Chapter #29: Kent's Proposal to Isha

1.7K 32 0
                                    

Kent’s POV

3:27 PM. Hapon na at tulog si Isha! Sabado ngayon so wala silang klase.. Naligo’t nagbihis muna ako bago siya ginising.

“Good Afternoon babe.. gising na may pupuntahan tayo!”-dahan dahan niyang minulat ang mga mata niya pero di pa din siya bumangon.

“Huuy babe. Bangon na! Hapon na oh?”-kiniss ko siya sa noo.

“S-san ba tayo pupunta?”-antok na antok pa siya.

“Basta! Maligo kana dali.”

After a minutes.. naligo nanga siya tska nagbihis..

“Ganda naman ng bebe ko.”-nakangiti kong tugon habang vini-videohan siyang nagme-make up.

“Masyado atang tinuon ni God ang time niya sayo. Ganda kasi ng pagkakagawa niya sayo eh.”-dagdag ko

“Baliw!”-patawang sagot niya.

“Totoo naman eh! Sayo niya binuhos lahat ng time niya kaya sobra mong ganda”

Tumawa lang siya tska nagpatuloy sa ginagawa..

Then after nun nag-drive na ako papunta don sa venue.

“Saan ba tayo pupunta?” tanong niya.

“Basta! Steady ka nalang.. malapit na tayo! But first, I want you to wear this blindfold!”-sabay abot ng blindfold sa kanya

“Ayan ka na naman sa pa-blind fold blind fold mo ha? Hahaha!”-tawang tawa pa siya.

“Sige na kasi.”

So sinuot niya na nga yung blindfold.

Dinala ko siya sa isang rooftop ng mataas na building na pagmamay-ari ng friend ng mom ko.

“Andito na tayo..”-sabi ko sa kanya kaya dahan dahan niyang tinanggal ang blindfold.

“Chopper?”-gulat niyang tanong ng makita niya ang helicopter sa harap namin.

“Yeap..”-simpleng sagot ko

“Sasakay tayo?”-tanong niya

Tumango lang ako at nag-smile.

“Hindi nga? Talaga? Ikaw ang dami mo talagang paandar!”-sabay sapak sa braso ko..

“Hahaha! Halika na. Sakay na tayo!”

Tatlo lang kaming nakasakay.. Ako, si Isha at ang pilot..

Nasa taas na kami. Magka-hawak kamay! Nakatitig ako sa kanya habang napapangiti siya. Hindi ito ang unang pagkakataon na makita niya ang view sa baba pero ramdam kong iba ang sayang nararamdaman niya ngayon. Nilibot namin ang buong city.

Lumulubog ang araw. Napaka-ganda ng tanawin.. lalo na ang ganda ng pagkakatanaw ko sa mukha ng mahal ko..

“Wooooh! Ang sayaaa!”-sigaw ni Isha.

“Thankyou so much babe.. napakasaya ko! Iloveyou.”-yumakap siya ng mahigpit sakin.

“Iloveyou too babe. Lahat kaya kong ibigay para sayo!”-sabi ko

“But wait. This is just a beginning!”-dagdag ko naman

“Huh?”-Napatingin siya sakin..

“Kuya?”-nag sign ako sa pilot

“Sige po!”-sagot naman ng Pilot.

Takang taka si Isha..

Ilang minuto lang ang nakalipas ng huminto ang chopper.

“Oh bat tayo huminto?”

Tska ako tumawag kay Kenneth .

“Bro, its time!”

Ng biglang umilaw ang rooftop sa katapat naming building.

Tulala si Isha.. di siya makapag-salita. Napatakip bibig siya.

Yung ilaw na nasa rooftop ng building may nakaukit na “WILL YOU MARRY ME? with malaking heart shape.” Napaka gandang pagmasdan mula sa kinaroroonan namin.

Nilabas ko ang singsing dahilan pa mapahagulgol si Isha..

“Oh my God babe..”-bigkas niya habang nakatakip siya ng bibig.

“Isha.. the first time I saw you. I know you're the only one I want to share the rest of my life with.. I love you with all my heart Babe. I can’t imagine my life was pag wala ka! Hindi kita minamadali..Maghihintay ako kahit kailan mo gusto. I just want you to know na ikaw lang ang mahal ko at mamahalin ko habang buhay!”-hawak hawak ko ang kamay niya, habang siya naman’y napapangiti ngunit may halong hulang dumadaloy sa kanyang mga mata.

“Isha Victoria Siena.. will you be my wife?”-dagdag ko

Hindi siya umiimik.. tanging iyak lang ang maririnig mula sa kanya!

“Uyy babe. Sumagot ka naman! Aayaw kaba? Sige ka.. tatalon ako dito!”

Pinunasan ko ang mga luha niya gamit ang kamay ko..tska siya natawa!

“Tinatanong paba yun? Syempre naman! Yes Kent Xander Javier.. I will marry you.”

“Sigurado ka? Wala nang bawian yan ha? Yesssssss!”-napasigaw ako sa sobrang tuwa..

“Hello Bro.. Kumusta?”-si Kenneth habang naka loudspeaker ang phone ko.

“She said yes Bro! She said Yes!”-masayang sagot ko..

“Congrats Bro! Were happy for you.”-nasa taas din sila ng rooftop kasama mga friends ni Isha.

“Congrats po Sir!”-bati naman nung pilot.

“Thanks po.”-tuwang tuwa si Isha.

Napakasaya ko. Abot tainga ang mga ngiti ko sa mga oras na to. Di maipaliwanag ang nadarama! Kung panaginip lang to.. please lang! Ayoko ng magising pa..

Olivia’s POV

“What?? No!! Hindi yan totoo. Hindi!”-sabay off ng call matapos kong makausap ang stalker na hinire ko para manmanan sila Isha.

“Oh beb. What’s wrong?”-si Amanda.

“Si Isha at Kent. They were already engaged!!”-sabay inom ng wine.

“Haaa? So pano kana nyan? Pano na mga plano mo?”

“Hindi pwede to. Hindi! Akin lang si Kent.. walang ibang pwedeng umangkin sa kanya! Aaaaaah..”-sigaw ko sabay hagis ng wine glass dahilan para mabasag ito.

“Uyy beb. Chill kalang! Hindi pa naman sila kasal diba? May pagasa kapa!”-Amanda

Galit ako! galit na galit. Gusto kong mawala ang babaeng yun sa buhay ni Kent.

“Humanda ka sa gagawin ko Isha! Simula palang to..”-habang kinikimkim ang galit sa mga palad ko.


I GOT YOU MR. PROFESSORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon