fully book na. Eh biglaan din naman kasi tong date natin kaya ito lang yung nakita kong may bakante.."-sabi niya habang papasok kami ng resto.

"Ano kaba? This is one of the most expensive resto dito noh? Ang mahal kaya dito. Dito rin madalas mag date sina Mom and Dad."-sagot ko.

Simple lang ang resto. Tahimik! May VIP room sila kung saan pwede kang mag-relax. Room type siya! May malaking bed at malaking projector in case na gusto mong manood ng movies.

Pagpasok namin.. may mga roses na nakakalat sa sahig. May wines and foods na sa maliit na mesang katabi ng kama.. konti lang ang lights and may mga balloons sa kisame.

"You liked it?"-tanong niya.

Napapangiti ako. Napapatakip ng bibig! Speechless.. simula noon hanggang ngayon he always manage how to make me smile. Sobrang effort niya pa din kahit na may anak na kami.

"Of course babe.."-napaiyak ako sabay yakap at halik sa kanya

"Thankyou babe.. iloveyou so much!"-dagdag ko.

Hinawakan niya ako sa mukha..

"Anything for my queen.. iloveyou too my babe!"-sagot naman niya.

This time pareho naming kinalimutan ang lahat. Inenjoy lang namin ang gabi habang magkasama! Nanood kami ng movies, nag-kwentuhan, nagkukulitan! Di nauubusan ng topics sa isa’t isa.

"Wait lang babe ha? Yung isang order ko kasi di pa dumadating"-sabi niya.

"Hmm okay! Bilisan mo ha?"-sagot ko naman.

Umalis si Kent. Naiwan akong mag-isa sa room! Pero magte-10 minutes na di pa din siya bumabalik..

"Asan naba yun?"-tanong ko sa sarili ko.

Bababa na sana ako ng kama para sundan siya ng bigla akong natahimik.. yung movies na pinapanood kasi namin sa projector biglang napalitan.

Dito biglang nag-play ang isang video with matching sad-song. Mga pictures and videos namin together noon.. simula nung unang picture namin sa condo. Mga bondings namin! Dates, lahat lahat.

*music on* Fallen by Marion Aunor

Hindi ko mapigilang di maiyak. Napapa-ngiti ako habang yung luha ko patuloy sa pagbuhos.. ngayon ko lang nalaman na madalas pala niya akong kunan ng videos. Sa room habang nagsusulat, habang kumakain, habang natutulog.. He almost spend his whole time for me.

"Hi babe.. I know you are already crying now."-sabi ni Kent dun sa video.. natawa naman ako sabay punas ng mga luha ko.

"Sorry kung napaiyak kita ngayon ha? I just want you to know how much I loved you so much, the first time I saw you kasi.. sinabi ko na sa sarili ko na you are the one. The one na gusto kong makasama habang buhay.. I want you to know that I love you more than my life and anything in this world babe, and I will continue to love you forever. I promise that you will be the luckiest women in the world.."

Mas bumuhos pa lalo ang mga luha ko. Hindi ko ma-explain yung happiness na nararamdaman ko.

"Babe?"-boses ni Kent na narinig ko sa likod ko kaya napaligon ako.. may hawak hawak siyang flowers habang nakangiti sakin.

Kent’s POV

Nilapitan ko siya at pinunasan ang mga luha niya..

"Why are you crying? Hahaha"-patawa tawa kong tanong.

"Eh ikaw kasi eh.. nakakainis ka!"-pabebe niyang sagot habang pinapalo palo ako.

"Hehehe. Napaka-iyakin mo naman kasi eh! Eto oh.. for you!"-sagot ko sabay abot sa kanya ng flowers na hawak ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I GOT YOU MR. PROFESSORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon