Chapter #15: Kent's First Surprise

2.8K 39 0
                                    

Isha’s POV

Tahimik akong nagising habang inaalala ang mga nangyari yesterday.

Bakit ganon? Bakit ko naranasan ang bagay na yon? Hindi naba talaga ako maingat sa sarili ko kaya nangyari sakin ang bagay na yun?

Si Kent, si Kent ang nagligtas sakin. Hindi niya ako pinabayaan. Niligtas niya ako sa kapahamakan..

Pero bakit ganun? Bakit parang feel ko nahihiya ako sa sarili ko? Walang hiyang Alfred na yon. Kulang pa yung ginawa ni Kent sa kanya dahil sa takot na nararamdaman ko ngayon. Lamunin na sana siya ng lupa!

Humarap ako sa alarm clock ko.. 7:54 na pala! Papasok pa ba ako?

Hinanap ko ang phone ko kaya nakita ko ang text ni Kent.

“Wag kana munang pumasok ngayon. Inexcuse na kita sa mga subject teacher mo! Just rest yourself today. I’ll be there pagkatapos ng klase ko.. Love you babe! Please stay safe for me”

Buong araw akong humilata sa kama. Nag-iisip! Tulala.. hindi na rin ako nakapag almusal at lunch. Wala akong gana!

4:55 PM ng magtext si Kent.

“Ready yourself ha? May pupuntahan tayo!”

Saan naman kaya to?

Naligo nanga ako tska nagbihis. Di na rin ako nakapag-make up. Lipstick lang will do..

Quarter to 6 ng biglang may nag door bell so binuksan ko naman agad!

“Let’s go?”-si Kent habang hawak kamay ko.. tumango lang ako tska binalikan ang bag ko.

@Kent’s car

Wala kaming imik habang nasa byahe.. hindi ko alam kung saan kami pupunta! Pero matirik yung dinadaanan namin . Parang daanan sa baguio..

*This way to LANTAW SYUDAD*-yan yung nakalagay sa signage na dinaanan namin.

“Where are we going ba?”-tanong ko sa kanya.

“Basta, malapit na tayo.”

After a minutes.. nasa labas na kami ng isang restaurant. Tahimik lang at napaka-exclusive ng lugar. Mga VIP lang ata pumupunta dito!

Pinark ni Kent ang car tska binuksan ang isang door ng car para pababain ako.. medyo curious pa din ako kung anong place to.

Pagkababa ko ng car, napayakap ako sa sarili ko..

“Nakalimutan kong sabihin na malamig dito..”-Si Kent habang tinatanggal ang suit niya.

“Suotin mo muna to!”-habang pinapasuot niya sakin ang suit na tinanggal niya.

“Anong ginagawa natin dito?”-tanong ko

“Basta! Just keep calm ok?”

Biglang may lalaking lumapit samin..

“Oh Jon. Kamusta?”-salubong ni Kent

“Okay na okay na po Kuya Kent!”-sagot naman nung Jon

“Oh sige. Salamat! Si Tatay Isko?”

“Nasa loob po kuya.”

“Oh siya. Sige! Pumasok ka nadin dun!”-kinamayan ni Kent yung Jon saka umalis..

“Kilala mo?”-tanong ko

“Yeap..”-sagot naman niya!

“Don’t tell me na..”-

Napa smile siya.

“Yeah! I’m the owner of this private place..”

“Bat di mo sinabi na may ganito ka pala?”-nakangiti kong tanong..

“Special tong lugar na to. Eto isuot mo to!”-nilabas niya ang blind fold sa bulsa niya..

“Para saan na naman to?”

“Basta, halika!”-pinasuot nga ni Kent ang blindfold sakin tska naglakad..

“Saan ba tayo pupunta?”

“Basta nga! Malapit na..”

Ang lamig ng simoy ng hangin.. napaka-peaceful ng lugar. Wala kang ingay na maririnig..

“We’re here..”-sabi ni Kent kaya dahan dahan kong inalis ang blind fold.

“Woooow! Ang ganda..”

Nasa tuktok pala kami ng city. May hinandang dinner si Kent, naka-picnic type.. may mga candles and lights. Napaka-sweet sa mga mata. Pero mayrong mas higit na naka-pukaw ng atensyon ko. Ito ay ang natatanaw ko ang buong syudad na tanging ilaw lang ang mayroon. Napaka-ganda. Nakaka-wala ng stress..

“You like it?”-pinaharap niya ako sa kanya at hinawakan niya ang dalawa kong kamay.

“Yesss! Thankyou.. sobrang na appreciate ko!”-maluha luha kong sagot habang di mawala wala ang ngiti sa mga mata ko.

*music on*
Fallen by Marion Aunor
(PS: try niyo basahin to mga loves habang naka-play yang music na yan. Mas mafi-feel niyo I swear.)

Umupo kami at nagkwentuhan ng napaka-habang oras.. yung parang kami lang ang tao sa mundo? Walang inaalala. Pansamantala kong nakalimutan ang mga bagay na bumabagabag sa isipan ko..

“Favorite place ko to noon pa. Dito ako palagi pag nalulungkot ako. Dito mo pwedeng ilabas lahat kung anong nasa dibdib mo. Walang susumbat sayo, walang magja-judge.”

Nakikinig lang ako sa kanya habang nagku-kwento siya..

“Cheers?”-paanyaya niya

“Cheers”-sagot ko naman sabay angat ng glass of wine.

“Wait ha? May nakalimutan ako sa car”-tumayo si Kent patungo sa kotse habang naiwan akong nakaupo.

Ilang minuto ang lumipas ng may biglang humawak sa buhok ko ng dahan dahan..

Napalingon ako..

“Steady kalang”-Si Kent habang sinusuotan ako ng necklace..

“What is this for?”-tanong ko.

Tumayo siya at lumipat sa harapan ko..

“I love you so much Isha.. I want it to give you the world. I want to grow old with you. I want to see forever with you. You are my life now! I promise. Hinding hindi kita sasaktan!”

Napaka-seryoso ng mga binibitawan niyang salita. Kita ko sa mga mata niya na galing sa puso lahat ng lumalabas na salita sa bibig niya..

“Binago mo ako! Binigyan mo ng kulay ang madilim na mundo ko Isha Victoria.”

Hinalikan niya ako sa noo..

“I love you too Kent Xander. I promise I will do the same.”-sagot ko naman

Quarter to 12 na ng makauwi kaami sa condo.

“Pwede ka nang pumasok bukas.. wala na si Alfred!”-si Kent, habang nakasandal sa pintuan..

“Anong nangyari?”

“Suspended siya sa school this sem. Mas mabuti na yun, sana nga di narin makabalik next sem eh!”

“Hmm. Okay!”-tumango lang ako

“So ano, happy kana?”

“Yess! Pero parang hindi pa ako satisfied eh!”

“Bakit naman? What do you want? Tell me.”

“Hmm.. I want to meet your mom!”

“Huh?”-nanlaki mata niya (O.O)

“Yesss. There’s nothing wrong with that naman diba?”-sagot ko

“Ah. O-oo naman! Maybe this weekends?”

“Hmm okay.”

“Uwi na ako.. see you tomorrow! Mag-iingat ka ha? Iloveyou”

“Ikaw din. Loveyoutoo!”

I GOT YOU MR. PROFESSORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon