Kent’s POV
Pwersa ko siyang hinalikan sa labi habang inis na inis siya. Hahaha! Dene-deny pa kasi na gwapo ako eh..
"Pwede ba. Matutulog na ako!"-pagsusungit niya
"Tulog na agad? Maya na.. may gagawin pa tayo."-patawa kong sabi.
"Gawin mo mag-isa mo!"-sabay talikod sakin
"Hahahahaha! Sungit naman neto. Pwede ba yun?"-sagot ko.
Mabilis ko siyang pinaharap. Pumatong ako sa kanya at hinawakan ang dalawang kamay niya..
"Pakipot kana naman jan ah? Gustong gusto mo talagang pinipilit ka!"-bulong ko sabay halik sa leeg niya..
"Hahahaha! Ano ba.."-nakikiliti siya dahilan para mapahalakhak siya.
"Hindi kapa ba pagod? Wala pa tayong pahinga oh?"-dagdag niya
"Kailan pa ako napagod pagdating sayo?"-tinitigan ko siya sa mga mata. Habang siya nakatingin sa mga labi ko
Dahan dahan kong nilapit ang labi ko sa labi niya. I kissed her softly.. tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak sa kamay niya dahilan para mapayakap siya sakin without breaking the kiss..
Pinagapang ko ang kamay ko sa legs niya paakyat sa underware niya.. Ramdam ko na ang init sa katawan naming pareho.
"Mommy Daddy??"-boses ng bata kasabay ng pagbukas ng pinto dahilan para mabilis akong mapaalis sa pagkakapatong kay Isha.
"Baby?"-tanong ko. Papikit pikit pa siya! Halatang antok na antok.. medyo madilim sa kwarto namin ni Isha dahil naka-off ang lights.
"Bat di mo ni-lock ang door? Muntik na tayong makita ng bata.."-Isha
"Eh ikaw kayang huling lumabas. Kaya akala ko ni-lock muna!"-sagot ko sabay lapit kay Kesha..
Pinaandar ko ang lights tsaka siya binuhat.
"Oh what happened to my princess?"-tanong ko habang papalapit kami sa kama.
"Mommy Daddy.. can I sleep here tonight?"-antok niyang sabi
Eto na ngang sinasabi ko eh. Mangyayari at mangyayari talaga to! Dahil may anak na kami ni Isha. Kailangan ko ng tanggapin na never ko na siyang masosolo every night. Huhuhu so sad.
"O-of course baby.. you can sleep here as long as you want."-Isha
"Thankyou Mommy.. thankyou Daddy!"-humiga siya sa gitna naming dalawa ni Isha.
Nakakagaan ng pakiramdam. Sobrang thankful ko pa din kay Isha dahil hindi niya ako pinasama sa puso’t isip ng anak ko. Sa dinami dami ng naging kasalanan ko sa kanya.. di niya tinuruan ang anak ko na magalit sakin. Infact, kinukwentuhan niya pa si Kesha ng mga sweet memories namin noon.
Ilang minuto lang ng makatulog ang mag-ina ko. Napapangiti ako habang tinititigan silang dalawa.. napaka-swerte ko kay Isha.. bukod sa maganda na, mabait at responsableng ina pa! I can’t wait to be with her for the rest of my life.. Itutuloy ko ang naudlot naming kasal noon. Wala akong sasayanging oras. I want to marry her as soon as possible.
Isha’s POV
"GoodMorning Apo.."-salubong agad ni Mom kay Kesha pagbaba namin ng hagdan
"GoodMorning Mom. Dad!"-bati ko naman
"Goodmorning. Oh! Umupo na kayo ng makapag-breakfast na tayo.."-Dad
Umupo kami ni Kent sa upuan. Tsaka ko nilagyan ang plate niya ng foods.
"Anak, alam mo ba yung binanggit ko sayo kagabi? Yung about kay Kent?"-Mom
Biglang napatingin si Kent sakin.
"Ah o-opo.. bakit po?"-tanong ko
"Totoo nga anak! Na-meet ko na si Kent before, alam mo hindi talaga ako nakatulog kagabi maalala ko lang talaga kung saan ko siya unang nakita."-patawa tawang sabi ni Mom
"Ha? Saan naman po? When?"-curious kong tanong.. pati si Kent napapa-kunot noo nadin sa kakaisip.
"Remember mo yung time na nanganak ka at kakauwi ko lang from Singapore kaso hindi kita agad napuntahan kasi nga nagka-problema yung car natin na susundo sakin?"-Mom
"Ha? O-opo. Bakit naman po?"
"He was the one who helped me to fix our car.. siya yun! Hindi ako pwedeng magkamali. Tandang tanda ko yung itsura niya.. diba iho? Naalala mo ba yun?"-Mom
"Talaga po? God! I didn’t notice it so far. I’m sorry po hindi ko kayo naalala kaagad.. That was 3 years ago na po kasi eh but still, that was nice! I can’t believe it."
Biglang nanlaki ang mga mata ko.
"So you were here 3 years ago? Anong ginawa mo dito sa LA?"-tanong ko
"Andito ako para hanapin ka Babe! May pinuntahan akong address kung saan kayo nakatira but sadly, hindi na daw kayo dun nakatira.. pumunta na rin ako sa office niyo kaso hindi ako pinapasok at hindi binigyan ng pagkakataong makipag-appoint."
Bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya. Pinuntahan niya pala ako noon? Pinilit pa rin pala niya akong hanapin kahit pa iniwan ko na talaga siya ng lubos nun. Wala manlang akong alam sa mga nangyari sa kanya when the time na iniwan ko siya.
"Sinubukan kitang hanapin Babe.. hindi ako tumigil sa paghahanap sayo. Nakakalungkot lang kasi hindi ko manlang na-meet ang Mom mo before kami magkita sa airport. Di sana nagkaroon ako ng pagkakataon na makita’t makasama ka nun. Wala akong kaalam alam na yung anak niyang manganganak that time ay ikaw pala yun."-dagdag niya.
Hinawakan ko siya sa kamay..tsaka pinahawak ang mukha ko.
"I’m sorry Babe. I’m so sorry! Patawad kung nag-suffer ka ng matagal because of me. I promise I will never do that again.. Iloveyou!"-sabi ko.
"No no no. It’s okay! Iloveyou too okay?"-sagot naman niya.
Napa-smile naman sila Dad.
"Araay ko Araay!"-si Kuya habang kinakamot kamot ang paa niya.
"Oh Sac.. what happened?"-Dad
"Eh may langgam po eh. Ang tamis na kasi dito."-Kuya
"Hahahaha!"-natawa kami.
"Kuya ha? Kaw talaga.."-sabi ko habang ini-isnob siya.
"So anak, papasok kana ba ng office today?"-Mom
"Ah opo Mom. Iche-check ko lang po yung sales these past few weeks.. pero babalik din po ako agad. I want to spend my time with Kesha and Kent po muna.."-nakangiti kong sagot.
Kent’s POV
"Ganunba? Okay that’s good.. eh ikaw Kent? Okay kalang ba dito? Kung gusto mong maglibang pwede mong sabihan yung driver.."-Isha’s Dad
"Ah.. I’m okay Dad! Dito nalang po ako with Kesha. Thankyou po!"-sagot ko
"Hmm.. okay! It’s up to you."
Aalis si Isha. Ano kayang pwede kong gawin para masorpresa siya? Kailangan kong makaisip ng paraan.
Isha’s POV
Hapon na pero andito pa rin ako sa office. Ang dami ko pang dapat tapusin! Hindi na din kasi kaya ng powers ni Tita Eliz kaya masyado siyang naging busy simula nung nawala ako.
Tinawagan ko na din si Kent na hindi muna ako makakauwi agad. Hayy! Ano na kayang ginagawa nila sa bahay? Miss na miss ko na silang dalawa.
5:37 PM na ng matapos ko yung paperworks.
*ringggg ringggg*-biglang tumunog yung phone ko. Si Kent pala tumatawag!
"Hello Babe? How are you?"-sabi niya agad.
"I’m good. Actually pauwi na din ako!"-sagot ko naman while putting lipstick on my lips.
"Okay.. hintayin kita dito sa labas!"-sagot niya
"Sa labas? Seryoso?"-gulat kong tanong
"Yeap.. I’m here."-simpleng sagot niya
Bumaba ako agad ng building.. paglabas ko! Kita ko na siya agad. Kumakaway kaway sakin. Gamit niya yung car ni Mom. Nilapitan niya ako tsaka binitbit yung laptop bag ko.
"Let’s go?"-paanyaya niya. Tumango lang ako tsaka naglakad pasakay ng car.
"Buti naman at hindi ka naligaw."-pangiti ngiti kong sabi habang sinusuot ang seat belt ko.
"GPS is on.."-simpleng sagot naman niya habang inaangat ang phone niya.
"So saan naman tayo pupunta?"-I asked.
"Basta.. magde-date tayo!"-sagot niya.
Hayy! Sabagay. Ang tagal din naman naming di nag-date. Miss ko na yung mga surprises niya sakin noon. Huhuhu! Wawa naman Baby Kesha namin, di na nakasama. Jan kalang muna kay Mommy’La anak ha? Babe-time muna si Mommy and Daddy..

BINABASA MO ANG
I GOT YOU MR. PROFESSOR
RomanceA love story between a Professor and a Fragile Student that you will love. ❤